Chapter Fifty Eight

39 6 1
                                    

Song: In My Veins by Andrew Belle

Lines:

Nothin' goes as planned
Everything will break
People say goodbye
In their own special way
All that you rely on
And all that you can fake
Will leave you in the morning
But find you in the day

Daisy's POV

"La, aalis lang ako saglit, babalik ako kaagad. Hintayin mo ako, ha. Magpapasalubong ako sa iyo." Saka ko hinalikan siya sa pisngi niya.

Nasa labas na ako gamit ang sasakyang binigay sa akin ng kumpanya. Pupuntahan ko ang main office kung saan nandoon ang mga bosses para makausap ko. Nasa pag on na ako ng makina ng tumunog ang phone ko. Malamang ang assistant ko ulit, ilang messages na ang sinend niya para ipaalala sa akin ang meeting.

Napapikit ako habang sinagot iyon.

"I'm on my way, Myra, no need to-"

"Mahal?"

Napahinto ako sa nagsalita. It's been a while.

"E-Ethan?"

"You're expecting someone's call?"

"No, uhm, nagulat lang.. nagulat lang ako.." tumikhim pa ako. "Napatawag ka? Maayos na ba si Rose?"

"Yeah. She's fine," narinig ko ang malalim niyang paghinga.

God.. I missed him.. so much..

"Saan ang punta mo?"

"I have a meeting in our main office. My head wants to talk to me."

"Really? Sounds good. I know that is related to your hardwork."

"Yeah, looking forward to that. I maybe late, I need to go."

"See me tonight.. please.."

Kumabog ng husto ang puso ko.

I knew it! That's my Primo!

"Sure."

"In our place. I will wait. See you later... Alteza.."

Kanina pa tapos ang tawag pero nakayakap pa rin ako sa cellphone ko.

Pagkarating ko sa office ay agad akong pinaakyat para sabihing maghintay ako sa conference room. CEO ang kakausap sa akin. Tumawag ako kay Poknat para kumustahin si Lola. Okay naman daw kaya napanatag na rin ako.

"Everything will be alright. Hang in there, self, you've got this." Paalala ko sa sarili ko.

"Miss Enocena?" tumango ako sa tumawag sa akin. "Please follow me, Ma'am Kath is waiting in her office."

Sumunod naman ako hanggang sa pinaupo na ako sa may couch sa may office ng CEO. Napatingin ako sa paligid at natuwa ako sa ganda noon.

Maya maya ay bumukas na ang pinto at tumayo ako kaagad at kinamayan ang CEO namin. She portray great position and power.

"Good morning, Ma'am. I'm Daisyree Enocena."

"Good morning Miss Enocena, please sit down, care for a drink? Anything you like."

"Water na lang po please."

Umalis na ang secretary niya at naiwan kaming dalawa. May binabasa siyang files bago humarap sa akin. Wala akong mabasa sa itsura niya.

"Miss Enocena, I don't want to prolong this meeting, but I just want to clarify things before we go for the final decision. Truth is the executive meeting is ongoing right on our next room. And after this, I will directly relay the things we discussed. So here we go," saka siya huminga ng malalim. Binuklat niya ang pages na hawak niya. It's an image. Hindi ko pa naprocess at medyo lumapit muna para matitigan ko iyon. "Do you know this picture?"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon