Hatid-Sundo (2015)
-Nathan sees
Nathan's PoV
Man, why do we need to be like this? We're family and now it turns like this one. Noel hate us and he didn't even look at moms face when she's asking him. Man this is frustrating!
"Yo," napakurap ako ng may humawak sa balikat ko. Nandito ako sa bahay ng boyfriend ko. "Nagwawala na ba siya ngayon?" tanong ni Jestoni sa akin saka siya umupo sa lagayan ng braso ng kulay pula nilang sofa kahit pa malaki ang espasyo sa kanan ko kung saan siya pupwedeng umupo.
Inabutan niya ako ng juice na ininom ko naman saka ko tinitigan ang baso ng ilagay ko sa mga hita ko iyon at humilig sa kaliwa ko para mayakap ako ni Jestoni na ginawa naman niya.
"Hindi ko maintindihan kung saan niya nakuha ang lahat ng ito. I mean, it's us who make him this way. Man, pinaniwala natin siya na totong mayroong mafia, kapangyarihan, weird stuffs and to sum all of it, binago natin ang katauhan niya't pinaibig sa isang lalaki."
Nalulungkot ako. Hindi na dapat humantong pa sa ganito. Kung nagawa ko lang sanang pagbutihan pa ang story board ng kwentong tinatahak namin hindi masyadong lalalim ang paniniwala ni Noel sa palabas naming iyon. Hindi siya maniniwalang may Mafia na kayang pumatay.
"Mali ang ginawa ko baby loves. Mali na ginawa kong kwento ang buhay ng kapatid ko."
Hinimas lang naman ni Jestoni ang braso ko saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Sa palabs naming ito, ang totoo lang ay ang mga nagmamahal kay Noel at ang pagiibigan namin ni Jestoni na kailangan naming alisin nitong nakaraan para sa kalagayan ni Noel kaya naman napagdesisyunan ko na rin na tapusin ang palabas na ginawa naming lahat.
"He needs it, Nathan. Kung hindi natin iyon ginawa hindi babalik ang ala-ala niya."
"Tama ka naman doon Jest pero sumobra tayo. Higit ito sa dapat nating ginawa at naisip ni Noel na kalokohan lang ang pagmamahal sa kaniya ni Ryan. Maging ang pag-ibig ni Jerwin ay parang ilusyon na rin sa kaniya. Tapos ngayon, hindi niya kami kinakausap ng matino. Man, para ngang de-remote control na tao na siya eh." Tumingin ako sa mga mata ng mahal ko. Sapat na iyon para pagaanin ang loob ko. "Nalulungkot ako sa katangahang ginawa ko para sa kaniya, Jest. Kung hindi na lang sana tayo nakialam—"
"Kung hindi tayo naki-alam wala siyang maalala maging si Ryan hindi na niya maalala pa." napalingon ako sa kanan ko kung nasaan nanggaling ang boses.
Si James iyon na kasunod lamang si Jerwin na parehong matamlay.
"Nakausap ko si Ryan, nanggaling kami ng Amerika kanina lang. De joke lang. Nakausap ko siya sa telepono malapit na daw siyang pagtestingan noong bagong gamot sa cancer at hindi niya alam kung tatalab iyon. Magkaganoon man, sisiguraduhin niyang magpapaliwanag siya kay Noel at sa nararamdaman niya para rito."
"Sandali lang, hindi pa naalala ni Noel si Ryan kaya paanong uuwi na siya't basta-basta na lang sasabihin ang lahat?" takang tanong ni Jestoni na itinanong ko rin naman sa aking isipan.
Napahawak sa baba niya si Jerwin saka ito tumingin kay James na inirapan lang siya saka naupo sa katapat naming upuan. Nabuntong-hiniga si Jerwin saka niya tinabihan si James at umutos sa isang katulong para sa mga mamakain namin. Halata ko sa ekspresyon ng dalawa na hindi talaga nila nagugustuhan ang mga pangyayaring kinakaharap namin ngayon lalo pa't maging mga magulang namin ay nadadamay sa kagaagwan naming magkakaibigan. Tulad ko, ayaw din nina Jerwin, Jestoni at James na nakikita ganoon ang itsura ni Noel at lalo na ng malaman nilang ilang beses iniyakan ng aming ina ang sitwasyong ito.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...