Ang Alamat at si Mico

108 6 0
                                    


Hatid-Sundo (2015)

-Eleven(11)

Ang Alamat at si Mico

Alien's PoV

Boy. Bakit ang sakit-sakit? Bakit nalikha pa ang katangahan sa mundo? Bakit pa nalikha ang pag-ibig at ang mga tao? Dahil sa pag-ibig na iyan, nasasaktan ako.

Nakaupo ako sa isang batong upuan, pinagmamasdan ang mga batang patuloy pa ring naglalaro at ilang sinusundo na ng kanilang mga magulang. Nasa katinuan ko pa naman ako ngayon at hindi pa lubusang pinanghihinaan ng loob pero habang naalala ko ang mga sinabi nila kanina lalo akong nanlalambot. Ang pangyayari sa bahay kasama sina Elo maging ang mga sinabi ni Jerwin sa kaibigan nitong hapones na nais niyang ito na lang ang pakasalan dahil nasasaktan siya sa akin.

Pati kaya ang nangyari kay James sa tren ay isa ring kalokohan? Ano na ba ang totoo sa mundong ito?

Nakatingin lang ako sa mga kamay ko ng sandaling iyon. Pinagmamasdang mabuti kung anong mali sa akin. Ramdam ko ring may nakatingin sa akin ngayon at ng tumunghay ako'y hindi nga ako nagkamali. Isang batang lalaki na may ginintuang buhok ang aking nasa harapan. Nakasuot siya ng sandong puti na pinatungan ng halos kupas na jacket na maong. Simpleng malambot na shorts naman ang pang-ibaba niya na stripes ang desenyo at nakatsinelas lamang siya.

Naupo siya sa tabi ko at ng gawin niya iyon ay napasunod lamang ang mga mata ko sa kaniya.

Sandali pa kaming natahimik hanggang sa tumingin siya sa kalangitan at napatingin din ako sa kalangitan. Malapit ng gumabi at siguradong mag-aalala ang mga magulang niya kung sakaling hindi pa siya maka-uwi. Gayon pa man hindi pa rin ako nagsalita, hindi ko magawa dahil alien ako't ayaw kong magsalita sa isang bata ngayon. Baka kung ano pang masabi ko sa kaniya lalo pa't isang bata lamang naman siya. Siguradong hindi niya maiintindihan ang problema ng mga mas nakakatanda sa kaniya.

"Alam mo ba ang alamat ng hamog?" napakurap ako doon at tiningnan ko ang bata. Nakatingala pa rin siya pero ngayon ay nasisikatan siya ng papalubog ng sikat ng araw.

"Alamat ng hamog? Iyon ba ay ang pagluha ng ulap dahil sa minahal ng mundo ang araw sa halip na siya ang mahalin nito dahil palagi siyang nasa malapit lamang ng mundo?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinagot ang pagtatanong ng batang ito. Isa pa'y parang nahipnotismo ako sa mga salitang sinabi niya.

Parang matagal ko na siyang nakilala at matanda na rin siya para makausap ko ng ganito kaginhawa.

"Tama. Iyon na nga. Ay ang alamat ng basahan?" napakurap ako sa tanong niya't napa-isip.

"Hindi. Hindi ko alam iyon."

"May isang mag-asawa daw na nagdiriwang ng kaarawan ng kaarawan ng asawang lalaki. Bumili ng alak ang asawang babae para ipadiwang ang kaarawang iyon. Masaya silang dalawa sa pag-uusap, pagkain, at pagkukulitan hanggang sa oras na para sila'y mag-inuman. Sinerbehan ng babae ang sarili niyang baso ng binili niyang alak tapos saka niya sinerbehan ang baso ng asawang babae.

Iyon nga lang natapon ang alak sa damit ng lalaki. Alam mo ba kung anong sinabi ng babae sa lalaki?" tanong nito na ikinakunot ko ng noo at ikinailing. "Ay, Basa hon!"

Nagulat ang bata na nakaturo sa aking damit kaya nagulat din ako at napatingin sa sarili kong damit. Napangiti na lang ako dahil doon.

"At mula noon, ginamit ng basahan ng mag-asawa ang damit ng lalaki. Basa-hon daw eh."

Nagawa na ring ngumiti ng bata saka nito inilagay ang ulo sa aking hita.

"Bakit parang kilala kita?" tanong ko sa bata.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon