Chapter Twenty Three

60 3 0
                                    

Song: Patawad Paalam-Moira and I Belong To The Zoo

Fave Lines:

Sa ating hangganan, ikaw pa rin sana..

Daisy's POV

Nagising akong may humahaplos sa pisngi ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Good morning.. Alteza.." bati niya sa akin at pupungas pungas pa akong gumalaw at nang magmulat ay tumingin na ako sa kaniya. Kung ganitong mukha ang makikita mo araw araw, paniguradong gaganahan ka sa pagharap sa buhay.

"Good morning my Primo.." at dinampian ko ng bahagyang halik ang labi niya. "Kahit hindi pa nagtoothbrush, hinalikan na kita."

"Ayos lang kamahalan, match naman tayo, hahaha.."

"May pasok ka ngayon?"

"Wala, kaya dito lang tayo maghapon, ikukulong na kita dito. Bawal ka lumabas," at tumatawa siyang humarap sa akin.

"Hindi pwede, mamaya may meeting pa tayo with Boss, baka gusto mong mabartulina, alam mo naman ang isip nang isang iyon."

"I will cancel my request for transfer."

"Good! Mag aalala sa iyo ang pamilya mo at si RD kapag ginawa mo iyon. Saka wala ka pang kilala sa lugar na iyon."

"Sige, basta alam kong nandiyan ka," tinitigan ko lang siya at saka sumiksik sa dibdib niya. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin na para bang tatakas ako.

"Halika na, kailangan kong makauwi," aya ko.

"Akala ko, dito tayo?"

"Sige na nga.. After lunch na tayo umalis. May kailangan kasi akong gawin."

"Gaya nang?"

"M-May pinapagawa si Boss para sa meeting mamaya."

"Samahan na kita."

"Ethan, magkikita naman tayo mamaya sa meeting. And besides, alas siyete pa lang, we still have seven hours to spend together."

"Kinilig ako sa spend together, mind for morning exercise?" at tumingin siya sa akin ng makahulugan.

"Sir, hindi ka pa ba nanawa? Ilang beses kang nanggising para sa exercise na iyan. Enough na po!" nginusuan ko pa siya.

"Blame yourself, I can't help it! Ilang buwan akong wala," pagdadahilan niya.

"Ul*l! Kwento mo!" saka ako tumayo, hinila ang kumot at tinapis sa hubad kong katawan.

"Yes, wala nga."

"Parang hindi ako ang may hawak ng Pleasure Room Ethan! Huwag ako!" saka ko siya masamang tinignan.

"Walang nangyari sa amin ng mga hookers, I just went there to drink."

"Wento mo ulit!"

"True!"

"Anong sabi ng mga foil ng condom na nagkalat doon aber?!" at nakapamaywang pa akong humarap sa kaniya.

"I gave them vibrators at pinaglaruan nila iyon with condoms, hindi ako ang gumamit noon, swear," tinaas pa niya ang kanang kamay niya.

"Knowing them, alam kong abot langit ang pagnanasa nila sa iyo."

"Ayaw makisama ng alaga ko, mukhang ikaw na ata ang amo nito," he smirked.

"Ethan!"

"Oo nga, ikaw ba ang nagpalaki sa kaniya?"

"Sh!t ka!" hinagis ko sa kaniya ang unan at nahulog naman ang kumot na nakatapis sa akin.

Tumingin siya sa akin at hinila ang kumot para hindi ko makuha, "wowww! I think my breakfast is ready," at saka lumapit sa akin pero mabilis akong tumakbo palayo habang tinatakpan nang kamay ko ang katawan ko.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon