Chapter Sixty Two

48 9 0
                                    

A/N:

Be informed of their new names, temporarily

Sai- Leigh

Ximena- Sarai

Maki- Talli

Daisy's POV

"Iba ang kita natin ngayon, Leigh! Grabe! Kung ganito ng ganito, madali natin mabubuo ang gusto nating bahay." Bulalas ni Maki habang binibilang ang pera na hawak niya.

Napagpasyahan namin na magtayo ng tindahan ng gulay dito sa palengkeng malayo sa bahay namin. Maganda na ito para may tatakbuhan kami kung sakali.

Mag-iisang buwan na at maayos na ang kita nito. Noong una ay nahirapan kami sa kompetisyon, pero nakahanap kami ng mga regular naming kliyente tulad ng mga kainan at iba pang naalukan, hindi naman kami nabigo. Ngayon ay may dalawa pa kaming lalaking kinuhang tagabuhat at deliver ng mga paninda namin.

"Oo nga, Talli, talagang malaki ang kinita natin ngayon," sagot ko.

"Naku, naku, naku, kapag ganito ng ganito, madali tayong aasenso. Maganda talaga ang tandem ninyong dalawa, sa marketing at finances strategy, idagdag pa natin ang swerte ng baby mo, Ate. Malamang talaga, sandali na lang ay makikilala tayo sa buong Romblon bilang diosa ng mga gulay!" Sarai excitedly recite with matching hand movement.

"Iyon ang huwag naman nating pangarapin," saad ko saka ako bumuntong-hininga. "May humahabol pa sa atin baka nakakalimutan niyo."

Nag-aalalang tumingin naman sa akin si Maki na Talli na ang pangalan ngayon.

Nagbagong anyo na rin kami para sa pahirapang pagkakakilala sa amin. Lahat kami ay nagpa-tanned at kung ang dating maputing balat ay kayumanggi na ngayon. Si Maki at Meyna ay nagpakulay ng buhok itim samantalang ako ay nagpagupit lang ng maiksing buhok. Sakto namang bumibili ng buhok ang parlor na nadaaanan namin kaya binenta ko na ang naputol kong buhok. Hindi talaga ako nagpapagupit simula ng magplano kami ni Ethan na magpakasal.

Nakakapagod ang isang buwan pero ramdam ko ang kasiyahan nila. Napaayos na namin ang bahay na tinutuluyan namin. May lutuan na kami, magandang higaan, TV, ref at ang ayaw paawat na shower ni Maki, napakaarte! Nilandian niya ang bahay namin ng todo. Linggo linggo ata kaming nagpapalit ng kurtina at beddings. Pero may point talaga siya, masarap talagang umuwi sa maayos na bahay.

"Namimiss ko na ang higaan ko, una akong magsha shower ha!" si Maki.

"Isalaksak mo sa leeg mo iyang shower mo na pagkamahal mahal. Ikaw lang naman gumagamit," untag ko.

"Hindi niyo ginagamit?" tanong niya sa amin at dalawa kami ni Meyn na umiling. "Hala, bakit?"

"Ang sarap kaya magtabo," sagot ni Meyn.

"Mas masarap pa rin ang may kashower! Hmp!" Inismiran niya lang kaming dalawa at umalis na.

Kinausap na niya ang nakuha naming mini truck na maghahatid bukas ng mga gulay sa mga sinusuplayan namin. Kung tutuusin, si Maki ang mas malaki ang ambag sa business namin. Siya rin kasi ang may gustong gulay ang itinda dahil she promotes good health daw. Kaya nakuha namin ang mga client namin dahil bukod sa mas mababa ang presyo namin, isa isa niyang ibinibigay ang health benefits ng gulay. Sagot ko na lang ang pambobola sa kliyente dahil doon naman ako nabuhay.

"Bukas, kahit late na kayo pumunta sa pwesto, buntis. Marami kaming lalakarin nila Kuya J at Manong Mario," sabi ni Maki habang kumakain kami.

"Hindi mo na ako isasama?" tanong ko.

Huminto siya sa pagkain at uminom ng tubig. "Huwag matigas ang ulo mo. Nasa first trimester ka pa din at hindi pa din safe sa'yo ang laging natatagtag. Ako na lang, kaya na namin nila Manong iyon," saka niya ako pinaningkitan ng mata. "At ayaw mong tigilan talaga iyang kiamoy na iyan! Lahat na lang ng pagkain, sinasawsawan mo niyan! 'Pag ikaw nagka UTI!"

Playful Love (On-Going) Altruista Pessoa Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon