Chapter Fifty Five

48 5 1
                                    

Daisy's POV

"Saan ang punta mo ngayon?" Tanong ni Ethan habang nag bebreakfast na kami.

"Schedule na ako, mahal sa APE. Nagtext na sa akin ang HMO na ngayon ako, kasabay ng next batch." Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi ko at kinuha ang shared coffee naming saka uminom doon.

"Ah ganun ba?" saka binitiwan ang kape. "Sabay na tayo, paready ko na kay Kuya Simon ang kotse."

Nginitian ko naman siya.

"Sige, thank you, mahal.."

"Anything for my highness."

Naging mabilis naman ang byahe namin at nagmamadali na siyang umakyat pagkapasok dahil may emergency operation daw. Ako naman ay dumiretso na sa HMO area para simulant ang APE ko. Naging maganda naman ang takbo ng exam ko. Hinuli na sa listahan ang mga laboratory at ang physical examination.

Naipasa ko na ang dapat ipasa ng kumatok ako sa may Laboratory Room para sana makuha ang result ko ng makita ko si Ethan na hawak ang batok at ginagalaw galaw ito.

"Mahal, anong ginagawa mo dito?" Tinignan ko siya at may napansin ako. "Ang putla mo, kumain ka na ba?"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ng bigla niya akong niyakap at lalong humigpit iyon ng umasta akong aalis.

"May problema ba?" tanong ko na lang.

Narinig ko ang pagsingot niya at pahapyaw na iyak niya.

"Umiiyak ka? May nangyari ba? Sa pasyente mo ba?"

Kumawala ako sa pagyakap at hinarap siya, saka ko pinahid ang luha niya. Sumisinghot singhot naman siyang humarap sa akin. "Wala, wala," saka siya huminga ng malalim at mataman akong tinignan at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko, "salamat... mahal.. salamat.. I don't remember anything to deserve someone like you. You are really an amazing girl I've ever had." Saka niya ulit ako niyakap. "Masaya ako.. Masaya lang talaga ako. Lalo't ikakasal na tayo. Mabubuo na ang pangarap ko para sa atin."

Niluwagan ko ang pagkakayakap niya at buti na lang at walang tao, baka kung ano isipin kapag nakita kaming ganito. "Sa ganitong oras ka talaga nagdadrama ng ganyan? Ireserve mo iyang speech mo sa kasal natin, huy! Atsaka hindi ako prepared." Natawa naman si Ethan at ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ng palad ko ang pisngi niya, "nandito lang ako, tandaaan mo iyan. Kung may maswerte sa atin, ako iyon, pinili mo  ko eh." Namula naman ang tainga niya pagkatapos. "Pupuntahan ko lang sana ang resulta ng lab ko, may pa MMK na dito, di ako informed." Pinitik niya naman ang noo ko.

"Nakita ko na."

"Huh? Bakit ikaw?"

"I am your future husband. Para ke pa at naging doktor ako kung hindi ko ipaprioritize ang health ng asawa ko. Halika na nga sa clinic ko." Saka niya ako inakbayan.

"Sige, pero kumain muna tayo. Namumutla ka eh. Pinakain naman kita ng almusal. Malamig pa pati ang kamay mo." Saka ko hinawakan ang isang kamay niya.

"P-Pagod lang siguro."

"Pwede kang mag break?"

"Yes, of course. Daanan lang natin sandali ang assistant ko. May konting bilin lang ako tapos kain na tayo."

Pagkatapos ng bilin niya ay pumunta kami sa restaurant na nasa tapat ng ospital. Nagulat ako sa dami ng inorder ni Ethan. Namilog ang mata ko sa dami 'nun.

"Napakarami naman nito, mahal!"

"Simula ngayon, I will spoil you with healthy foods. Your body needs it."

Tinignan ko lang siya na nagtataka.

"I will discuss later, c'mon, I'm starving." At tinapat niya sa akin ang pitsel ng tubig at sinalinan ang baso ko. "More water for you."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon