Chapter Fifty Two

57 5 0
                                    

Song: Saglit by Moira

Lines:

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
At kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa'y sandali kang naging akin

Ooh, oooh
At sa pagbawi ng tadhana
Masakit man magpalaya
Doon ako kung san ka sasaya
Kung san ka malaya

Daisy's POV

"Papunta talaga ako sa office niyo. Buti at nandito ka," pag uumpisa ni Doc Roel pagkapasok namin sa isang clinic.

Nanatili akong nakayuko at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Nasa clinic kami ngayon Ni Dr. Jose Herrera. Mas malaki ito kumpara sa clinic ni Dr. Roel. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

Nakayuko lang akong pirmi at naghihintay ng sasabihin ni Doc. Naramdaman ko ang pagbukas ng drawer niya at may kinuha doon. Sandali akong napatingin sa kaniya. At mabilis siyang lumapit sa akin dala ang folder.

"Here," saka inabot sa akin ang folder na hawak niya. Nanginginig ang kamay kong kunin iyon kaya dalawang kamay ko nang inabot ang folder. "I have to tell you this. It's your right to know."

Hindi ko alam kung babasahin ko ba o hahayaan ko na lang siyang ipaliwanag ang bagay na nakasulat doon. "D-Doc, p-para saan po ba ito?" Nauutal kong pahayag. Kahit na may ideya na ako, gusto kong makumpirma sa kaniya.

"Read... please..."

Binuksan ko iyon at nasagot noon ang kanina ko pang kalbaryo. Anak niya ako, kapatid ko ang lalaking ito. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko pero sandaling pinigilan ko iyon.

Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko. Tinitigan ko siya hanggang sa makita ko ang hawigan naming dalawa. Totoo ba talaga?

"You are my sister, I'm your Kuya, Sai." Paliwanag niya at naramdaman ko ang pagpiyok niya doon.

Doon ko na hindi na napigilan ang mga luha ko. At mabilis ko siyang pinuntahan at niyakap ng mahigpit.

"K-Kuya!"

"Sai.."

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to." Saka ako umiyak sa may balikat niya.

"Hussshh.. Kuya's here. Hindi ka na mag iisa." Saka ko naramdaman ang paghagod niya ng buhok ko. Matagal ko siyang niyakap at ang saya ko, ang saya saya ko. Akala ko wala na akong pag asang makita pa sila. Akala ko dadlahin ko sa libingan ko ang paghahanap sa ama at posibleng mga kapatid ko. Napapikit ako at nagpasalamat sa Taas dahil dininig Niya ako. May boses ako, nakaabot sa Kaniya iyon.

Nung kumalma ako ay pinalo ko ang balikat niya. "Kailan mo pa nalaman?"

Hinila niya ako sa sofa at doon pinaupo. Inabutan niya ako ng tissue at doon pinahiran ang luha at suminga na rin. Aba, siyempre tao rin akong inuuhog pag umiiyak noh.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin.

"Pasensya ka na at ngayon ko lang sinabi. Truth is, isang linggo nang lumabas ang resulta ng DNA test." Saka siya malakas na bumuntong-hininga. "We have a problem."

Para akong nasa malaking bula ng mga oras na iyon at biglang pinutok iyon sa harap ko.

"Hi--- H-Hindi niya ako tanggap?" Diretso kong tanong at umiling naman si --- Kuya. Nakakailang...

"Hindi sa ganoon, ang Mommy ko, doktor din siya dito, ilang araw na namin siya kinukumbinsi na ipakilala ka sa publiko. Pero ayaw niyang pumayag. Gusto ko lang maunawaan mo ang sitwasyon, Sai, hindi naman sa under si Daddy pero si Mommy ang dahilan kung paano niya naabot ang meron siya ngayon. They both worked hard to achieve such respect and praises from other people. I've seen their sufferings and hardships. That even me, their only son, deprived from their love and time. But I understand, eventually. I accepted the fact that their careers are the outmost priority. For now, their names are their issues. Baka maiba ang tingin sa kanila ng mga tao kapag nalaman ang tungkol sa iyo. Kung ako lang, wala akong pakialam. But I know Dad. Kahit ako na anak niya, pagdating sa trabaho ay hindi nakakatanggap ng special treatment which I respected so much."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon