Hatid-Sundo
Walang Kwentang Palabas
Alien's PoV
Dalwang araw na ang nakakaraan matapos kong makitang mamolestya sa pampublikong tren si James. Hindi iyon kaaya-aya para sa akin at mas lalong mahirap para sa akin na makitang ang taong nagsilbing takot sa aking nakaraan ay ganoon kadaling mapaglalaruan ng mga 'di kilalang kalalakihan. Kahit naman naging masama ang nakaraan namin ni James ay unti-unti ko na siyang napapatawad kahit pa ako naman ang sumunod na nakasakit sa kaniya ng sabihin kong iwan na niya ako dahil awa ang naging dahilan ko kaya may nangyari sa aming nakaraan.
Oh boy, naawa talaga ako para kay James at sa naging buhay niya kahit ako pa ang naging biktima.
"Jhon, can you take this to our master?" napakurap na lang ako ng marinig ko ang scottish accent na iyon ni papa.
Tiningnan ko ang tray na hawak niya't nakita kong puro matatamis ang naroon, natatakam din tuloy ako.
"Why is Elo here papa?" tanong ko naman ng kukunin ko na ang tray.
"I don't know son, maybe because he want you to be his husband?" he offer me a smile pero ikinainis ko lang iyon.
Sa lahat naman kasi ng pupwedeng ibiro ay ang kasal pa. Alam naman ni papa na ayaw ko ng pwersahan, pagpatay, dugo at anumang karahasan at ang pwerasahang kasal na biglaan ay isa sa mga ayaw ko lalo pa't may minamahal ako at lalaki iyon. Si Ryan iyon.
"Ha! Ang pangit mong mag-joke papa and you know that I'm in love with someone else that's why I say your jokes are hideous." I stated, not looking at my father.
Naiinis din naman ako sa mga trying hard na biro ni papa kahit na unti-unti ko na siyang nakikilala hindi pa rin naman iyon sapat para magbiruan kami tungkol sa mga personal na bagay lalo na't buhay pag-ibig ko ang nakataya at isinasabiro niya.
"Yes," hindi ko maisip kung saan siya sumang-ayon alam ko naman kasing mapanlait ako't isa si papa sa madalas ko ng nalalait nitong nakaraan. Hindi na rin naman nagtagal ang pag-iisip na iyon dahil sinundan agad ni papa ang kakasabi lamang niya. "And he doesn't know that you're in a mafia world now." Ang boses ni papa ay nagpa-alarma sa akin ng sandaling iyon. Seryoso ang boses na may kaunting lungkot para sa akin? hindi ko alam kung para nga iyon sa akin pero nakatingin sa akin ang mga mata ni papa at nagawa na lang niyang hawakan ako sa balikat tulad ng mga ginagawa ng mga kalalakihan sa lipunan naming ito bilang pagkuha ng atensyon o pagpapa-alam.
At umalis na nga si papa matapos noon, naiwan naman akong nag-iisip pa sandali.
Tama naman si papa sa sinabi niya. Nasa mundo na ako ng mga mamatay-tao at kung gugustuhin ko, pupwedeng patayin ni Elo ang lahat ng may koneksyon kay Jerwin at sa Yakuza nito gamit lamang sang tatlong sangay ng kanilang pinuno na Veco. Nakakamangha pa rin naman ang samahang ito na parang isang panaginip ang lahat subalit totoong nangyayari ito sa aming mundo kung saan pupwede kaming pumatay na hindi makikita ng mga pulis at walang ibang makakapansin.
Ngunit kahit ganoon, hindi ko kayang makitang mamatay ang sino man. Kahit pa kasapi na ako nila hindi pa rin ako nakakapatay ng tao at wala akong balak pumatay. Nais ko lang ng magpoprotekta sa pamilya ko at alam kong ang Varua iyon.
Dinala ko na lamang ang tray sa mga bisita. Tulad ng dati'y kasama ni Elo ang pitong nakauneporme ng mga kulay ng bahag-hari. Ang mga lalaki't babaeng ito ay ang tinatawag nilang Varuallenos o mga gwardya ng mga gwardya. Sila ang tumitingin, kumikilatis, nagsusuri at naghuhusga sa mga gwardyang tulad ko. Kung magkamali ako ng ikikilos ay sila ang magtatama at kung magkamali pa ako'y bibigyan na nila ako ng ultimatum at paparusahan kapag lumabag pang muli.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
Ficção GeralAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...