Hatid-Sundo (2015)
-Three Years Ago
Narration
"Alam 'nyo mas maganda sana 'yang anime na 'yan kung namatay yung bida." Sabi ni James saka kumain ng pop corn.
Nasa isang pribadong sinehan silang magbabarkada. Sina Jerwin, Jestoni at Jewel Alcala; James De Mesa; Sir Matt; Hector Jules; Cloe Sparks; Ma. Dianna Neites; Merian Santos; Jullian Hermosa; at ang magkapatid na Nathan Jones at Noel Jhon McGeorge. Lahat ay nageenjoy sa panunuod ng bagong labas na anime fresh from Japan na si Jullian Hermosa mismo ang nagtranslate at gumawa ng subtittle para sa kanilang magkakaibigan. Si Jullian din ang pinakasikat na nagsa-subtittle sa japan para sa mga ibang bansa.
"Ang galing mo talagang mag-subtittle, Jullian." Bulong ni Noel dito habang nag-uusap ang mga kaibigan nila.
"Salamat, Alien." Bulong din ni Jullian at hinawakan ang kamay ng kasintahan niyang si Noel Jhon.
"Kung mangyayari 'yon baka mainis ang mga fans. Ayos na nga ang ending, naghiwalay na sila. Ang sakit kaya." Si Cloe iyon, isang dubber sa kanilang magkakaibigan. Siya ay sikat sa Japan sa loob ng isang taong trabaho niya doon bilang isang dubber.
"Ayan ka na naman sa emosyon, Cloe. Maganda naman ang kabuuan." Kumento ni sir Matt tungkol sa anime.
"We know why you love it, my love. It's because of it has many action moves that you didn't see at all." Ngumiti si Sir Matt sa sinabi ng kasintahan saka hinalikan nito ang bubung ng palad ni Cloe bilang pagsang-ayon.
Namula naman kaagad ang maputing Amerikana sa kasweetang taglay ni Sir Matt.
"Maganda rin ang History nila hindi ba, Noel?"
Agad na napabitaw si Noel sa pagkakahawak ni Jullian ng marinig niya ang boses ni Ryan.
"Ah, Oo Ryan. Iyong nakaraan ng mga bida ay hindi normal o madaling hulaan. Gusto ko ng mga ganito kagadang anime, sana makagawa rin tayo ng ganito balang-araw." Tumingin si Noel kay Jullian at nagpalitan sila ng ngiti.
"Kung iyon ang nais mo, Noel. Gagawan ko ng paraan."
Mas lumapad ang ngiti ni Noel dahil doon at saka tumango. Lingid sa kanilang kaalaman masama ang tingin ni Ryan kina Noel at sa kasintahan nitong si Jullian at dahil doon, hindi alam ni Ryan na nakatingin sa kaniya ang kambal na Alcala, si James at si Nathan. Kilala na nila si Ryan at kung gaano nito kamahal si Noel. Alam ni Nathan na ang lalaking itinuturing nilang kaibigan ay ang taong lihim na nagmamahal sa kapatid niya.
Natapos na ang nakagawian nilang panunuod tuwing sabado sa sinehang pagmamay-ari ng pamilya ni Jerwin Alcala kaya nagkwentuhan na lang ang mga magkakaibigan habang lumalabas ng sinehan.
"Hoy, punta naman tayo sa ilog sa hindi kataasang bundok para may maipinta akong kakaiba." Nakangiti at puno ng arte ang boses ni Dianna ng sabihin niya iyon. Si Dianna ang colorist o painter sa kanilang grupo mahilig din siya sa mga movies at anime na Science Fiction. Hindi pa siya sikat sa Pilipinas dahil hindi naman siya sumasali sa mga art contest dito sa halip ay sa Italy siya sikat at dahil sa kasikatang iyon, pinili niyang mangibang bansa hanggang sa makilala niya si Jewel na kapatid nina Jerwin at Jestoni Alcala.
"Ay oo nga. Dinna, nakakuha ako nitong mga bagong pangkulay gamitin mo sana kung matutuloy tayo dyan." Pahayag naman iyon mula kay Jewel na nakasabit pa ang braso sa braso ng nakatatandang kapatid na si Jerwin. Nakatingin naman si Jerwin kay James habang kausap nito si Ryan sa bandang kanan nilang lahat.
Nasa unahan ng kanilang hanay sina Jullian at Noel na magkahawak ng kamay katabi ni Noel ang kapatid niyang si Nathan na katabi naman si Cloe na pumagitna sa kanilang dalawa ni Jestoni. Nasa kanan ni Jullian si Hector na nakikipagkwentuhan tungkol sa mga horror movies na kung pupwede daw lagyan ni Jullian ng subtittle pero agad na tumatanggi si Jullian dahil hindi lamang sa mawawalan siya ng oras para kay Noel, matatakot pa siya sa mga sound effects noon. Isa pa'y aminadong duwag sa katatakutan si Jullian at ang nagsisilbing liwanag lamang sa kaniya ay ang tawanan nilang magkakaibigan. Takot din siya sa dugo at kabrutalang nangyayari totoong mundo subalit kung sa anime iyon ay wala naman iyong ipekto sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
Fiction généraleAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...