Hatid-Sundo
-16
Pag-amin sa kaganapan
Nathan's PoV
Anong problema?
Isa lang, si Matt na teacher ng Math na hindi tumulong sa maganda kong plano kanina habang pinagkakaguluhan sina Noel at James na idol ng madlang people. Man, you know that Noel hate fighting and everything about it tapos ano? Hindi siya tumulong! Pinabayaan lang niya kaming tatlo na panuorin at gumawa ng paraan para maitakas si Noel kanina tapos hindi rin pala mananalo ang pangungumbinsi ko dahil mas pinipili ng kapatid ko ang kaligtasan namin kesa sa sarili niyang kaligtasan.
Man, may batas at pulis naman sa Pilipinas para kasuhan ang hayop na 'yun but what is the reason? What will be the effect? Edi talo kami. Kakampihan nanaman nila ang sikat at dahil nga mapera ang g@g0, siya rin ang kakampihan ng batas dito. Kainis lang.
"Mr. McGeorge, Alcala and you, come over here for a moment." Si Matt nanaman yun. Tsk. Ano bang problema nito at ako pa ang nauunang tawagin? May gusto ata ito sa akin eh.
"Problema mo? Sir!" parang ipinagdidiininan ko pang guro namin siya. "Mukha namang hindi ka tumulong PO! Kanina." Dagdag ko pa at siniko na ako ni Jes. Di ko napansin na umalis sandali si Jes at bumalik din saka siya ang nagsalita.
"Pagpasensiyahan n'yo po siya sir." Banat naman nitong si Jes na akala mo'y close na close sila. Samatalang itong isa, istatwa!
Nakatigil lang at hindi gumagalaw. As in istatwa talaga. Hinawakan ko pa nga yung braso eh. Ini-Poke ko baka sakaling gumalaw pero hindi eh. Hindi gumalaw sa sundot ko.
"Ano po bang kailangan n'yo sa amin?" tanong pa ni Jes dahil busy akong kulitin itong boyfriend ng kapatid ko.
Hinihintay ko lang magsalita yung teacher namin ng kung ano mang gusto niyang sabihin pero kinukulit ko pa rin si Ryan at wala naman itong reaksyon.
"Oy, ano ba? Galit ka pa ba sa desisyon ko kanina? Acting lang naman namin 'yun eh, maniwala ka naman. Saka may rason si Noel dahil dun. Ui! Pansinin mo naman ako oh!" paulit-ulit ko pa siyang sinundot sa iba't-ibang parte pero hindi pa rin siya kumikibo. "Ryan naman oh, Please forgive me. Hindi naman talaga ako ang nagdesisyon noon. Oo sarili kong salita yun. Adlib ko yun pero kung sa inyong dalawa mas gusto ko pang ikaw ang makasama niya panghabang buhay kesa doon kay James na walang ginawa sa kaniya kundi saktan at pilitin sa isang bagay na dapat sa'yo niya ibinigbigay at ginagawa."
Sa sianbi kong iyon lamang siya napatingin sa akin lalo na noong sinabi ko ang salitang panghabang-buhay, ano bang problema nito?
"Panghabang-buhay," bulong niya na ako lang ang nakarinig. "Sinabi niya pala sa'yo ang tungkol doon. Akala ko kami lang talagaang makaka-alam."
"Anong yoon? Anong pinaguusapan n'yo? May nakauna kay Best? Di nga? Pero imposible yan. Kilala ko na siya ng mas matagal sa inyo kaya.." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita agad ako.
"Six years ago, two years siyang pinagsamantalahan ng taong iyon. May katangahan ata sa isip 'yong James dahil kahit anong tanggi niya ay hindi daw siya nito pinapaalis at itinatali pa." Alam ko? Paano?
Adlib pa more. Hindi ko naman talaga alam kung anong ginagawa ng James na yun sa kapatid ko pero sa takot na nakita ko kay Noel siguradong mahigit pa ang ginagawa ni Jame sa kaniya sa mga anime na napanuod ko. Man, kung mas mayaman lang kami sa taong iyon hindi na sana matatakot ng ganoon si Noel pero sa nakikita ko ngayong kasikatan nung James na yun, parang wala pang magagawa ang pinagsama-sama naming pera ng tatlong ito.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
Tiểu Thuyết ChungAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...