Chapter Twenty Nine

55 6 3
                                    

Song: Bakit Iniwan Na- Freestyle

Lines:

Ang matatamis na mga alaala nating dal'wa
Tanging 'yan lang ang natitira
 Ngunit pa'no nangyari na may mahal ka nang iba?
Pag-ibig kong ito'y nilisan mo na

Daisy's POV

"Bakla ka, nahihilo na ako sa iyo. Kanina ka pa paikut ikot! Maupo ka nga dito!" Huminto naman ako at pwersahan akong pinaupo ni George sa sala set sa tabi niya. "Spill it! Ano bang problema?"

"Nandito na siya," saka ako tumingin sa kaniya.

"K!ngina ka! Nananakot ka na namang hayup ka!" saka nito niyakap ang sarili. Matatakutin kasi si George kaya lagi kong tinatakot sa mga multo.

"Gago! Hindi multo! Si Ethan, nandito siya!" pagtatama ko at biglang nagtititili ang bakla.

"Ayyy!! Bakla ka!! Si father earth, nandito na sa Ethan! Ano pumogi ba?" baling niya sa akin.

"Oo naman! Ay eh teka nga, bakit ba iyan ang tanong mo?"

"Pakilala mo ako, gusto kong masight ang kagwapuhan ni Fafa Ethan, parang tunog pagkaing mapait pero lasang mesherep. Eeehhh!!" saka kinikilig ang loko!

"Umayos ka ngang bakla ka! Ikaw ang gagawin kong papaitan diyan! Dami mong alam!"

"Eeehh! Alam mo naman ang weakness ko. Kapag ekis na sa iyo, reserve mo sa akin ha."

Saka ko siya piningot, "sabihin ko kaya iyan kay Billy!"

"Joke lang ito naman," saka niya ako nginusuan at humarap na sa akin. "Ano nang plano mo? Bigyan mong chance, baka kayo talaga, isipin mo pinagtagpo kayo ulit. Single pa ba?"

"Siya single pa, ako?" saka ko siya tinignan ng makahulugan.

"Hoy! Bruha ka! Huwag na huwag mong sasabihin sa papabols na iyan na kalive in mo akong shuta ka!"

"Pakasalan mo na kasi ako, gaya ng sabi nila tito at tita," ang tinutukoy ko ay ang parents niya.

"Hindi! Loko ka, aamin talaga ako sa fafa mo na iyan."

"Please, huwag.."

"Ano ba kasing plano mo?"

"Eh di, lumayo. Hindi na dapat magtagpo ang landas naming dalawa."

"Alam mo, hindi ko maintindihan sa iyong bakla ka. Nandiyan na nga, walang asawa, walang sabit, bakit hindi mo pa gapangin?"

Saka ko siya pinitik sa noo, "abnormal ka talaga kausap."

"Ang pinupunto ko lang, baka si Baby Maki na ang gumagawa ng paraan para sa inyo, pagbigyan mo na ang anak mo. Mag usap kayong dalawa, mag ayos tapos sundan niyo na ang poging baby Maki."

"Plano ko rin namang sabihin, hinahanda ko lang ang sarili ko sa matatanggap kong reaksiyon niya."

Hinawakan naman ang kamay ko ni George, "beks.. tatagan mo.. at kung gusto ka pa niya, pagkakataon mo nang sumaya."

Umiling naman ako ng sunud sunod, "hindi na iyon, baka nga marami nang babae iyon. Nalaman ko nang nakapasa na siya sa board exam at nasa top pa, imposibleng walang babae iyon ngayon."

"Bakit, mataas na rin naman ang naabot mo ah? Hindi ka na alangan sa kaniya beks! Umayos ka ha! Ilang linggo na lang, aalis na kami. Ayokong mag isa ka dito, baka kung ano na naman ang maisipan mo! Sai, sinasabi ko sa iyo ha! Binilin ka sa akin ni Chloe, baka habulin ako sa Amerika nang kaluluwa 'nun kapag hindi kita nahanapan nang titingin sa iyo dito," hinagisan ko siya ng throw pillow.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon