Chapter One

135 6 0
                                    

Note: Suicidal behavior and violence ahead. Read at your own risk.

Song: Fix you-Coldplay

Daisy's POV


"Nay, huwag mo akong iwan.. Nay..." Iyak ng isang sampung taong gulang na babae sa puntod ng kaniyang ina kasama ang bunsong kapatid. "Sama niyo na ako Nay, ayoko maiwan dito!!!" Dagdag niyang naghihinagpis.

"Halika na Sai! Wala na tayong magagawa," hila sa akin ni Tiya Lukring.

Umiiyak akong tumingin sa kaniya, "Tiya, dito muna po ako. Sasamahan ko muna si Nanay at ang kapatid ko," namatay sa komplikasyon sa panganganak ang Nanay ko kasama ng pinagbuntis niya.

"Tigilan mo na nga ako sa kadramahan mo!" Sigaw niya sa akin. "Buti nga at nandito pa ako para kunin ka! Kung hindi, sa kalsada ka na titira!" Dagdag niya pa.

Umiiyak na akong nagpakayag sa kaniya. "Tiya, babalik naman tayo dito diba po?"

"Huwag ka ng umarte diyan! Bilisan mo na at marami pang gagawin sa bahay!"

'Babalik ako 'Nay, pangako. Aayusin ko ang libingan niyo ni bunso.'

Nasa mataas kasing lagayan sila inilagak. Iyon lang kasi ang maibibigay ng gobyerno ng libre.

Pitong taon ang lumipas at walang pag aayang dadalaw kami sa puntod ng nanay ko. Madalas akong nagsasabi ngunit nabibigo ako. Nagtago ako minsan pero napapahamak lang din ako. Dahil ang trato nila sa akin... Isang katulong na hindi sumasahod..

"Sai, nasaan na iyong bagong dilaw na damit ko?" Tanong ng abnormal na anak ng Tiya na si Ate Ingrid. Mas matanda ito sa akin ng dalawang taon.

"Ate Ingrid, nakita ko iyon sa pangalawang cabinet mo." Angal ko at hindi napansing napataas ang boses ko.

"Galit ka ha?! Marunong ka ng umangal ngayon?" Sabay lapit niya sa akin at hinawakan ako sa damit ko. "Baka nakakalimutan mo, sampid ka lang dito! Pasalamat ka nga at pinatira ka pa dito!" At bigla niya akong binitawan at tinulak. Nabangga ang noo ko sa may kanto ng lamesa kaya napangiwi ako sa sakit noon. "Buti nga sa iyo!" Sabay alis niya.

Sa dalawang magkapatid, ang Kuya Pepe ang may kaunting puso para sa akin. Hindi siya katulad nila pero hindi rin naman siya ganoon kabait sa akin. Madalas ay wala siyang pakialam at walang malay tao lalo na kapag nanay na niya ang may kinalaman.

Pinahid ko na lang ng kamay ko ang dugong umaagos sa mukha ko. Binanlawan iyon ng tubig at diniinan para tumigil ang dugo. Gusto kong umiyak pero parang pati luha ko ay nasasanay na sa hirap ng pinagdadaanan ko. Naging bato na ata ako. Seventeen na ako pero nasa high school pa rin ako. Madalas ay pinapatigil nila ako dahil daw hindi nila kaya pero ang totoo ay para lang asikasuhin ko sila.

"Bruha, natapos mo na bang labahan ang mga damit?" Bungad na tanong ni Tiya.

"Tapos na po Tiya. May pasok po ako, itutuloy ko na lang po ang pagsampay pag uwi ko."

"Hindi! Isampay mo iyon ngayon! Gusto mong mamaho iyon? Nag iisip ka bang tanga ka?" At sinampal niya ako.

Wala na akong nagawa kundi isampay muna ang nilabhan ko. Bahala ng mahuli sa school. Wala rin naman akong mapapala.

Pagkatapos magsampay at maghugas ng rin ng pinggan ay pumasok na ako. Dalawang subject ang hindi ko napasukan.

"Hoy, Daisy! Bakit ganyan ang ulo mo? Nagdudugo!" Pag aalalang tanong ni Betty matapos ang isang klase, nag iisang kaibigan ko siya sa school.

Hinawakan ko naman ang noo ko at nilagay doon ang panyo ko. "Wala ito, Betty, nadulas kasi ako kanina." Naramdaman kong nagkabukol nga iyon.

"Lagi ka na lang pumapasok nang ganiyan. Kung hindi pasa, sugat. Tignan mo iyang kamay mo, kagagaling lang niyang mga sugat mo diyan 'nung isang araw, may bago na naman. Samahan kita sa clinic. Para magamot," alok niya at siyang tago ko naman sa mga kamay ko. Manu mano kasi ang paglalabang ginagawa ko kaya siguro nagsugat, dahil sa tapang na rin ng chlorine at sabon.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon