Chapter 11 & 12

903 18 2
                                    


Hatid-Sundo

Song ni Ryan

Alien's PoV

Napansin ni Ryan ang mabilis kong paghinga habang nakatitig ako kay James kaya hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin habang ako ay hindi makapagsalita at nakatingin lang sa mukha ng aking mahal. Natatakot na malaman niya ang aking nakaraan, ang buong katotohanan, ang madilim kong kasalanan. "Noel." Bulong pa niya at hinalikan niya ang noo ko dahilan para magsigawan yung mga babae sa likod namin na ikinatingin naman noong mga nakaupo sa unahan pati na rin ng lalaking nagngangalang James.

"Hatid-sundo kita san man magpunta, at kahit tayo na oh ikaw ay liligawan.

Wag mawawala, hahabulin ka. Ikaw lang ang nais kong makasabay hambambuhay."

Kumakanta pa rin si James ng kanta ng Gimme 5 habang nakatingin sa amin. Wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko at hintaying matapos ang kanta. Halata ko naman ang pag-aalala sa mukha nilang apat. Maging si sir Matt kasi ay nagtataka sa ikinikilos ko.

"Hindi kaya may nakaraan sila?" napaiktad ako sa pagkakaupo ng marinig ko iyon mula sa likod.

Kinuyumos ko lang ang mga kamay ko sa aking pantalon at lalong napayuko dahil doon.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalamang narito kami?

Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang hawakan muli ni Ryan ang kamay ko at ibaling niya ang mukha ko sa kaniya. Kita ko ang pinaghalong pag-aalala at ngiti sa mga mata niya, matapos ay ginawa niya ang hindi ko inaasahan.

"Hatid-sundo kita sa'n man mapunta.

At kahit tayo na oh ikaw ay liligawan.

Huwag mawawala hahabulin ka.

Ikaw lang ang nais kong makasabay...

I love you Noel Jhon McGeorge. Honey ko."

Hindi ko ubos-maisip na kakantahan niya ako kasabay ng pagkanta ni James at ang boses niya lang ang narinig ko sa buong sandaling iyon. Lalo pa akong namula ng sabihin niyang mahal niya ako kasabay ng tilian at pagtatayuan ng mga school mate namin.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong lahat sila ay sumasabay na sa huling chorus.

"Hatid-sundo oh oh.

Hatid-sundo oh oh.

Woah oh.

Hatid-sundo oh oh.

Hatid-sundo oh oh.

Woah oh.

WE LOVE YOU RY-EL!!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa mga pinaggagagawa nila pero malaki ang pasasalamat ko at tanggap nila ako, kami ni Ryan.

Ibang klase talaga ang mga may sari-sariling fandom.

Patuloy lang ang naging buhay namin matapos naming mag-aminan ni Ryan. Napangiti ako habang nagtuturo ang guro namin at medyo hindi ko mapigilang mamula. Takte dre, ganito pala ang mararamdaman kapag umiibig.

Oh boy, 'di ko inisip na magiging chessy at corny ako sa parehong pagkakataon. Pero kapag naiisip ko si Ryan na nakangiti sa akin at hawak ang kamay ko hindi ko mapigilang hindi mapangiti kahit na nagmumukha akong timang dito, pre.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon