Di na mababawi

777 29 1
                                    

Hatid-Sundo

-10

Di na mababawi

Alien's PoV

Hindi pa rin ako mapakali kahit na isang linggo na ang nakaraan simula noong mag-aminan kami ni Ryan. Sa totoo lang hindi ko pa rin ubos-maisip na gusto ko nga talaga siya. Totoo naman yung sinabi ko pero pareho kaming lalaki at kung hindi lang dahil d'yan sa anime na iyan, hindi ako magiging ganito.

Pero nagsisisi ba ako?

Ang sagot ay hindi.

"Honey A, heto o ang laki ng nahuli ko." Masiglang sabi ni Ryan. Nanghuhuli kasi kami ngayon ng isda. Kaming dalawa lang, sa isang lugar na hindi makikita ng sino man at hindi madalas puntahan ng karamihan.

Nagpaalam naman ako kay papa at pumayag siya. Nakakatuwang mas pinagkakatiwalaan ni papa si Ryan dahil sa sinabi ko at sa magandang record niya kay mama. Dumadalaw din naman sa amin si Jes pero hindi tulad ng dati, hindi na ako ang dinadalaw niya. Si Nathan na at ayaw ko mang mag-isip ng masama ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala dahil kapatid ko iyon at may pagkapervert si Jes dahil doon sa anime na ipinapanuod niya sa akin.

Tingin ko naman hindi siya magugustuhan ni Nathan lalo pa't hindi ito mahilig sa anime di tulad ni Jes.

"Akala mo ikaw lang. Makakahuli din ako hintayin mo lang." May pagmamataas kong sinabi kahit na hindi naman talaga ako marunong manghuli ng isda.

Agad niya akong niyakap matapos kong sabihin iyon. Nagulat ako pero wala namang tao dito kaya ayos lang. Umalis din siya kaagad na ikinalungkot ko. "Sorry. Hindi ko napigilan. Dati napipigilan ko pa na hindi ka yakapin pero nitong nakaraan gusto na kitang palaging hawakan. Pakiramdam ko kasi mawawala ka kapag hindi kita nahawakan at magiging panaginip nanaman ang lahat kaya... Sorry talaga Honey A." Tiningnan ko ang mukha ni Ryan na nalulungkot na at hinawakan ko iyon matapos ay nagbigay ako ng isang ngiti.

Alam niyang bago pa lang ito sa akin at alam kong siya ang tipo ng taong hindi nagmamadali. Masaya ako't nararamdaman ko ang pagmamahal niya pero hindi ako pwedeng sumugal ng malaki dahil baka isang araw marealize ko na nagkamali ako ng desisyon at hindi ko na mababawi ang mga ginawa ko hanggang sa marealize kong naibigay ko sa kaniya ang lahat-lahat. Ayaw kong magmadali, at alam kong handa siyang maghintay hanggang ibigay ko sa kaniya ang sarili ko.

"Hindi Ryan. Okay lang. Pero huwag madalas, hindi pa kasi ako sanay." Nahihiya ako. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero nahihiya lang talaga ako.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" tanong niya na ikinatingin ko ulit sa kaniya.

Malapad akong ngumiti na pakiramdam ko'y nag-slow motion pa at tumango sa kaniya. Ang saya ko. Siya mismo ang gustong humawak sa kamay ko. Hinawakan na niya ang kamay ko at pareho naming hawak ang fishing rod ko na magkaharap.

"Pakiramdam ko nagsasayaw tayo dahil dito." Natatawa kong sabi pero inilagay lang niya ang ulo niya sa kanang balikat ko.

"Mahal kita Noel John. Mahal na mahal." Lalo lamang akong napangiti doon. Totoo palang mahal ako ni Ryan.

Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam.

Sana naman, walang mangyaring sisira sa pagmamahalan naming ito.

Nathan's PoV

"Jes! Jestoni sandali!" sigaw ko habang hinahabol ko si Jestoni ng umalis ito sa classroom. Isang lingo na rin mula noong sumuko siya kay Noel at nakita ko kung paano siya masaktan to the point that he never leave the bar after two days kahit na pinipilit ko siyang umalis na doon.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon