Chapter Three

75 4 0
                                    

Song: Breathing- Prime Circle

Lines:

Step back
Stop the world
Stop the time
It's always running
Just trying to catch my breath
Just trying to take it in

A/N: Matured contents ahead.

Daisy's POV

"Anak, huwag kang susuko. Lumaban ka lang. Magkakasama din tayo pero hindi ngayon. Huwag ngayon anak, magpakatatag ka pa."

"NAYYYY!!!!" Hinihingal kong sabi pagkamulat ko. "Nasaan ako? Bakit madilim? Pakawalan niyo ako parang awa niyo na. Please.." Pilit akong gumagalaw ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin. Ramdam ko ang lamig ng aircon sa buong katawan ko at parang nawala na ang suot ko. Naka bra at panty lang ako.

'Anong nangyayari? Bakit? Bakita ako nandito?'

"Gising na po siya Sir," narinig kong may nagsalita. Bumaling ako sa parte doon.

"Please... Pakawalan niyo na ako.. Parang awa niyo na.." Pagmamakaawa ko sabay agos ng mga luha ko.

"Ilagay niyo na," malaking boses ng lalaki. Biglang bumukas ang ilaw at nasilaw ako doon. Nakita ko ang dalawang babaeng kapwa nakamaskara. Sumara naman ang pinto katunayan na lumabas ang lalaking kausap nila.

Lumapit sa akin ang dalawang babae at nagpupumiglas ako pero malakas sila at may tali pa silang nilagay sa akin. Hiniga nila ako at pilit may nilagay sa mga mata ko.

"Huwwwagggggg!!!!" Pero tila parang walang boses ang mga pakiusap ko. Naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko. "Ano ito? Sinira niyo ang mga mata ko?!!! Bakit niyo ginagawa sa akin ito!!!!! Anong ginawa ko sa inyo?!!!!!! Wala akong ginawa sa inyong masama!!!! Mga wala kayong awa!!!" Pinikit pikit ko ang mga mata ko pero lalong lumalabo ang mga mata ko lalo na sa mga luha ko.

Narinig kong bumukas ang pinto, "nakabit na po Sir," saad ng babae.

"Magaling! Wala na siyang nakikita?"

"Wala na po, sigurado po."

"Mga halang ang mga bituka niyo! Wala kayong awa!" Galit kong saad. Tinanggal na nila ang ibang pagkakagapos sa akin pero nanatili ang mga nasa kamay ko. Tinayo ako ng dalawang babae at hinarap sa lalaki.

"Maganda ka, at sexy pa. Pwede.." Rinig kong sabi ng lalaki sa tainga ko, dahilan para kilabutan ako. Gusto kong sumuka sa harap niya. Nagpumiglas ako ngunit hinawakan niya lang ang mukha ko.

"P-Parang awa niyo na po, huwag niyo po akong sasaktan. Pakawalan niyo na po ako, parang awa niyo na.." Pagmamakaawa ko. Hindi ko na alam ang pwede kong sabihin at ipakiusap para makinig sila sa akin.

"Hahaha.. Parehas kayo ng sinasabi ng kabilang kwarto. Mga p*ta kayo! Nababagay nga kayong dalawa!!!" Sambit niya sa akin sabay halik sa pisngi ko dahilan para mapapikit ako at lumuha.

"Hindi ko po kayo naiintindihan. Palayain niyo na lang ako, parang awa niyo na. Hindi ako magsasalita, makakaasa kayo." Nararamdaman ko na ang panginginig ng mga labi ko at nanatili ang hikbi sa lalamunan ko.

"Hahaha.. K!ng ina! Ilang milyon ang halaga niyo sa gabing ito, papakawalan ko lang kayo?! Alam mo bang hirap na hirap akong makahanap ng mga virgin ngayon?! T@ng in@ng iyan! Lahat na ata ng kaedaran niyo ay nakatikim na, kayo na lang ang hindi!" Sigaw niya sa akin sabay bitaw sa mukha ko.

"Parang awa mo na po.."

"Ssshh! Ayoko ng maingay!!! Kung gusto mo pang mabuhay, naiintindihan mo?!"

"Parang-" At naramdaman ko na ang sakit sa pisngi ko sa pagkakasampal niya. Naramdaman ko ang dugo sa mga labi ko.

"Ayoko sabi ng maingay eh!!!" At hinawakan niyang muli ang mukha ko. Tahimik na lang akong umiyak at lumunok ng tuloy tuloy para doon ilabas ang mga hikbi ko. "Kaya mo naman pala eh. Masunurin naman pala itong alaga mo, Lukring!" At binitiwan na niya ako.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon