Chapter Thirty One

55 6 3
                                    

Song: Don't Say You Love Me- The Corrs

Lines:

I've caught myself smiling alone
Just thinking of your voice
And dreaming of your touch
It's all too much
You know I don't have any choice

Don't say you love me
Unless forever
Don't tell me you need me
If you're not gonna stay
Don't give me this feeling
I'll only believe it
Make it real or take it all away.

Daisy's POV

"Pwede ka na umuwi," sabi ni Doctor Tan pagkatapos akong icheck.

"Salamat Doc," saad ko.

"May ibibigay lang ang nurse mamaya, nandoon lahat ng home meds mo at ang dapat at mga bawal sa iyo. Next follow up check mo kay Dr. Herrera sa susunod na linggo."

"Salamat po Doc Tan, namimiss na nga niya sa bahay. Hindi mapakali dito, gustung gusto na umuwi," sabi ni George.

"Makakauwi ka na, ang mga bilin ko ha. Huwag matigas ang ulo," saka ko siya nginitian. Sinabi ko na rin palang friends na lang kami, pumayag naman siya at meron na siyang nurse na nililigawan ngayon.

"Thank you."

At iniwan na niya kami.

"Makakauwi na rin tayo sa wakas, namimiss ko na ang higaan ko," sabi ko.

"Ang ganda ganda ng higaan mo eh, mas malambot pa nga iyan sa kwarto mo sa bahay."

"Hindi ako sanay sa ganitong higaan, feeling ko lalo mananakit ang likod ko. Nga pala, papunta daw si Sir Marquez ngayon."

"Sige, ayusin ko rin muna ang bill mo maya maya."

"Salamat," saad ko. Napakarami nang naitulong sa akin ni Geroge at hindi ko maisip ang buhay ko kapag umalis na siya.

"Bakla, pwede ba ako magtanong?" nagtaka naman ako sa asta niya.

"Bakit? Kailangan nagpapaalam pa?" saka ko pinukol ang balat ng orange na hawak ko. "Shuta ka! Ano iyon?"

"Bakit mo inayawan ang Papa Ethan ko ha? Napakaarte mo, kala mo naman kagandahan ka diyan! Nagkaanak na kayo't lahat, papabebe ka pa! Virgin lang teh? Eh anong napala mo, oh eh di hindi ka hinabol! Gaga ka, papayummy ka lang eh!"

Umayos ako ng upo at hinila ko ang buhok niya, "Aray!"

"Kung anu ano sinasabi mo diyan, k!ingina ka! Itapon ka sana ulit dito sa Pilipinas pag alis mo! Baliw nitong baklang 'to, sumbong kita sa pamilya mo eh!"

"Hahaha.. Pikon yarn?"

Pinukol ko siya ng isang buong orange atsaka ako tumawa sa harap niya, ganyan kami mag asarang dalawa at kahit na parehas na abnormal, at minsan pa nga ay nagkakapikunan, hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Mahal na mahal ko itong taong ito na higit pa sa pagiging kapatid. Naalala ko tuloy si RD.

Saka ako sumeryosong nakatingin sa monitor ng TV, "hindi na dapat madugtungan ang koneksyon naming dalawa. Kung may paraan para layuan siya, gagawin ko iyon ng paulit ulit. Kahit na nagmumukha na akong masama sa harap niya."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni George, "sinasabi mong hindi mo pa napatawad ang mommy niya, gayung alam kong matagal mo nang napatawad sila, tama?"

Tumango ako, "inaamin ko na nasaktan ako, at patuloy akong nasasaktan kapag naaalala ko ang mga nangyari. Pero napatawad ko na sila. Iyon lang, kailangan kong magalit siya sa akin, sila.. para tuluyan na niya akong kalimutan."

"Sai... parang mali.."

Umiling ako, "gusto kong magalit siya sa akin, hanggang sa matabunan na ang lahat ng nararamdaman niyang pagmamahal sa akin, kung sakaling meron pa nga."

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon