Chapter Five

58 4 0
                                    

Song: Pieces- Red

Daisy's POV

Kinaumagahan ay nilibot na ako ni Red Dragon sa bahay o mas magandang sabihing mansyon ng Don Gener.

"Dito ginagawa ang karamihan sa training. Boxing, extreme workout, martial arts at iba pa. Nasa labas naman ang firearm training area." Paliwanag ni RD sa akin habang tinuturo ang ibat ibang lugar. Sa dami 'nun, imposibleng maalala ko iyon ng isang araw lang. "Kailangan ka rin pa lang maturuan magmaneho, lahat ng nandito ay alam magdrive ng kung anu anong uri ng sasakyan. Marunong ka ba?" Umiling naman ako. "Ok lang, tuturuan ka naman." At naglakad na kami. "Marami pang parte ang bahay na ito. Ituturo ko na lang ang mga importanteng bagay. Sa kabilang building ay may Medical Building. Doon dinadala ang mga nasugatan pati na rin ang pag aaral ng iba't ibang paraan ng panggagamot at gayundin ang mga paggawa ng mga gamot na magagamit sa transaksiyon. Doon ako madalas, doon ang lugar ko."

"Ang astig!" Bulalas ko.

"Marami ka pang malalaman sa lugar na ito. Huwag ka munang mamangha, panigurado, susumpain mo din sila pagdating ng panahon." Sarkastiko niyang pahayag at nagtuloy na kami sa paglakad.

"Nagtataka lang ako, bakit pisikalan ang ginagawa pero ang kinis mo?" Kahapon ko pa iyon gustong tanungin pero nakalimutan ko.

"Iyan naman ang isa sa mga investment ni Boss. Sinisiguro niyang walang magiging bakas ang mga sugat na galing sa labanan. Hindi dapat mahalata ng sinuman na isa kang agent. At, magagaling ang mga doctor natin dito." Tumango na lang ako. "Sinabi ko na ang kaso mo. Naka line up ka na sa ooperahan," at ngumiti siya sa akin.

"Talaga?" Sumaya ang puso ko at tumango siya sa akin. Nararamdaman ko na ang pag iinit ng mga mata ko. "Salamat," sabay hawak sa braso niya.

"Ops! Bawal umiyak!" At hinila na lang niya ako ulit, nahinto kami sa isang malaking kwarto. "At ito ang pinaka ayokong lugar. Dito nagaganap ang mga makamundong pagnanasa. Ilan ang kwarto sa loob niyan." At inikot niya pa ang mga mata niya.

"Ha?"

"This organization believes that sex is one of the physiologic needs of a man. Imbis na hanapin mo sa labas, dito na lang sa loob."

"A-At d-dito iyon ginagawa?" Nagtataka kong tanong.

Tumango naman siya, "well, as a reward, para sa mga mahuhusay na ahente."

"Sino naman ang makakapareha?"

"We have a group of people which we call a Hookers. Pinaganda lang pero prostitute, stripper, entertainer din ang tawag sa kanila. They have their own rules and regulations including that no emotions allow. Just pure pleasure, that's why they call this place, a Pleasure Room. Plus, mayroon din silang hinahawakan transaksyon kasama na ang 'tawag ng laman'. Alam mo naman ang kahinaan ng tao. Para mabitag ang kaaway, alamin ang kahinaan." Paliwanag niya.

"Some of them are fighters and hookers at the same time. May mga professional din na hooker. At ang iba naman ay hooker lang talaga. And they have an additional payment for that. Well, kung titignan mo, lahat naman tayo dito ay slave in a different manner. So, wala na akong makitang iba doon," dagdag niya pa.

"And no force allowed?" Tanong ko.

"Absolutely yes. No force, if proven na meron, magtago ka na. Sa taas ang Punishment Area. Nandoon ang bartolina at kung anu ano pang gamit." Sabi niya. "Oo nga pala, some.hookers preferred to be an exclusive for a particular agent. Pwede iyon, depende sa gusto nila."

"Reward.."

"Yeah, ewan ko. Pang dagdag daw sa drive para gumaling kang agent lalo na sa mga lalaki."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon