Chapter Thirty

60 7 1
                                    

Song: Set You Free- Side A

Lines:

When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free
Letting go is not an easy task
When smiling feels like
I must wear this lonely mask
It hurts deep inside
And I just cannot hide
That there's anguish at the thought
That we should have to part

Ethan's POV

Paglabas ko ng Operating Room ay siya namang bungad sa akin ng mga nakaabang kay Sai. Lumapit kaagad sa akin ang lalaki na sinisiguro kong ito ang George na sinasabi nila..

"K-Kumusta si S-Sai? S-Sabihin m-mo s-sa aking ayos lang siya, please, nakikiusap ako," at nakita ko ang tuluy tuloy na pag iyak nito. "Please, parang awa mo na, ayos lang siya diba?" nasa likod niya sila Poknat, Baby Yo at Notnot na naghihintay din ng sagot ko at kapwa umiiyak. Nasa isang gilid naman ang mga kasamahan niya sa trabaho.

"The operation was done well, buti at walang natamaang vital organs. Stable na ang lagay niya, pero wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. For observation lang muna siya, at maya maya ay itatransfer na siya ng room, doon niyo na siya siguro hintayin," paliwanag ko.

Napapikit si George at yumuko sa magkadikit na palad niya, "thank God! Salamat po!" Saka siya bumaling sa akin, "thank you, Doc?"

"Doctor Ethan Arellano," pakilala ko at nakipagkamay pa ako. Natigil siya at nakita ko ang pag iiba ng emosyon ng mukha niya, alam kong kilala niya ako. Maaaring naikwento na ako sa kaniya ni Sai.

"Salamat Doc, hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang nangyari kay Sai." Bumalik ang lungkot at pag iyak nito. Tinapik ko naman siya sa balikat niya.

"She's a fighter, alam kong hinding hindi siya madaling bibigay sa mga ganitong sitwasyon," sagot ko sa nangingilid na luha sa mga mata ko. "P-Pwede kong malaman, paano siya nagkaroon ng mga saksak?"

Saka unti unting tumabi si George at nagtaka akong yumuko si Poknat na ngayon ay kapwa mga teenager na. "Jeff? Bakit? Paano?" iyon ang totoo niyang pangalan. Kinakausap ko sila noong umalis na si Sai at nawala lang ang komunikasyon namin nang mangibang bansa na ako.

"I-I'm sorry po, hindi ko po alam na nakasunod si Mommy Sai sa akin kasama sila Notnot." Nakayuko siyang nagsasalita na nanginginig ang boses. "Nagsumbong pala sila kaagad kay Mommy Sai noong nalaman nilang... may aawayin po ako..." saka tumigil muna para umiyak. Nang mahimasmasan, "nung nagsusuntukan na po kami nang kaaway ko, nagulat akong dumami po ang lalaki sa paligid ko, nagtawag po pala ng back up iyong kaaway ko po. Miyembro pala siya ng frat. Saka po dumating si Mommy Sai.." saka ito ulit nag iiyak at inalo ko na lang ang likod nito.

"Nasaksak siya ng isa doon?" tanong ko.

"Nagulat po ako sa lakas ni Mommy Sai, Dadd-" tumingin siya sa akin dahil sa pag aalangan.

"Go on, call me that way. No worries."

"Hindi! Hindi na natin Daddy iyan!" mabilis na sagot ni Notnot na nakasimangot sa akin. "Matagal niya nang tinalikuran ang Mommy Sai natin, kaya hindi na-"

"Hoy Notnot!" pagpigil sa kaniya ni Baby Yo, "bilin na bilin sa atin ni Mommy Sai na huwag magtatanim ng galit. Hindi daw tayo dapat nadadamay sa pagitan nila. Daddy Ethan, Daddy ka pa rin naman namin di po ba?" may pag aalangan ding tanong nito.

"Oo naman! Mga anak ko pa rin kayo kahit ganyang mga basagulero kayo!" saka ko sila niyakap na tatlo. "Mahal ko kayo, tandaan niyo iyan!" Saka ako ulit bumaling kay Poknat, "ituloy mo ang sinasabi mo."

"Daddy, grabe! Ang lakas ni Mommy Sai! Biruin mo, mga doseng lalaki iyong pinataob niya!" manghang manghang kwento nito saka yumuko, napapikit naman ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako na magagalit ako sa kabayanihan na naman niya!

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon