Hatid-Sundo
01
Unang pagkilala
Alien's PoV
"Alien, bumaba ka na nga dito! Kakain na." Paagtawag sa akin ng mama ko na si Anastasia. O mas gusto kong tawaging Ana.
Alien ang tawag niya sa akin dahil anak niya ako sa isang Scotish guy na naka-one night stand niya. Nakilala ko naman ang aking papa na si Harold McGeorge at dahil nga may lahi akong alien, kaya alien ang tawag sa akin ng aking ina.
"Opo! Nagpapa-gwapo lang po." Sagot ko sa kaniya habang nagsusuklay. Nagpupulbos din ako dahil mainit ngayon. July na kaya kailangang may anti-pawis ka para magustuhan ng mga chickas.
"Hay naku kang bata ka. Bilisan mo na dyan at nandito na si Ryan." Nagpaikot na lang ako ng mata.
Si Ryan ay grade twelve at ngayong taon ang huling taon niya sa high school namin. Palagi niya akong pinupuntahan dito at dito na rin nakikikain sa amin. Nagdadala din siya ng mga kung anu-anong bagay para daw hindi nakakahiya kay mama dahil palagi siyang dito kumakain.
Mabait naman yang si Ryan. Kapag breaktime ko, agad siyang tumatakas sa klase niya para lang mailibre ako pero dahil matalino siya nagagawa pa rin naman niyang pasahan ang mga klaseng nagka-cutting classes siya.
Bumaba na ako matapos akong makontento sa itsura ko. Maliit lang itong bahay namin. Simpleng may sementadong dingding, may dalawang pinto para sa entrance at fire exit, may panuluyan ang mga bisita pagkapasok ng pinto at may kusina at dinning table na hindi naman sobrang lapit sa isa't-isa.
"Ui, Goodmorning Honey A, kain ka na. Nagdala ako ngayon ng pritong manok sana magustuhan mo." Sabi niya na labis-labis ang ngiti.
"Ryan. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag mo akong tawaging Honey A. Alien na lang kung gusto mong gayahin ang pagtawag sa akin ni mama." Saway ko sa kaniya.
Simula noong June na nakilala ko siya sa enrolment, naging malapit ako para sa kaniya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit, basta ang sinasabi niya kapag tinatanong ko siya, ganoon daw talaga siya sa mga kaibigan.
Pero sa nakikita ko parang ako lang yung kaibigan niya dahil sa akin lang siya ganito.
"At ilang beses ko rin bang sinabi sa'yo na gusto kong tinatawag kang Honey A. Para sweet." Nagpaikot na lang ulit ako ng mga mata dahil sa mga biro niya.
"Oh Boy, ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga. Maka-sweet ka d'yan. Ano ako Chicks? Tol, maraming nagkakandarapa sa'yo, hadang malaglagan ng panty sa harapan mo tapos dahil diyan sa mga sweet-sweet mo na 'yan naiirita na ako't nagtataka sa mga ikinikilos mo." Palagay naman ang loob ko dito kay Ryan dahil alam kong naiintindihan niya ang ugali ko.
Mag-pre kami. Mag-tol, Mag-bro. Pero parang hindi ko nagustuhan yang mga pagtawag niya sa akin ng ganiyan.
"Ay ganun, tampo na ako. Ayaw mo na pala sa'kin sana sinabi mo na lang. Aalis na ako." Parang bata niyang sinabi na may pagnguso pa.
Okay, hindi lang parang bata, pang kilos bata naman kasi ang mga sinabi niya. At dahil lang naiirita ako sa pagtawag niya sa akin na nagpapamukhang babae sa akin, nagtampo na siya. Ang tawag dun pagbabata-bataan.
Dapat nga ako pa ang magalit at magtampo dahil silang dalwa lang ni mama Ana sa mundong ito ang nagpapamukha sa aking mas bagay akong babae kesa lalaki.
"Alien, hayaan mo na nga lang siya. Tutal naman magkaibigan kayo kaya ayos lang yang may tawagan." Sabat ni mama ng mapansing papa-alis na nga si Ryan. Napabuga na lang ako ng hangin at pinayapay siyang bumalik dito kaya naupo na rin si mama sa kabisera at si Ryan ay nasa tapat ko.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...