Hatid-Sundo
-21
Isa pang tawag sa Kuhol
Alien's PoV
"The Hell with... IKAW?!!"
Agad kong sinampal ang tao sa harapan ko.
"What the EF!!" napalunok ako doon. Iba ang boses niya. Iba rin ang kulay ng buhok niya pero alam ko nagkukulay siya ng buhok pero teka... itim at dilaw ang buhok niya nitong nakaraan hindi violet.
"Mom, what is this criminal doing to me? Will he be my fiance? I don't want to!" magsasalita na sana ako dahil tinawag niya akong kriminal pero nagsalita yung mama niya.
"Jewel anak, mabuti pang kilalanin mo muna siya." Paliwanag nito pero paalis na sana ako.
"Sigurado akong napagkamalan ka niya iha na ang kapatid mo." Sumimangot itong si Jewel na kamukha ni Jes sa sinabi ni mama.
"I hate having brothers. Jeezz." Nagcross arms siya at naupo sa tabi ng mama niya.
At dahil nga guilty ako at pinagkamalan ko siyang ibang tao at nasampal ko pa ay naupo na lang ulit ako para humanap ng pagkakataong magsorry.
"Uhmm.. Sorry kanina Jewel. Napagbuntunan kita ng galit ko sa aking bo..kasintahan. kasama pa nitong engagement na hindi ko naman talaga gusto, idagdag mo pa na kamukha mo yung bestfriend ko na.."
"Yan tayo eh! Puro akala wala man lang pagtatanong. Laging assuming! Sa susunod titigan mo munang maubuti ha. Magtanong muna. Hindi naman limang dolyar ang bawat tanong. Walang modo!" naputol ang sinasabi ko dahil dyan sa singhal niya. Nagcross arms ulit siya tapos tumingin sa mama niya. "Ma, naiinis na ako sa mukha na ito. Magpapabago na ako ng mukha. I hate having my brother's image. Tsk." Napailing na lang yung mama niya.
"Marz, now I know kung bakit ayos lang sa'yo ang inasal ng anak ko kanina." Natatawang sabi ni mama Anna pero ikinainis ko lang.
"Oo pero yang sa anak ko forever na yan Marz. Hahaha." Lalo lang akong nainis dahil sabay pa silang tumawa.
Magkumare pala itong dalawa at kapatid niya si Jes tapos hindi ko sila kilala. Dahil ba nasa america sila? Kung ganoon, ibang mga magulang yung nakilala ko sa bahay ni Jes? Posibleng mga kasambahay nga lang nila iyon.
Sanabi rin ni Jes nasa america daw ang kapatid niya.
Nagkatinginan kami nitong si Jewel at parang hinahamon niya ako ng away pero dahil nga wala naman akong kagustuhang makipagbasagan ng bunggo since birth ay tumahimik na lang ako at hindi siya ginulo pa.
"Can we talk? Just the two of us? Yung wala kayong dalawang oldies dito." Maarte nitong sabi. Nagkatinginan naman ang mga nanay namin saka natawa.
Patayo na sila ng magsalita si mama. "Fine dear. Alien ha. Gumamit ng condom."
"MA! Maguusap lang di mo narinig?!!" sigaw ko dito na medyo namumula dahil sa sinabi niya.
"Sus dun din ang punta non." Biro pa nito pero ikinaasar ko lang.
"HINDI NO!!" sigaw ko lang at binileatan siya.
"Jewel anak, take it easy. Alam mong kaibigan yan ng kuya mo." Warning nung mama niya pero nagroll eyes lang siya.
"Duh. As if namang may magagawa pa ako." Sabi lang nito at itinaboy na ang mama niya. Hahalik pa sana ito sa kaniya pero siya na ang umiwas sa halik ng mama niya.
Awkward lang siya ng ngumiti sa amin at niyaya na sa ibang table si mama Anna ko.
Nainis lang ako sa sinasabi niya. Ano bang paki ko sa gusto niyang sabihin sa akin. Kakausapin? Ano namang paguusapan namin? Kung paano magbihis si Barbie habang nakabikini? Oh boy. Anong akala niya sa akin marunong ng ganoon? Hindi porket bakla ako marunong na ako sa mga pambabaeng bagay saka hindi naman niya alam na bakla ako kaya anong dahilan ng pag-uusap na ito sa isa't-isa?
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...