Chapter Sixty Three

54 9 4
                                    

Daisy's POV

"Tingin mo, magiging mabuting ina kaya ako sa anak ko?" tanong ko kay Maki ng nasa bintana na kami at tanaw ang kagandahan ng mga bituin.

"You have nothing to prove, Sai. You are so good in this universe that even the universe doesn't deserve someone good as you."

Napatingin ako sa langit. "Bakit kaya? Parang ang hirap hirap kong mahalin, laging may aberya, laging may kasamang sakit. Hindi pwedeng mahal ko siya at mahal niya ako at magsasama lang kami ng masaya."

"Ethan."

"I miss him. Sobra.."

Saka niya ako nilapitan at niyakap. "You're good. We are good. Magiging maayos din ang lahat."

Pagkatapos ng nangyari, napagpasyahan naming magtayo ng maliit na kainan sa labasan lang ng tinutuluyan naming bahay. Bahala na kung ano ang kahinatnan kesa sa wala. Ang luto namin ay sa umaga at tanghali lang. Noong una ay wala halos kumakain sa amin kaya umikot kami ni Maki sa lugar para magbigay ng sample naming lutong almusal at tanghalian sa mga bahay. Pumunta rin kami sa mga establisyemento na maaari naming hatiran ng pagkain. Ngayon ay dumadami na ang customer naming at may regular na kaming hinahatiran ng mga pagkain.

"Oyyy.. Maganda ganda ang tubo natin ngayon. Lumalabas na ang puhunan. Naubos pa ang tinda nating almusal," may galak na saad ni Meyn habang binibilang pa ang nasa lagayan naming ng kita.

"Sinabi mo pa Marse, iba talaga ang swerteng hatid sa atin ng baby na 'to." Turo ni Maki sa tiyan ko at bahagya niya itong hinimas.

Hinawakan ko rin ang tiyan ko na may kalakihan na ngayon. Maglilimang buwan na pero ang sabi ni Maki ay maliit kaya pinapalantak niya pa ako ng mga gulay, prutas at iba pang maisipan niyang ipakain sa akin. Ang laking laking bagay na kasama ko silang dalawa. Para akong may Nanay at kapatid in an instant.

Hindi ako nahahapo sa ginagawa namin dahil bukod sa sila ang halos kumikilos, ay nagdagdag pa ng tao si Maki. Ako lang ang taga utos at taga timpla ng lahat. Cheffy Jontis na nga ang tawag nila sa akin.

"Magpahinga ka na sa bahay, buntis." Utos ni Maki sa akin dahil hapon na at magsasara na kami. Nag uumpisa na ring magligpit ang tauhan namin.

"Hayaan mo naman akong tumulong kahit kon-"

"Tumigil tigil ka diyan, saka ka na namin aalilain kapag nakapanganak ka na! Bruhang 'to, hala sige, uwi!"

"Oo nga, Ate. Pera mo rin naman—"

"Heps!" Pigil ko sa kaniya habang taas ang isang kamay. "Sa atin 'to, okay? Pagsasampalin ko kayo diyan." Saka ako tumayo at inilalayan ang tiyan ko. "Oh siya, ako'y hahayo muna at magpapakarami."

"Mag ingat ka."

Palabas na ako ng may babaeng lumapit sa amin.

"Ay, sorry sarado na po kami," untag ni Maki.

"Hindi po, uhm.." Saka siya tuluyang lumapit sa akin. "Ako po si Donna. Gusto ko po sana makausap ang namamahala po dito," pagtutuloy niya.

"Ako iyon, bakit?" sagot ni Meyn. Siya kasi ang sinasabi naming namamahala in case na may magtanong.

"Trabahador po kasi ako sa isang resort dito sa lugar natin. Eh dinalhan ko po minsan ang Boss ko ng pagkain nyo. Kung pwede daw po ay makausap niya kayo. Matagal na kasing nagsara ang café restaurant ng Boss ko kaya naghahanap siya ng pwedeng magtuloy."

Nagtinginan kaming tatlo at sinyenyasan ko si Meyn na ayos lang.

"Kailan daw kailangan puntahan? Saka may gagawin ba 'dun?"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon