Chapter Six

68 4 0
                                    

Song: That's When I Stop Loving You

A/N: Baka naguguluhan po kayo, eto po ulit ang names nila:

Daisy Leigh Enocena- nickname Sai, codename Purple Fox or PF or F

Leone Fernandez- Black Tiger or shortly as Black or BT

Chloe Samonte- Red Dragon or RD or D

:)

Daisy's POV

Kasalukuyan kong kasama sa opisina si Boss at iniabot sa akin ang isang makapal na envelope.

"Eto na ang pera mo, gawin mo kung anong gusto mo diyan," awtorisado niyang tugon.

Napabulalas ako ng buksan ko iyon, "Boss, napakalaki po nito!"

"Ikaw ang gumawa ng perang iyan, kaya ikaw din ang may karapatang lustayin iyan, oh siya, alis!" Saka sinenyas ang kamay na umalis na ako.

Kung nakakasira man ng mukha ang pagngiti, sira na ang mukha ko. "Salamat po," naiiyak kong tugon. Marami akong planong gawin, paunti unti. "Boss?"

"Yes?" Sagot niya habang busy sa pagtipa sa laptop.

"Plano ko po sanang umalis na at maghanap ng sariling mauuwian. Nahihiya na po ako sa inyo."

Tumigil siya at tumingin sa akin, "saka na, kapag nasiguro ko ng ligtas ka. Nasa paligid pa ang mga sumalbahe sa iyo. Mas magandang nandito ka muna. May problema ba?"

"Ah, wala po Boss."

"Gusto mong mamuhay mag isa?"

Nginitian ko siya, "opo, I want to see what life should offer. Kung saan ko pwedeng hanapin ang sarili ko. Kung saan ako gagaling at saan ako mas mapapakinabangan ng organisasyon."

"I will let you, but not now. RD will surely disagree too."

"Salamat Boss!" At hindi ko napigilan yakapin siya. Para siyang Tatay sa akin, saka ako mabilis na umalis dahil paniguradong pagagalitan niya ako.

Masaya akong pumunta sa kwarto na pansamantalang pinahiram sa akin. At itinago doon ang pera. Saka masayang lumabas at pumunta sa Training Room. Nakita kong nandoon ang ilan sa mga kasamahan kasama sila RD at Leone.

"Uy, penge!" Sabay kuha ko sa lollipop ni RD na kinakain niya saka kinain iyon.

"Dugyot nito, lollipop ko iyan eh!" Sabat niya saka sumimangot sa akin.

"Kain ka na lang ng iba," sabay ngisi sa kaniya. Saka naman ako lumapit kay Leone.

"Oh, nakatingin ka na naman sa kape ko," nginusuan ko naman siya. "Oh!" Sabay abot sa akin ng hawak niyang Starbucks Coffee at masaya ko naman iyong kinuha.

Umiiling na lang si RD at tinitignan lang ako ni Leone ng masama.

"Ano pa bang aasahan mo diyan?"

"Mamya magkasakit ka niyan."

"Natira nga sa kalye, hindi nagkasakit, dito pa kaya? Sarap ng kape, akin na lang ha," sabat ko habang hawak naman sa kabilang kamay ang lollipop.

"Hawak mo na eh," sabay dinilaan ko siya.

"Pero diba sinabihan mo na ang iba Black na huwag-" sabay pinanlakihan ni Black ng mata si RD. "Oops, my bad!"

"Ano?" Tanong ko.

"Wala, kumusta pala ang mga mata mo?" Tanong ni RD.

"Wala pa din eh, pero hindi naman ako nawawalan ng pag asa. Saka continuous ang follow up check up ko. Tss!" Saka sila kinindatan.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon