Chapter Twelve

57 3 0
                                    

Song: Kahit Kunwari Man Lang- Agsunta and Moira

Lines:

Kahit kunwari man lang 

Inamin lang sana'ng nararamdaman 

Kahit sandali man lang 

Sa 'yong mga ngiti ako'ng dahilan

Ethan's POV

"Mahal, gising na, gising na," saka ko naramdaman ang malamyos niyang haplos sa akin.

Dumilat at nakita ko ang magandang mukha ni F, hinaplos ko iyon at siya namang pikit niya. "What a nice way to wake up your husband." At sa gulat ko ay umibabaw siya sa akin at niyakap ako.

"I love you," at lumapit na ang labi niya sa labi ko. Nang hahalikan na niya ako-----

"Hoy, damuho gumising ka na diyan huy!! Anong oras na!!" Saka ako napabangon at nag isip. Panaginip lang? Pagtingin ko sa kaniya ay nakabihis na siya at nag aayos ng gamit. Natagalan bago ako bumalik sa reyalidad, "ok ka lang, J?" Saka ako huminga ng malalim at bumangon.

"Kanina ka pa gising?"

"Oo, nakaluto na ako ng almusal. Pwede naman nating baunin na lang sa biyahe," patuloy siyang nagtitiklop at nag aayos ng iba pang gamit. Napakaayos ni F sa gamit. Ultimo mga undies niya at maayos na nakatiklop. "Kilos na, eto tuwalya mo," sabay hagis sa akin ng tuwalya.

"Salamat."

"Bakit parang namumula ka?"

"Ako? Hindi ah! Never ako nagblush, sige na maliligo na ako," pagtatatwa ko saka mabilis na pumunta ng banyo. Kinakabahan pa rin ako at hindi makalma ang puso ko dahil sa panaginip ko. "Fvck!"

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ako. Nagulat akong nakaayos na lahat ultimo gamit ko. "Bakit ikaw lahat ang nag ayos niyan?"

"Konti lang naman," sagot niya habang bitbit ang malaking bag ko.

"Anak ka ng-" inagaw ko kaagad ang bag na dala niya saka nilagay iyon sa malapit sa pinto. "Huwag mo nang gagawin ito sa susunod ha. Magpatulong ka naman!"

"Galit yarn? GG ka Kyah?"

"Oo, ayaw mo umayos!"

"Kaloka ka! 50kilos nga pinapabuhat sa akin sa training, tapos mahirapan pa ako diyan! OA ka, kumain ka na doon."

"Kape ko.."

"Huh?"

"Asan na ang kape ko?"

Naglakad na ito sa may lamesa, "oo na, Mister Minchin! Gusto mo pagbalat pa kita ng patatas eh! Hmp! Sungit!"

Saka ako nagbuhat ng ilang bag pa namin. At saka lumapit sa may dining. At doon nakita kong marami siyang niluto. Ilang oras lang kaya siya natulog? "Natulog ka ba?"

"Ay grabe! Napakasarap ng tulog ko! Walang kasing sarap! May lullaby ako sa tainga ko, at napahusay niyang kumanta ng walang lyrics." At humagalpak ako ng tawa.

"Sorry, my bad! Naghihilik talaga ako, anyway, asan na ang kape ko."

"Eto na po, senyorito," saka niya nilapag ang kape sa harap ko.

"May kulang.."

"Kumpleto iyan, coffee, creamer at asukal," paliwanag niya.

"May kulang pa," saka siya tumingin sa akin ng nagtatanong, "inuman mo muna."

"Inya metten! Ay na apo ka!"

"Ano iyon? Hahaha.. Mura iyon noh?"

"Ilokano iyon. Inumin mo muna nga, tikman mo, isang lasa lang iyan!"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon