Hatid-Sundo
-19 Saigo no Kotoba
Bakit ako pa (second gem)
Alien's PoV
Natahimik lang ako. Napakagat labi at tumingin sa gem na hawak ko.
"Anong nangyari? Bakit umalis na lang ng ganoon si Jestoni? Anong ginawa mo Noel?" parang inis sa akin si Nathan ng itanong niya iyon.
Siguro dahil may nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Siguro nakamove-on na sila sa aming dalawa ni Ryan kaya ganito na lang ang galit niya ng padabog na umalis si Jes sa harap namin.
"Magsalita ka!" sigaw pa niya na pagtuak sa aking bralikat at halos tawirin na niya ang busai ng palangoy para lang hawakan ang kuwelyo ng damit ko at itaas ako ng kaunti tanda ng galit na talaga siya. "Tell me what you did!" ulit niya pero hindi ako nagsalita.
Napaka-importante ni Jes para sa kaniya para magawa niya akong itulak ng ganoon at singhalin ng ganito. Hindi ko naman siya masisisi dahil siguradong may namamagitan na sa kanila nitong nakaraan.
"Tama na Nathan. Kapatid mo ang sasaktan mo." Halos tatakbo na si Ryan papunta sa amin pero naunahan siya ni James at hinigpitan niya ang hawak sa braso ng kapatid ko.
"Try to hurt him and I'll hurt you even more." Pananakot niya dito pero sa halip na si Nathan ang matakot ako ang natakot.
"Huwag. Hindi mo kailangang gawin iyang sinasabi mo. Hindi niya ako sasaktan dahil kapatid ko siya at kung ano mang hindi namin pagkakaunawaan ito, pag-uusapan namin ng mahinahon kaya hindi na dapat ito humantong pa sa sakitan." Paliwanag ko habang nakatingin sa mga mata ni James. Ngayon ko lang ginawang magpakalalaki sa harapan ng taong paulit-ulit ginamit ang katawan ko bilang parausan.
Natatakot akong gawin niya iyon kay Nathan kaya ko nasabi ang mga ganoong bagay.
Naninigarilyo pa rin si Sir Matt ng lumapit siya sa akin, paharap naman ang puwesto niya kay James.
"Mr. De Mesa, kung hindi ka kuntento sa paliwanag ni Mr. McGeorge ako ang kakausap sa kanilang dalawa kaya kung maari, lumayo na muna kayo." Pinasunod ako ni sir sa kaniya matapos nayng sabihin iyon.
Naupo kami sa isang malaking ugat ng puno malapit lang sa ilog at si Nathan naman ay naupo sa batong sinasabing makikita ang usa doon.
"Anong nanngyari?" panimula ni sir pero hindi agad ako nagsalita. Nakatingin lang ako kay Nathan na nakatingin sa mga paa niya at sumimple ako ng tingin kina James at Ryan na hindi malayo sa kaniya. Ang tour guide naman ay nag-aabang kung may magbubugbugan sa kanilang tatlo doon.
Hinayaan lang ako ni sir na manahimik hanggang sa mabingi na ako sa katahimikang iyon. Parang dinudurog ang puso sa tuwing titingnan ko si Ryan na hindi makatingin sa akin ng matagal gamit ang mga matang kay tagal kong inasam.Sa huli ay nagpaliwanag na rin ako kay sir ang nangyari kanina.
"Nakuha namin ang asul na batong ito sa paanan ng usa. Itinapon ni Jes ang sa kaniya habang ako'y hindi ko alam kung papaniwalaan ba ang lahat ng ito." Panimula ko. Hindi naman sumingit si sir sa kwento ko kaya nagpatuloy ako. "Sinabi ng tour guide, kami ang napili ng usa. Wala pa namang napapatunayan iyon pero nagalit na lang si Jes at itinapon niya ang sa kaniya. Nagagalit siya dahil parang may minamahal na siya at hindi na ako iyon." Tumango siya matapos magbuga ng usok galing sa kaniyang sigarilyo. Tingin ko'y alam din niya kung ano ang tinutukoy ko.
"Kung ganoon ayaw mo ng ginawang pagtapon ni Mr. Alcala sa kaniyang bato na kapares ng sa iyo?" tanong niya sa akin at humithit ulit.
Nag-isip ako ng ilang minuto hanggang sa malaman ko ang sagot sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...