Chapter Twenty Eight

57 4 0
                                    

Song: Missing You- Freestyle

Lines:

Cause I'm missing you so bad
Now that you're not by my side
I guess you could say it's me
Who's hurting so bad after all this time
After all that we've been through
Baby aren't you hurting too?

Ethan's POV

"Congrats doc, galing galing naman," wika ni Doktora Vina Uy na kapwa ko surgeon. Nagsunuran naman magcongrats ang mga nurses na nandoon. Kapapasa ko lang kasi sa Physician Licensure Examination at totoong dumaan ako sa karayom sa sobrang hirap. Sa Maynila na ako nagtuloy mag aral ng pagdodoktor pagkatapos mamatay ng lolo.

Napatigil ako saglit, sa dami ng nangyari, napapailing na lang ako kung paano kong naitawid lahat ng iyon. Malaking parte ng pag aaral ko ang sakripisyo ng Kuya Drake ko. Nakulong pa ang mommy ko dahil sila ang utak ni Hally sa masamang nangyari kay Chloe. Bagay na sobrang kinalumo ng pamilya namin. Pagkatapos bumagsak ng kumpanya namin, halos ibenta namin lahat ng ari arian namin para lang ipambayad lang sa utang sa bangko ng kumpanya at para sa kaso ni mommy.

At nang nakalaya na ang mommy dahil na abswelto sila sa kaso, siya namang pagkamatay ni Chloe dahil sa aksidente. At ang hindi namin alam, sikreto silang nagpakasal ni Kuya kaya napunta sa kaniya ang lahat ng naiwan nito kasama ang malaking kumpanya na maayos na niyang napapatakbo ngayon.

At sa lahat ng iyon, makailang beses kong sinubukang tawagan ang isang taong naging dahilan ng tapang at pagpupursigi ko. Pero walang natuloy ni isa doon, sa takot na baka magulo ko pa ang tahimik niyang buhay.

Ngayon, na nakamit ko na ang pangarap ko, may nararamdaman akong may kulang pa rin sa akin.. Alam kong may kulang pa.. At alam na alam ko rin ang sagot sa lahat ng kakulangang nararamdaman ko.

"Salamat pero tsamba lang iyon Doktora," turan ko habang hawak ang chart ng isang pasyente. "Mamaya puno pa rin schedule namin ni Dortor Herrera, hindi ako makapag celebrate diba?"

"Magaling ka talaga doc, nakapasok ka pa nga sa top 10 tapos tsamba, walang ganun dok," pamimilit niya. Nakuha ko ang pinakadulong top, sumabit pa.

"Salamat, mamaya may konting salo salo tayo, dito na lang magcelebrate, mapilit ang mommy ko," saka kami natawa at siya namang dating ni Doctor Tan at umalis na si Dra. Uy.

"Oh tol, kumusta ang patient mo sa female ward? Balita ko maganda daw ah," pang aasar niya sa akin.

"Gago! Trabaho lang tayo, ul*l!" saka ko siya binatukan.

Isa si Doctor Tammy Tan sa mga tropa kong doctor dito sa Gregoria Medical Center. Katabing lungsod ng kinalakihan kong lugar dito sa Quezon. Ilang buwan pa lang ako dito dahil sinusundan ko si Doctor Jose Herrera na siyang mentor ko. Napakahusay na doktor at wala pang anumang naging problema kapag siya ang humahawak ng cases. May pagka terror lang at nakakangatog na nakakagimbal lang sa sobrang istrikto lalo na kapag nasa Operatong Room na. Full force ang medical team kapag nalamang siya ang hahawak ng operation procedure.

"Mukha mo! Nakita ko ngang binigyan ka pa ng pagkain 'nung isang araw. Dahil sa iyo, na iinspired magpagaling ang mga pasyente, samantalang sa akin galit na galit eh. Hahaha."

"Hayup! Palibhasa ikaw, ginagaya mo ako sa iyo eh noh?" Saka ko pinalo ang chart na hawak ko sa braso niya.

"Napakadaming may gusto sa iyo dito tol. Mapa saang department. Ano ba kasi iyang singsing na nakasuot sa iyo tol? Nagogoyo mo tuloy ang mga chicks. Akala nila kasal ka na."

"Huwag ka ngang nangingialam diyan. Palibhasa ikaw siguro kahit kasal ka na, hindi mo pa rin isusuot ang wedding ring mong hayup ka!"

"Oo nga pala, may bago akong target 'tol. Iyong bagong Sales Officer sa Philippine Ultimate Bank sa baba, grabe tol ang ganda! Sabi nga ng manager doon, siya na ang papalit sa kaniya as OIC. Magreretired na kasi iyon ngayong taon. Nagdeposit ako kahapon, 'tol sabi ko sa iyo, parang ayoko pang matapos ang transaksyon ko. Habang kausap ko ang manager nila, nasa harap siya ng opisina. Putek! Nahipnotismo ata ako! Mamaya, pupunta ulit ako doon. Kahit magkano lang, magdedeposit ako kuno."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon