Chapter Fifty Four

56 6 0
                                    

Song: Journey by Lea Salonga

What a journey it has been
And the end is not in sight
But the stars are out tonight
And they're bound to guide my way
When they're shining on my life
I can see a better day
I won't let the darkness in
What a journey it has been

Daisy's POV

Pagkatapos akong itaboy ni Lola sa bahay niya dahil kailangan daw nila ng privacy ng private nurse niya ay napagdesisyunan kong pumunta sa clinic ni Ethan. Maraming pasyente ang naghihintay sa labas ng clinic niya. Sakto namang nakabili ako ng maraming ensaymada kaya binigay ko sa mga naghihintay. Pakatok na ako sa clinic ni Ethan nang lumabas siya doon.

"Mahal."

Nginitian ko siya at pinakita ang meryendang hawak ko at tinaas sa kaniya. "Surprise."

Natawa siya at kumuha ng panyo at pinunasan ang mukha niya saka siya bumeso sa akin. "Pasok ka."

Magkakilala na kami ng assistant niya kaya kumaway na lang ako.

"Give us a minute before the next patient, okay?" bilin niya.

"Hindi, hindi na kailangan. Bored lang ako kaya plano kong tumulong." Saka ako bumaling sa tainga ni Ethan na nakakunot-noo. "I want to see how sexy my future husband is while performing as a doctor."

Natawa siya at nagbilin na lang sa amin ng assistant niya ng mga kailangan. Sobrang dam inga ng ginagawa dito. Kung saang saang department ka makikipag coordinate lalo na kung may operation na gagawin. Hindi pala talaga biro ang trabaho niya.

Nasa huling pasyente na ang inaassist namin. Kahit binabawalan ako ni Ethan ay tumutulong pa rin ako. Pagkatapos ng clinic ay nagpaalam si Ethan para sa last rounds niya na para sa araw na iyon. Nahprisinta naman ako sa assistant ni Ethan na ako na ang magdadala ng inuutos ni Ethan na dalhin na orders niya sa may Operating Room. Paglabas ko ng elevator ay nakita kong nakatilod si Ethan sa may nursing station. Nagtago ako doon dahil nakakumpol ang mga staff doon dahil sa kaniya. Hindi ako nagseselos bagkus natutuwa ako.

Sa akin iyan.

"Doc, alam mo perfect ka na dapat, kaso iyong order mo kanina, hala, walang nakabasa, Doc. Kasama ba talaga iyan sa masteral niyo, kailangan pangit sulat." Reklamo ng isang nurse.

"Oo nga, Doc. Pwede naman kasing bagalan. Para kayong laging nagmamadali." Sabi pa ng isa.

"Heps, kalma, ako lang ito." Sagot ni Ethan. "Bakit sa akin kayo naghihimutok? Bakit kapag meeting hindi niyo nireraise iyan? Grabe kayo sa akin. Pwede namang magsorry, diba? Masaya ako ngayon, huwag niyo na akong awayin."

"Mukha ngang blooming ka ngayon, Doc. Nakapag fast drip ka, Doc noh?" Tanong ng isang lalaking nurse at nagbulyawan na ang iba.

Di niyo sure.

"Trabaho nga tayo, trabaho. Iyong mga orders ko ha. Kapag may result na, send niyo kaagad sa akin. Thank you for today, guys. Ingat kayo." At kumaway na si Ethan sa kanila paalis.

"Grabe, change the topic."

Natawa na lang ako at umiwas na makita nila. Hindi ako sigurado kung alam nila ang tungkol sa amin. Gusto ko rin namang magpaka lowkey.

Dumiretso ako sa OR at sinumulang ibigay ang dokumento sa nagbukas ng pinto. Astang aalis na ako ng bumukas ang pinto at sabay na lumabas ang Tatay ko at si Rose.

Napahinto sila sa usapan nila at sabay na napatingin sa akin. Mukhang kasama sa team nila si Rose at may hawak pa itong dokumento.

"Sai, anong ginagawa mo dito?" boses ni Ethan na galing sa likuran ko.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon