Chapter Twenty Two

65 3 0
                                    

Song- Can't We Try- cover by Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Fave Lines:

I don't care what people say
About the two of us from different worlds
I love you so much that it hurts inside

Daisy's POV

Naglakad na ako papuntang Archery Area nang mapadaan ako sa opisina ni Boss at dahil bahagyang nakabukas iyon ay narinig ko ang usapan nila.

"Alam kong pinapaboran ni RD si MJ, halata iyon Attorney," sabi ni Boss. Si Attorney Ramil ang nakita kong kausap niya ngayon, isa sa mga head ng kabilang station.

"Pero ganun ba talaga ang tingin mo?" tanong ni Atty.

"Oo, tutok siya sa training ng isang iyon. Natatakot siyang mapahamak si MJ dahil kapatid siya ni Drake, na alam nating pareho na gusto niya. At ang gusto niya ay makaalis dito si MJ para sa pamilya niya," saad ni Boss.

"Pero nasabi mong tinutulungan din ni Black si F, diba?"

"Oo, alam kong may dahilan si Black, pero hindi nagsasabi sa akin nang batang iyon," may pagtatampong pahayag ni Boss.

"Ano nang plano mo Boss? Sino sa kanila ang mas gusto mong manalo?"

"Mas gusto kong manalo si MJ, alam kong kawalan siya pero mas kailangan niya iyon lalo't may pamilya siya," sa pahayag na iyon bumagsak ang mga luha ko habang nakatayo sa labas.

"Hindi katulad ni F ganun ba?"

"Ganun na nga pero magaganda ang pinapakitang gilas ngayon ni F, kapag nanalo siya sa Archery, malamang na siya ang manalo at matalo si MJ. Maganda ang performance kanina ni MJ pero alam kong pagdating sa palaso, mas may kakayahan si F doon."

"Sandali, nabanggit mo sa aking gusto magpalipat ni MJ hindi ba?"

"Hindi niya alam na si F ang kalaban niya at ang estado ng laro nila. Ewan ko sa batang iyon at ang gusto ay lumipat sa inyo ng station, inaalam ko na kung bakit."

'May plano siyang magpalipat? Pero may kalayuan ang lugar na iyon. Dagdag pang wala pa siyang kilala doon.'

"Hindi niya kakayanin ang grupo naming Boss, malalakas kayo pero mas halang ang bituka ng mga tao ko," paliwanag ni Atty.

"Knowing you as a trainor Attorney? Baka mapahamak lalo ang isang iyon, dagdag pang may kalayuan kayo mula dito."

"Tama! Pero hayaan na natin sila at malalaki na ang mga tao mo, alam na nila ang ginagawa nila lalo na si RD. Iinom na lang natin iyan boss," saka ko nagpasyang umalis sa lugar na iyon at tumungo na sa pupuntahan ko.

Pagdating ko sa schedule ko, binigay na sa akin ang palaso at ang mga pana nito. Sampung targets ang gagawin at isa isang ititira iyon sa magkakaibang lugar. At ang huling tatlong targets ang pinakamahirap, dahil sa may layuan iyon at gumagalaw pa ang nasabing targets.

Huminga na ako nang malalim at inayos ang palasong hawak ko. Alam kong papanoorin ni Boss ang ginagawa ko kaya kailangan kong ayusin.

Inayos ko ang patama sa unang limang tira, nang nasa pang anim na ako, ay sinadya ko nang hindi patamaan iyon at nagkunwaring nanghinayang ako sa puntos na iyon. Sumunod ay inayos ko ulit hanggang pang pito at pang walo. Nasa pang siyam na ako at mahirap na ang isang ito, naalala ko ang lahat ng nangyayari habang sinisipat ko ang target mula sa hawak kong palaso at pana.

'Wala akong pamilyang maiiwanan. Wala na rin ang dahilan para manalo ako sa patimpalak na ito. Dahil ang pangarap na kasal at pamilyang dapat ay bubuuin namin ni Leone ay naglaho na.'

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon