Chapter Fifty Six

59 5 3
                                    

Daisy's POV

"Kuy—I mean Doctor Roel! Nandito ka!" gulat na tugon ko at napatayo na ako para batiin siya. Bumeso naman siya sa akin.

"Yeah, dinner with family friends. You?"

"Dinner with my friend. Anyway, Doc this is Dave, Dave meets Doctor Roel." At nagkamay naman ang dalawa.

Natigil ako ng makita ang pamilya ni Ethan sa parteng likuran namin. Naroon ang mga magulang ni Ethan pero wala si Drake. Kasama sa lamesa nila ang tatay ko at mommy ni Kuya Roel. Pero ang hindi pamilyar sa akin ay ang dalawang kaedaran ng magulang ni Ethan na siguro'y mga magulang ni Rose. Katabi rin ni Ethan sa upuan niya si Rose na nakakawit naman sa kaniya.

Napansin ni Kuya Roel na doon ako nakatingin kaya napatingin rin siya doon.

"Sila iyong sinasabi kong family friends. Halika, pakilala kita."

"Hindi na, Doc. Maybe next time." Saka ako bumulong sa kaniya. "Nandoon ang mommy mo, baka mabad mood." Saad ko na kinatawa naman niya. Nagpaalam na siya at muling bumeso sa akin saka kami iniwan ni Dave.

Pagkita ko sa lamesa nila ay nagtatawanan pang nagkukwentuhan ang bawat isa sa kanila kasama si Ethan. Napatitig ako sa kaniya at nang mapatingin siya sa gawi namin ay nagbago ang masayang mukha niya ng pagkabigla. Bumaling na ako kaagad kay Dave na nagtataka sa mga asta ko.

"Dave, pwede bang lumipat tayo. Halika na!" aya ko sa kaniya at nagpaunlak naman siya. Kamalas malasan lang dahil sa gawi nila Ethan ang labasan kaya madadaanan talaga namin sila.

"Sai! You are here-- with another guy! I'm surprised!" Bati ni Rose ng mapatigil kami sa lamesa nila.

"Good evening po," bati ko sa kanilang lahat ng nakayuko. Hindi ko alam ang iisipin nila dahil kasama ko si Dave pero bahala na.

"Is he your boyfriend?" tanong ng mommy ni Kuya Roel.

"No, Doctora, he's my friend, Dave, David Acuesta." Pakilala ko sa kanila. "Dave, they are family and friends of Doctor Roel."

"Acuesta?" sabay lapit sa amin ng mommy ni Kuya. "Oh, I know you! Your mother is my friend, Cecilia, you are related to the senator, right?""

"Yes po," saka nahihiyang yumuko si Dave.

"Oh, don't worry, I will not ask question about him." Saka siya matamang tumingin sa akin. "What am I concern more is you dating girls you don't know much," saka ako tinignan mula ulo mukha siyang paa.

"Ma!" sigaw ni Kuya. Pinuntahan niya ito at ginaya sa upuan nila.

"Naku balae, halika na rito at marami pa tayong pag uusapan. Lalo na ang naudlot na engagement party ng anak ko at ni Ethan. Dali na!"

Napatingin ako sa gawi ni Ethan na animo'y natuklaw ng ahas sa gulat at parang hindi alam ang gagawin.

"Halika na, Dave." Hinila ko na siya sa braso niya para makaalis na kami pero nagmamatigas siyang huwag muna. Patuloy ko pa rin siyang patagong tinutulak ng magsalita siya.

"Mawalang galang na po pero hindi po ibang tao si Sai. Wala po akong panahon para sa ganitong usapan pero sa susunod na hindi niyo siya irespeto, hindi ko pa hahayaan iyon. Mauna po kami sa inyo. At sana naging makabuluhan ang gabi ninyong lahat sa panghuhusga ng tao ng walang basehan."

Napatigil ako sa paghila sa kaniya pero siya na ang humawak sa akin. At sumunod na naramdaman ko ay nasa sasakyan niya na kaming dalawa at nakatitig sa unahan ng daan.

"Are you okay?" basag niya sa katahimikan namin.

Ang totoo, gusto kong umiyak ng malakas pero nagtataka ako dahil walang lumalabas na luha mula sa akin.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon