Chapter Sixty Five

45 6 0
                                    


Song: After All- cover by Jennylyn and Dennis

Daisy's POV

Nanatili akong nakayuko at ipinikit ko ang mga mata ko habang nanginginig ang mga kamay at buong katawan ko.

"S-Sai.."Narinig ko ang paglapit niya.

"Diyan ka lang, please, huwag kang lalapit." Dumilat ako at tinignan ko si Dave na bakas ang pagtataka sa aming dalawa. Tinignan ko saglit si Ethan na nakataas ang isang kamay na animo'y inaabot ako. Napayuko akong muli at pumikit.

"Sai, humiga ka muna," sabi ni Dave. Inalalayan niya akong mahiga at agad akong tumalikod sa kanila. "Pare, labas muna tayo."

"Mag-uusap kami!"

"Pre, sige na. Labas na tayo. Kailangan niyang magpahinga. Para sa mag-ina mo, gawin mo 'to, please."

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka ako dumilat.

"We're okay baby, I will not allow anyone to harm you. Stay still, anak," kausap ko sa tyan ko habang marahang hinaplos ito.

"Paano na?"

Nanginginig man ang buong katawan ko pero hindi ko mababago ang katotohanang alam na niya kung nasaan ako.

Pinikit ko ang mga mata ko at bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Sai!" humahangos at pawis na pawis na sambit ni Leone.

"Black.."

Mabilis niya akong nilapitan pagkatapos niyang isara ang pinto. Tinignan niya ako at tinignan ang katawan ko simula sa ulo.

"Nasaktan ka ba? Kumusta ang baby? May nangyari bang masama sa inyo? Sabihin mo."

Tinignan ko siya at bakas na bakas ang pag-aalala sa gawi niya. Hindi mapakali ang mga mata niya sa pag check sa akin kung may anoman doon.

Imbis na magsalita siya ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Ayos lang kami."

Walang sabi sabing niyakap niya ako. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa iyo." Saka siya kumawala ng yakap sa akin. "Napakaraming nangyari. Alam kong marami kang naiisip sa may kagagawan ng lahat ng masamang nangyari sa iyo. Pero-"

I cut him off.

"Kung pwede, ayoko munang marinig."

"Pero—"

Pumikit ako at bumuntung-hininga. "Saka na lang."

Nasa mukha niya ang kagustuhang magsabi pero totoong ayoko muna.

"Baka madamay pa ang baby ko."

Tumangu-tango na lang siya sa akin. "Whenever you're ready. Masaya akong nakita ka na namin. Sh!t! Hindi kami pwedeng mag-ingay sa media dahil baka lalo kang mapahamak." Hinawakan niya ang kamay ko saka bahagyang pinisil iyon. "Alam kong nakakpanibago 'tong sasabihin ko pero I will vouch for whatever Ethan will tell you."

Doon na ako napatingin sa kaniya.

"Grabe ang away namin dalawa." Umiiling na sabi niya. "Na admit nga ang isang 'yun. Parang t*nga kasi, ni hindi man lang lumaban ang hayvp!"

Napayuko lang ako. "Kumusta kayo, kumusta ang mga anak ko?"

"Susunod na sila. Nauna lang kami ng lalaking dahilan ng pambabaliwala mo sa akin."

Natawa ako at pinalo siya sa braso niya.

"Joking. Naka move on na ako noh."

"Ikaw talaga."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon