Chapter Thirty Nine

85 5 2
                                    

Song- Hanggang Kailan Kita Mamahalin- Angeline Quinto

Lines:

Habang ikaw ay naririto sa dibdib
Paglalaban ko'ng ating pag-ibig
Sa harap ng paghihirap at pasakit
Ako'y handang magtiis
Hangga't 'di kita lubusang maintindihan
Aamimin ko ang pagkukulang
Hanggang kailan kita mamahalin?
Tanong ng puso ngayo'y naninimdim

Daisy's POV

I look at him deeply, I saw guilt and remorse in his eyes. The way he says his 'sorry' and begs for my forgiveness, it feels as if I am his lifeline, as if his life is depending on me.

Kung hindi ko lang naaalala ang mga sinabi niya sa akin kanina, baka nadala na ako.

"Patawarin mo ako, Sai.. Please... Patawad.."

Hinawakan niya ng mga palad niya ang mukha ko at pinapatingin akong pilit sa kaniya. Pero tinignan ko lang siya ng walang reaksiyon.

"Saktan mo ako, pagsalitaan mo ako ng kahit ano, Sai... Tatanggapin ko.. Gusto kong ilabas mo sa akin ang sakit ng nararamdaman mo. Parang awa mo na, gawin mo iyon. Ha? Lahat, tatanggapin ko, huwag ka lang lumayo sa akin."

Binawi ko na ang mga kamay kong hawak niya.

"Stop playing games, Ethan. Don't fool me."

Saka siya tumingin sa akin na puno ng pagtataka. At unti unti nang nahuhulog ang mga luha niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at yumuko.

"Natransfer mo na pala ang bayad ng bahay sa account ko," simula ko. "Nasa process na ang change of name para sa titulo ng bahay," paliwanag ko. "A-At n-nabigay ko na kay Art ang shares ko sa dance studio. Kaya, huwag mo nang galawin ang bagay na iyon. Wala na akong koneksyon sa kanila."

At nakita ko ang patuloy niyang pag iyak na umiiling pa.

"H-Hin-"

"Ssshh!" putol ko sa sasabihin niya. "Tanggap ko na.. Pwede mo nang ipasa ang resignation ko." Saka ko naramdaman ang pag iinit ng mga mata ko. "L-Lalayo na ako.. P-Pinapangako ko na hindi na ulit magkukrus ang mga landas natin." At bago pa bumagsak ang luha ko ay pinahid ko na iyon at huminga ng malalim, saka kinagat ang pang ibabang labi ko.

"S-Sai, h-huwag p-please.. Mag usap tayo.. H-Halika.." saka niya hinawakan ang kamay ko.

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita ko ang singsing namin na nakasuot pa rin sa kaniya. Idagdag pa ang relo na matagal ko nang ibinigay sa kaniya, nabawi niya pala iyon sa pinagbigyan niya. Marahan kong tinanggal iyon, nung una ay iniiwas niya pa. Pero nagtagumpay naman akong maalis iyon sa kaniya. Sunod kong kinuha ang kaparehas noon na nakasabit sa kwintas ko. Inalis ko iyon at pinag isa ang tatlong mahahalagang bagay at saka inilagay sa isang kamay niya.

"S-Stop the pretentious, Ethan. Matagal nang tapos ang larong ito. Matagal ko nang tinanggap ang pagkatalo ko. Tanggalin mo na ang mga ito, isabay mo na rin ang sa akin."

"No! This reminds me of you and me, and I swear to God, walang isang saglit na hindi kita inisip."

"Ang sarap maniwala sa mga sinasabi mo. Baka kung hindi ka amoy alak, baka sakali pa."

Alam kong mababa ang alcohol tolerance ni Ethan. Sa dalas ng pag iinom nila noon sa organisasyon, nagiging katuwaan pa siya ng mga kasamahan ko dahil nakakalimutan niya ang lahat ng nangyari kapag nalalasing siya. At nagiging madaldal siya ng sobra.

"Umuwi ka na.. Lasing ka lang.." saka ko na siya tinalikuran.

"K-Kailangan kita! M-Mahal kita, Sai.. A-Alteza..." napahinto ako sa paglalakad ko at muli siyang nilapitan.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon