Confessions

923 21 1
                                    

Hatid-Sundo

-09

Confessions

Alien's PoV

"Are you okay son?" tanong agad sa akin ng aking ama habang bumibili kami ng sorbetes sa park. Niyaya ko kasi siyang pumunta muna sa park kaysa umuwi ng bahay at makita ni mama na problemado ako.

Mas maganda na nga siguro itong si papa ang kasama ko. Pero sabi ni Nathan kanina bago maglunch huwag ko daw sasabihin kay papa ang ginagawa niyang palabas bilang isang bakla dahil hindi nito magugustuhan kung malalaman niyang nagkakagusto rin ako sa lalaki.

Oh boy, inamin ko na nga?

Tingin ko nga yung taong yun ang gusto ko noon pa man. Kung liligawan niya ako, baka sagutin ko siya kaagad. Pero imposible iyon dahil straight siya tulad ko... dati.

"Papa yung Vanilla po ha." Ngumiti si papa doon.

"You are your mother's son." Biro niya bago guluhin ang buhok ko at pumunta sa bilihan ng sorbetes.

Tumingla muna ako at hiniyaang masikatan ako ng lumulubog na araw. Ihihaba ko ang mga braso ko at huminga ng malalim ngunit may naperwisyo ako dahil sa ginawa ko.

"Oh boy, are you alright?" tanong ko at iniabot ko ang kamay ko sa mas matandang lalaki sa akin.

"Hala, taga ibang bansa. Anong sasabihin ko?" narinig kong bulong niya at hindi siya nakatingin sa akin. "Uhmm.. okay. Thank you? Bye?" Halatang hirap siyang mag-english pero sa halip na ikapangit niya iyon ay mas ikina-gwapo pa niya iyon.

"Sigurado ka?"agad siyang napatingala sa akin dahil nagtagalog ako.

Napatunayan ko pang gwapo at maganda talaga ang ugali niya ng hindi siya magalit dahil kasalanan naman niyang isipin niyang taga ibang bansa ako dahil sa scottish accent ko. Kumamot lang siya sa likod ng ulo niya at nahihiyang inabot ang kamay ko para maitayo ko siya.

"Ayos lang ako. Medyo masakit yung pagkakabagsak ko pero buo pa naman." Lalo akong napangiti sa paliwanag niya. Tama lang na may magpangiti sa akin ngayon matapos ng muntikan ng mangyari sa akin kanina pero lalaki pa rin itong kaharap ko kaya dapat akong magingat.

Pero bakit kahit anong gwapo niya, wala akong maramdamang espesiyal para sa kaniya? Dahil ba may iba ng itinitibok ang puso ko?

"Sorry talaga. Naitumba na nga kita naipahiya pa kita sa pag-aakala mong taga ibang bansa ako." Namula siya sa sinabi ko at napatingin sa ibang dereksyon. Sa mga ikinikilos niya, nagmumukha siyang mas bata sa akin kahit na halata naman sa height na mas matanda siya sa akin. "Ako nga pala si Noel Jhon. Yung papa ako, ayun lang bumibili ng sorbetes. Kung gusto mo ililbre kita kapalit nung kasalanan ko sayo." Offer ko.

Saglit kong nakita ang pagkinang ng mata niya pero bigla rin iyong nawala.

"H-Hindi na lang. Salamat Jhon. Mauna na ako." Sabi lang niya at naglakad palayo. Sinudan ko lang siya ng tingin ko hanggang sa mawala siya.

"Who're you looking at son?" tanong ni papa na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Wala po papa. Uwi na po tayo pagkatapos nating mamasiyal."

"I taught you don't want to go home yet?" reklamo niya. Nakakatuwa dahil parang ngayon lang nakalabas ng bahay si papa at para siyang bata na gustong libutin ang buong lugar.

"The sun is going down and mama will punish us for bieng late and eating sorbetes before dinner." Napatigil siya sa pagdila sa sorbetes niya kaya natawa ako ng konti. Nakalabas kasi yung dila niya at nakadikit na sa sorbetes pero natigil at napatingin sa akin. "I'm serious papa. Let's finish this and go home."

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon