Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO?
Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba?
Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba."
Marami rin namang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Lost Game" po ay ang magiging bago kong kwento. ^_____^ at yang mga nasa Picture po ay ang mga members ng Veco.
Uno: Antonnette Nicole Truffles Magallianes(OMF: Veco) Dos: Raymond Guilliermo (Untraceable Werewolf #eng) Tres: Keiko Yoshikune(Animorphs Revolution) Quatro: Jhonny Stepf Walker(Through the Ages 1-4) Sinco: Aldrin Atentar(Nasa Pambabae akong Eskwelahan, Through the Ages) Seis: Ryota Katayose(Boss Hunt) Siete: Alan Walker(Boss Hunt)
Maraming salamat po~~ <3 <3 <3
Another Hatid-Sundo
-VECO Mafia Family
Ch. 1- Laro tayo
Alien's PoV
Nakatingin ako sa kalangitan, umaasang umulan para naman magawa kong makabuluhan ang buhay ko ngayon.
Kapag umulan, magagawa kong tumambay sa loob ng bahay at humiga sa aking malambot na kama, matulog at uminom ng mainit na gatas pagkagising ko. Iyon ang mga makabuluhang bagay na magagawa ko at ipagpapalit ko lahat maliban kay Ryan para lang makapagpahinga ako ngayong araw.
Sa kasamaang palad, hindi na nga umulan at narito ako sa field namin sa school kung saan magpapractice na kami ng American football o rugby.
"McGeorge dito." Tawag sa akin ni Captain. Siya si Dante Veil. Hindi talaga yan ang pangalan niya pero siya ang cosplayer ko sa bida ng Anime na tungkol sa iba't-ibang agimat. Siya si Dante Veil. Matangkad, matipuno, kayumangi at syempre, balbas sarado.
"K, Dante!" sigaw ko lang at isinuot ko na ang helmet ko.
"Oh, ganito ha. Hen 46, Tire 32." Bigkas niya sa haddle up namin.
Haddle ang tawag sa mga sandaling pag-uusap para sa gagawing play ng isang team sa larong american football at mga quarter back ang nagsasabi ng mga ganoong mga plano.
Wala pa naman kaming kalaban, nagaaral kami ngayon kung ano ang mga kahulugan ng bawat salita at numero sa bawat play na gagawin. Isang eksaminasyon kung natatandaan namin ang dapat gawin sa lahat ng pagkakataon at ang hindi ko lang maintindihan kina coach at captain ay kung bakit sa initan pa namin ginagawa ito? Dahil kaya kailangan naming mapressure?
Huwag naman sana, heat stroke ang makakamtan namin nito kapag nagkataon.
Gayon pa man, agad na nagtaas ng kamay si Light Yagami. Sa totoo lang, maiinis na ang sino mang hindi fan ng Anime dahil sa akin. Sino ba namang hindi? Lahat ng kagrupo ko sa Football, may Anime Name at ang wala lang na anime name sa kanila ay yung tatlong walang kamukha sa Anime pero naiisip kong sila yung tatlong itlog sa Eyeshield 21 kahit na malayo ang itsura nila doon at walang looks ng isang anime character.
Mapanlait na kung mapanlait, ganito talaga ako. Sabi ko nga noon, bakit kailangan pang makipag-plastikan ng lahat ng tao para lang tanggapin sila ng kapwa nila? Mas magiging mahirap pa iyon dahil may pagkakataong makalimutan mo ang binuo mong kaplastikan sa isang tao at masyado iyong kumplekado.