Chapter Thirty Three

60 4 0
                                    

Song: I Don't Have The Heart-Kyla

Daisy's POV

Naging masaya ang paggising ko at ang pagkain namin nang almusal kasama ang mga anak ko na galing sa iba't ibang matres.

"Mga pangaral ko sa inyo ha, huwag na huwag kayong mananakit ng babae! gugulpihin ko talaga kayo! Kumusta pag aaral niyo?"

"Ayos po mommy, finals na po namin next week."

"Eh bakit pumunta pa kayo dito? Sana nag aral na lang kayo."

"Naku 'my, namiss ka kaya namin.. kaya excited kami nang sabihin ni Kuya George na wala kang kasama dito."

Pinaggugulo ko naman ang mga buhok nila, "salamat. Pagkatapos kumain, umalis na kayo ha, mag aral kayo."

"Hindi po.."

"He! Mag aral kayo, may pupuntahan ako. Ayos na ako.."

Alangan pang sumunod ang tatlo pero pinilit ko na lang. Hinatid ko muna sila saka ako pumunta sa flower shop at bumili ng bulaklak.

"Naku suki, wala na ang binibili mo, nakuha na nung isang customer kanina. Akala ko hindi ka pupunta dahil tanghali na," sabi ng tinder.

"Ikaw naman, nalate lang ako.." saka kunwaring nalungkot.

"Pasensya ka na, gwapo din kasi iyong customer kaya napabigay na ako."

"Mahina talaga ako sa iyo, sige ito na lang isang ito, maganda rin naman." PInili ko ang bluing bulaklak na may teddy bear sa gitna.

"Thank you suki, hayaan mo, sa susunod 'di na ko papabudol sa gwapo. Irereserve ko na lagi iyon sa iyo."

"Salamat din," saka ako ngumiti at umalis na.

Pagkarating ko sa puntod ng anak ko ay nagulat akong nandoon si Ethan. Napaurong ako pero nakita niya na rin ako kaya nagtuloy na ako. Nakayuko akong naglakad dahil hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano sa nakita ko kagabi. Nilagay ko lang ang bulaklak sa puntod ng anak ko saka bumaling sa kaniya.

"H-Hindi ko alam na pupunta ka," utal kong pahayag. Nagulat ako sa nasa tapat niyang bulaklak, iyon ang lagi kong binibili. Ibig sabihin, siya ang nakabili 'nun kanina. Siya ang tinutukoy ng tindera. Kakatwa!

"Karapatan kong puntahan siya sa alinmang oras ko maisipan. Ikaw ang dapat na hindi humaharap sa kaniya!"

Napalunok na lang ako at dahil ayoko ng away ay nagpasya akong talikuran na lang siya.

"Halika dito," saka niya ako hinila paharap sa puntod ng anak naming. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, "nakikita mo siya? Ilang taon na dapat siya ngayon!" saka ko naramdaman ang paghikbi niya. "Hindi ka na naawa sa kaniya, wala kang konsensya! Sabagay, madali nga sa iyo ang pumatay ng tao, ano pa ba ang sarili mong anak diba?!" nanggagalaiti niyang pahayag saka pabalya akong binitiwan.

Lumuhod siya sa harap ng puntod ng anak namin saka umiyak doon nang tuloy tuloy.

"I'm sorry.. I'm sorry, Ethan.. Sorry.." umiiyak ko na ring pahayag saka hinawakan ng kamay ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi.

"Anong magagawa ng sory mo sa buhay ng anak ko, ha? Sabihin mo sa akin!" saka siya humarap sa akin. "Kaya ba niyang ibalik ang nawala, ha?!"

Yumuko lang ako habang patuloy na umaagos ang mga luha.

"Napakamakasarili mo, Sai! Nagtataka ako kung paano kitang nagawang mahalin!"

"Hindi ko alam na mangyayari iyon."

"Hindi mo alam?!" saka niya hinawakan nang isang kamay niya ang mukha ko. "Ako Sai! Ako ang walang alam! At alam mo ba ang nararamdaman ko sa iyo ngayon? Gusto kitang magdusa sa ginawa mo sa akin! Sa ginawa mo sa kaniya! Dahil sa pagpapabaya mo!" at lalo kong naramdaman ang pagbaon ng kamay niya sa pisngi ko. "Sino ka? Hindi na kita halos kilala dahil sa ginawa mo! Wala na ako ni katiting na nararamdaman sa iyo kundi galit! At gusto kong malaman mo na magpapakilala din ako sa iyo. Kung anong kakayahan ko at kung paano akong kikilos para mawasak ka. Tandaan mo ito, wa-wa-sa-kin ki-ta!!!!" saka niya ako binitiwan.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon