Chapter Sixty Four

49 9 0
                                    

This chapter is dedicated to Ate Joanne. My heart is with you, always. Life is hard to carry but happy thoughts and a positive outlook will make it lighter. Laban lang po! 🥰💪

Ethan's POV

Sai's Annual Physical Exam

"Doc, nandito na po ang sinubmit na sample urine ni Miss Enocena," tawag sa akin ng laboratory personnel.

"Papunta na ako."

Mabilis akong pumunta doon at ako ang gumawa ng pregnancy testing. Nang makita ang resulta ay naramdaman ko ang pagkahilo at hindi ko napansin na nasa sahig na ako habang inaaalalayan ako ng isang medtech.

"Doc, ayos lang po ba kayo?"

Napapikit ako at habang unti unting bumabagsak ang mga luha ko.

"T-Tatay na ulit ako! Tatay na ako!" tugon ko sa kaniya.

"Wow! Congrats Doc!" masaya niyang banggit. "Ang ganda ng misis niyo Doc."

"Salamat."

Kahit nanginginig pa sa saya ay umayos ako at nagsimulang buksan ang phone ko habang hawak ang batok ko.

"Mahal? Anong ginagawa mo dito?"

Nagulat ako sa pagkuha ni Sai ng atensyon ko. Hindi ko alam ang itsura ko ng mga pagkakataong iyon pero ang sabi niya ay maputla daw ako. Sa labis na saya ay kinabig ko siya palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Hindi ko na naiwasang maiyak, wala na akong pakialam kung may nakakakita pa sa amin.

"May problema ba?"

Tinignan ko siya at hindi makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. Nasa harap ko ngayon ang babaeng higit pa sa hiniling ko. Muli ay niyakap ko siya.

"Umiyak ka? May nangyari ba? Sa pasyente mo ba?"

Sinabi ko sa kaniyang hindi at totoong masaya lang ako dahil sa kaniya at siyempre, hindi ko muna sasabihin ang sikreto. Gusto kong maiba, kung ang tipikal na senaryo ay ang lalaki ang nasusurpresa sa pagbubuntis ng asawa nila, iibahin ko sa amin, siya naman. Well, she deserves all the surprises!

She refused the ultrasound and the check up to her OB will be on the next schedule.

I don't want to ruin my surprises to her, but I made sure to check on her from time to time.

Pero ang pagkakataon ay hindi pumapabor sa plano ko.

"Our schedule is full and there is no way you can have a week of leave, Doc Arellano," paliwanag ni Dr. Herrera.

"But Doc, matagal ko ng pinaalam ang week na 'to."

"Doktor ka ba talaga? Parang bago ka ng bago ha, Ethan!" Saka niya ako mabilis na tinalikuran.

"Sh!t!" dismayadong sambit ko habang kuyom ang palad. "Paano na 'to?" kausap ko sa sarili ko.

Minamadali ko na ang lahat ng bagay. Ang kasal, ang bahay at ang surpresang inihahanda ko kay Sai. Nagdagdag na ako ng pwedeng tumulong sa akin, ng wedding coordinator at mga trabahante ng bahay namin. I even contacted Mommy to focus on our wedding preparation.

Dumagdag pa sa stress ko ang pamilya ni Rose. Hindi niya pa masabi ang totoong relasyon namin ngayon at nakita pa nga kami ni Sai na kasama ng pamilya nila.

I cannot push Rose; I must give Tita's health into consideration.

Sai is mad, of course. She had all the rights to get mad. At ang sitawasyon na iyon ay nauwi sa pag-aaway namin.

"Make love to me," galit na saad niya habang nakatingin sa akin.

'Hindi pwede, wala pang kasiguraduhan kung safe sa case niya ang contact.'

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon