Chapter Eighteen

63 4 1
                                    

Song: Indak- Cover by Dan Ombao

Daisy's POV

Kinabukasan pagkatapos ng sniper test, ay dumiretso ako sa Medical Dept para sa checkup ng mga mata ko. Pero wala pala ang doktor na titingin sa akin kaya umalis na ako. Pero nang matapat ako sa clinic ni Dra. Maki ay siya namang labas nito doon.

"Balita ko masaya ka na dahil nasa iyo na si Black," matapang niyang pahayag. "Masyado ka atang kampante, feeling mo magtatagal kayo?"

"May problema po ba dito Doktora Maki?" napapitlag akong tanong ni MJ na nakalakad na at nasa pagitan na namin ni Doktora Maki.

"Wala naman J, may isang tao lang kasi dito na ayaw lumugar nang tama!"

Ayokong makipag usap kaya tinalikuran ko na lang siya, "hindi pa ako tapos sa iyo!" saka niya hinila ang buhok ko.

Mabilis ko namang tinabig iyon, "ano bang problema mo? Kung hindi mo matanggap na ako ang pinili, eh hindi ko na problema iyon!" saka ako tumingin kay MJ at nagsimula na itong lumakad palayo. Pinabayaan niya talaga ako dito?

"Walanghiya kang babae ka! Binantaan na kita noon," sabay sinabunutan niya pa ako. Pero mabilis ako at nasabunutan ko rin siya at napahiga siya.

"Ayokong pumatol sa iyo pero pinipilit mo ako!" saka ko siya pinagsasampal at sinabunutan pa.

"Fff!!!" saka ko naramdaman ang pagtayo sa akin ni MJ. Umiiyak naman si Dra. Maki. "Tama na F! Itigil mo na ito!"

"Bakit ako?! Siya ang may problema!" sabay hinila ako ulit ng bruha.

"Ako? Ikaw ang nanggulo sa amin ni Black!" saka niya ako tinulak at tumama ang ulo ko sa pintong nakabukas. "Babalikan kita!" saka umalis ang bruhilda ng taon.

Umiiyak na akong hawak ang dumudugo kong ulo. At naramdaman ko ang paglapit ni MJ sa akin. "Huwag na! Umalis ka na!" sigaw ko.

"Nasaan ba kasi si Black, ba't pinabayaan ka niya?" saka niya kinuha ang panyo niya at nilagay iyon sa ulo ko pero agad ko iyong tinabing. May ibang transaksiyon si Black kasama ni RD sa ibang lugar.

"Huwag na sabi-"

"Hindi pwede, natama ka-"

"Kaya ko! Huwag ka na ngang magpanggap diyan! Wala ka din namang concern sa akin! Nagkukunwari ka lang simula pa lang 'nung una!" saka ako tumayo.

"Ano bang sinasabi mo? May ideya ka ba kung anong pinagdadaanan ko ngayon?"

"Hindi ko naman sinasadyang sabihan ng hindi maganda ang girlfriend mo, kung makatampo ka diyan! Ako nga, pinamigay mo iyong binigay ko, nagalit ba ako sa iyo? Hinanap ko pa iyon, nag ikut ikot pa ako para lang mahanap ko ang perfect graduation gift para sa iyo, tapos ipapamigay mo lang?! Grabe ka! Sana sinabi mo na lang sa akin 'nung una pa lang!"

Saka siya tumayo at yumakap sa akin, "sorry.." pero agad akong kumalas. "I didn't mean to hurt you."

"Nilabas mo na sa akin ang tunay mong kulay J, akala ko kaibigan ka, hindi pala! Akala ko kapamilya ang turing mo sa akin, hindi rin pala!" saka ako mabilis na umalis at pumunta sa locker room para kumuha ng first aid.

"Sai, nakailang paggaling na iyang ulo mo kaya sanay na iyan!" kausap ko sa sarili ko. Pero bakit parang mas masakit ang puso ko? Kapag naaalala kong pinabayaan ako ni MJ sa tagpong iyon, nasasaktan ako.

Narinig kong may pumasok, "F, halika sa clinic," sabi nang isang doctor.

"Ha?"

"Kailangan matignan ang ulo mo," sabi niya.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon