Chapter Thirty Two

54 3 1
                                    

Song: It Only Reminds Me of You- MYMP

Lines:

I needed my freedom
That's what I thought
But I was so fool to believe

Ethan's POV

Dahil sa ilang araw kong hindi pagpasok ay labis labis ang galit at pangaral ni Dr. Herrera sa akin. Kaya, para makabawi, kinalimutan ko muna ang pagluluksa ko at gayon din ang plano ko kay Sai.

Nasa pang lima na kaming operation ngayong araw, at totoong toxic ang schedule namin ngayong week. Nakakapagod pero marami naman akong natututunan kaya sulit ang anomang hirap.

"Ano next surgery niyo, Doc?" tanong sa akin ni Dr. Tan habang tinitignan ko ang mammogram result ng patient.

"Total mastectomy, pahinga lang muna si Dr. Herrera, matagal tagal na gawaan iyon." Masusi kong sinusuri ang hawak ko at sumusulat sa notes ko para sa endorsement ko mamaya kay Dr. Herrera.

"Oo nga, ikaw din, pahinga ka muna 'pre, parang subsob ka ngayong linggo ha? Binabawi mo lahat ng leave mo noh?"pang aasar niya sa akin.

"Sira! Kung pagod ako, lalo na iyong matanda." At binaba ko na muna ang chart ng pasyente at tinignan ang mga sinulat ko.

"Oo nga eh, walang kupas ang galing ni Doc Apo," natawa naman kami dahil kapag kami lang ay nagagawa naming mambansag ng mga pangalan.

"Kaya nga eh, kailangan ko ring galingan para hindi ako matsugi ni Apo."

"Sabihin mo nga sa akin? Babae ba ang dahilan ng leave mo ha? Ngayon mo lang ginawa iyan sa tagal nating magkasama, kahit 'nung nasa kabilang ospital pa tayo, bihira ka magleave, madalas nga ay hindi ka na umuuwi. Babae noh? May binahay ka na?"

"G*go! Tigilan mo na nga ako, marami pa akong gagawin kaya lumayas layas ka sa harap ko, nandedemonyo ka na naman."

"Luh, tinatanong ka lang eh, demonyo kaagad! Iwan na nga kita, puntahan ko na lang si crush. Nakaalis na ang karibal ko at balita ko, hiwalay na sila 'pre. Diba katabi mo silang bahay? Punta ako sa bahay mo minsan, kunwari ikaw talaga ang pupuntahan ko."

"Ul*l ka! Alam mong hindi ako nakakauwi na! Atsaka, wala akong pakialam sa buhay ng dalawang iyon. Kung gusto mo, puntahan mo na nang diretso, gagamitin mo pa ako!" saka ako umalis sa harap nito. Nabanggit na naman ang pangalan niya kaya parang nabago ang timpla ko.

Natapos ang operasyon ng araw na iyon ng maayos.

"Hay sa wakas, makapapahinga din!" sabi ng isang kasama kong residenteng lalaki na kasama namin. "Ikaw Doc, parang walang kapaguran ha, matindi pangangailangan niyan Doc? Eh kahit hindi ka na magtrabaho, kaya mo nang bumuhay ng pamilya Doc, sa laki ng kumpanya niyo at mga shares mo. Kapag naiisip ko nga Doc, kinikilabutan ako, kung ako sa iyo, hindi ako magpapakapagod dito eh."

"Sira ka, kakayod pa rin para sa future. Kaya ikaw, umayos ka! Magdrive ka pa rin ng higit pa sa kaya mo, kasi ang kaalaman, nasa iyo na iyan, ang pera anytime pwede mawala at maglaho sa iyo. Ang propesyon mo, hindi ka iiwan niyan hanggat maayos kang gumagawa."

"Bah, iyan pala ang prinsipyo ng isang Arellano. Bravo!" bungad na pang aasar ni Dr. Tan at siyang alis naman ng kausap ko kanina.

"Kasali ka dito?" sagot ko.

"Eh di sasali! Sungit, ang ganda kaya ng araw ko. Nagplaced ako ng investment kay crush, kaya nakasama ko siya."

"Anong ginagawa mo?! Diba binusted ka na? Dali mong magpauto, nagandahan ka lang, kinagat mo kaagad!"

"Bakit ba? Pera ko naman iyon! Inggit ka lang, kasi kumakaway na sa akin ang lovelife. Atsaka, maganda talaga ang ini offer niya, kasama na siya sa maganda," saka parang baliw kinilig ang gago!

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon