Chapter Sixty Eight

67 4 3
                                    

Baby: Lapit na po ako dumating. Bleh! 😛

Daisy's POV

"Pakilagay na lang doon ang hawak mo 'nak." Utos ko kay Notnot habang hawak ang barbeque na pagkain namin ngayon sa picnic area ng resort.

"Opo, my. Kumain ka na po?" tanong niya.

"Katatapos lang, nak, salamat. Kayo ba?"

"Naku my, nakailang bbq na kami nila kuya. Punta na po ako doon."

"Pakibantay si Nympha, ha."

"Opo, my." Tumakbo na siya sa upuan nila Baby Yo at Poknat. Tinignan ko sila na nagtatawanan kasama sila Nympha habang naglalaro ng boardgames.

"Kumusta na ang dalawang nagpapakiramdaman?" tanong ni Maki.

"Sira!" wika ko. Tinignan ko si Ethan na topless habang tumutulong sa mga lalaki para sa pagsibak ng kahoy na gagamitin sa bonefire mamayang gabi.

"Wala pa bang liwanag?" untag niya. "Hindi sa pangingialam pero mangingialam na rin talaga ako! Mag-ayos na kayo!"

"May lakad ka ba? Ikaw makipag-ayos!"

"Wala naman, inip lang ang ferson. Para pag lumabas na si Baby Junior eh, magkasama sama na kayong lahat, happy big family, davah."

"Magkasama naman kami."

"As in, iyong sa isang bubong na lang, ganun."

"Ikaw na lang, gusto mo?"

"Alam mo, kinakaganda mo iyang pagbubuntis mo pero kinakasama ng ugali mo ng malala. Ewan ko sa 'yo." Natatawa ako habang naglalakad na siya papunta sa direksyon ni Ethan. "Ikaw na nga lang ang kumausap doon. Ikaw lang ang may mahabang pasensya sa isang iyan."

Natawa siya sa inasta ni Maki at nagpunas muna ng pawis saka nagbihis at lumapit sa akin.

"Kumain ka na? May gusto kang kainin?"

'ikaw' an oba 'tong pag-iisip na 'to. 'Daisyree, ang halay!'

"Uh-wala naman. Katatapos ko lang."

"Masarap ang luto mong sopas, nakadalawang balik nga ako. Laki na tuloy ng tyan ko."

"Palit tayo?" saka siya humalakhak. "Request iyon ni Nympha, isa sa paborito niyang pagkain."

"Sobrang sarap!"

'Ako din kaya!' Naku! Itong utak na 'to! "Salamat."

"Pagod ka na? Hatid na kita sa kwarto niyo."

"Hindi pa naman. Ikaw, baka pagod ka na."

"Hindi pa. Okay lang ba tawagin ko si Maks?"

"Oo naman."

"Maki!" Saka lumapit ulit sa amin si Maki.

"Oh! Kung toyo ng asawa mo iyan, wag mo na ipasa ha."

"Grabe ka ha!" sagot ko.

"Nakalimutan kong ibigay 'to." Saka binigay ang card ni Ethan ang isang card kay Maki na natulala lang pagkaabot.

"Ser-yo-so?!"

"Hindi."

"Oh my!" Saka siya bumaling sa akin at napatayo naman ako sa paghila niya. "Lisensya ko, girl! Ako na ang magpapaanak sa 'yo! Nagbalik na ang lisensya ko!"

"Kahit wala kang lisensya, sa'yo talaga ako magpapaanak," sagot ko. Nakangiti akong kinurot ang mga pisngi niya. "Deserve mo ma stress ng todo, dalawa na ang trabaho mo."

Nagtitili siya na habang tumatalon.

"Heps, heps. Hindi siya pwede tumalon, Maks."

"Salamat, naku mahahalikan kita-" sagot ni Maki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon