Hatid-Sundo
-20
Paghaharap
Alien's PoV
Hindi ko alam ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay. Hindi ko rin maintindihan kung totoo yung panaginip ko pero umaasa pa rin akong panaginip lang iyon. Ang isang panaginip daw ay kabaliktaran ng totoong mangyayari.
Sana naman hindi mangyari ang lahat ng iyon.
Hindi ako iiwan ni Nathan. Hindi ganoon ang mangyayari kay Ryan. Mananatili sila sa tabi ko at walang magbabago.
"Ayos ka lang ba anak?" tanong ni mama sa akin. Narito kami sa ospital. Kinakausap namin ang doktor dahil nagbalik na ang halos lahat ng alaala ko. Nalaman din nilang nagkakaroon ako ng madalas na hyperventelation o sakit na nagsisikip ang daanan ng hangin at hindi makahinga.
Hindi ko kasama sina Nathan at papa. Sa ngayon kami lang dalawa muli ni mama. Katulad noong hindi pa sila nagpapakita at hindi pa nawawala ang aking memorya.
"Opo." Tanging sagot ko sa kaniya.
"Ma'am, ang anak nyo po ay..." hindi ko na inintindi ang sinasabi ng doktor hanggang sa marinig ko ang salitang, "..depression." napatingala ako at tiningnan ko ang mukha ng doktor.
Tumingin din siya sa akin pero hindi gumawa ng ano mang emosyon sa kaniyang mukha kahit ngiti'y wala rin.
"Ganoon po ba?" malungkot ang tinig ni mama Anna. Tumingin siya sa akin at inayos niya ang kaniyang buhok matapos ay lumapit siya para guluhin lang ang buhok ko. Magtatanong pa sana ako sa sinabi ng doktor pero niyaya na ako ni mama na umuwi. "Tara na Alien. Baka naghihintay na sila sa restaurant." Nagtaka ako doon pero hindi na lang ako nagtanong.
Sa pagkaka-alam ko kasi kung wala dito sa ospital kasama namin ni mama yung dalawa ay mananatili lang silang nasa bahay at walang ibang gagawin kundi ang pagtuunan ng pansin ang bahay at ang mga takdang aralin ni Nathan.
"Mama Anna, may tanong ang gwapo ninyong anak ha. Huwag po kayong tatawa, seryoso po ako lalo na sa kawapuhan kong biyaya galing sa inyo." Napangiti doon si mama pero hindi na lang rumeklamo pa at pinitik na lang ang ilong ko. Hinimas ko iyon bago pa ako magsalita ng tunay na pakay kong itanong sa kaniya. Sa kaniyang naranasan na rin ang umibig. "Paano po kung ang taong mahal ko ay iwan ako? Ano pong gagawin ko? Yung tipo ng pag-iwan na wala ng balikan. Y-yung k-kamatayan." Halos hindi ko pa masabi ang salitang iyon. Takot pa rin ako. Ang bagay na iyon ang tunay na kinatakutan ko.
Kamatayan.
Ayaw ko ng mangyari pa muli ang kamatayan dahil bata pa ako ng makita kong walang buhay ang mga kaibigan ko dahil daw kay James kaya natatakot ako. Natatakot akong mag-isa. Natatakot akong walang magmahal sa akin. Natatakot akong...
"Alien ano ba!? Anong iniisip mo't nagkakaganiyan ka?" pasigaw ang tanong na iyon ni mama Anna. "Ganito ha, kung sino man yang minamahal mo, hindi yan basta-basta mamatay. Matanda ang namamatay kaya huwag ka ng mag-alala okay?"
Tumango ako sa sinabi niya.
Naglabas siya ng hangin sa bibig niya na parang nahimasmasan. Nagawa pa niyang ipikit ang mga mata habang nakatayo pa rin sa harapan ko at ako'y nakaupo pa rin sa isang silya sa silid ng doktor. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay may kung anong naroon sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag kung lungkot o kaba ba ang naroon pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ganito ang tunay na mama Anna ko. Wala siyang takot at meron siyang purong katapangan. Kaya puro action ang ikino-cosplay niyan kapag nagagawi kami sa mga cosplay events.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...