Chapter Ten

56 4 0
                                    

Song: If I Could- 12 Stones

Favourite Lines:

You held my heart
Inside your hands
I've never felt like this
And I promise you

If I could be everything to you
I would find a way

If I could prove you felt the same
I would be the one

Daisy's POV

Nasa loob na ako ng sasakyan, sa likod, nang makita ko nang papunta na si Ethan sa direksiyon namin. Bakit parang ang saya niya? Siguro naka points na naman ito kagabi, hay naku, man! Kapag lalaki, ganu'n ba talaga? Tsk! Kaasar! Grrrr!!!

Tumingin siya sa nakabukas na bintana ko at kumaway sa akin. Ang damuho, napaka gwapo talaga! Naka black siyang longsleeves at blue denim. Palapit na siya nang biglang may tumawag sa kaniya at si Leone iyon. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanila. May katagalan ang pag uusap nila at nyeta! Walang silbi ang pagbukas ng bintana, wala akong narinig! Hmp!

Pagtingin ko sa kanila ay tumatangu tango na lang si MJ at sumasagot nang manaka naka. Nang matapos ay lumapit na siya sa amin.

"Ano sabi nang isang iyon?"

"Wala, tungkol lang sa project," saka siya sumimangot.

"Bakit nakasimangot ka?"

"Wala lang, maga iyang mata mo ha," pagkasabi niya noon ay umiwas na ako ng tingin sa kaniya at sinuot ang eyeglasses ko. "Saan po ako upo Mang Jo?"

"MJ, pasensya ka na, si Brown kasama natin pero ibaba ko siya sa Tarlac, kaya dito na siya sa harapan. Sa likod ka na lang, ayaw noon tumabi kay F," sabi ni Mang Jo. Sumunod naman si MJ at tumabi sa akin sa likuran ng sasakyan.

"Grabe kayo sa akin," angal ko. "Wala akong sakit na nakakahawa ha!" agad namang pumasok si Brown sa harap ng sasakyan.

"Ako ang magkakasakit kapag tumabi ako sa iyo," aniya.

"Matutulog ako ha, Mang Jo, sila na lang po kakwentuhan niyo, wala ako sa mood," saka ko inihanda ang shoal ko at nilagay iyon sa katawan ko. Saka ako sumandal at napikit na doon.

"Nagkakaroon ka ba noon?" Tanong ni MJ.

"Baliw!"

"Kumain ka na ba?"

"Mas gusto ko ng tulog kesa sa kain, " sagot ko nang hindi dumidilat. Umandar na kami kaya alam kong lalo akong aantukin. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sama ng loob kay Black. Ni ayoko sana siyang makita kaso, umaga pa lang, nandiyan na siya at pumunta pa sa clinic ni Dra. Maki. Hayyy..

'Sai, tama na! Dalawang araw mo siyang hindi makikita!'

"Sige, matulog ka na," sabi ni MJ, "bilin na bilin ng master, bawal ka mapagod at bawal ka pabayaan, kamahalan." Saka ako bumangon at tinanggal ang shades ko.

"Binilin ka din sa akin ni Boss isama mo pa si RD, mahal na prinsipe," balik kong tukso sa kaniya. "Hmp! Itsura mo!"

"Ang Boss ay iba sa Master ko," lalo ko siyang tinignan nang masama. "Matulog ka na," saway niya.

At hindi naman ako nahirapang makakuha ng antok at pakiramdam ko, napakahaba ng tulog ko. Parang iyon na ata ang pinakamahabang tulog ko sa nagdaang mga araw. Pagmulat ko ay nagulat akong may nakaakbay sa akin at nakahiga ako sa dibdib niya. Sh*t! Nakatulog ako sa dibdib ni MJ? Nakakahiya!

Agad akong umayos ng upo at inayos ang sarili lalo na baka tumulo pa laway ko. Gosh! Nakakahiya ka Sai!

"Nasaan na po tayo Mang Jo?" Tanong ko.

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon