Bahay ni Jestoni Alcala

1.3K 37 4
                                    

Hatid-Sundo

-03

Bahay ni Jestoni Alcala

Alien's PoV

Namangha ako sa pagpasok pa lang ng bahay nila. Ngayon lang ako nakarating dito dahil sa tuwing inaaniyayahan niya akong pumunta sa bahay nila ay may usapan kami ni Ryan na gagawin o di naman kaya'y pinapuwi na ako ni mama ng maaga.

"Ang ganda ng bahay ninyo tol." Namamahang sabi ko habang inililibot ko ang tingin ko sa entrada ng bahay. "Ang linis pa. Oh boy, parang walang kahit isang insektong nakakapasok dito." Umakbay lang siyang muli sa akin at naglakad na kami papunta sa hagdanan.

Ang lawak din ng hagdan nila. Parang pangsinaunang mayayaman kung saan bumababa ang mga prisepe, prinsesa, hari at reyna. Gannon kaganda ang hagdanan nila.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm.. gusto mo bang kumain o maglaro na lang tayo sa kwarto ko?" napaisip siya sa tanong niya. Baliw talaga itong si Jes. Siya ang nagtanong siya ang nag-isip.

"Kumain na tayo kanina, gusto ko lang makigamit ng banyo pre. Naiihi na ako saka, makikiligo na rin nilalamig na kasi ako." Pahayag ko sa kaniya.

Bahagyang namula ang mokong kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. "Huy, ano?!" agad naman siyang bumalik sa hinaharap at hinikit ang kamay ko saka nagmadaling hikitin ako papasok sa silid niya. Matapos niyang isarado ang pinto ay isinandal niya ako sa pader.

Aba't.. gusto ata nitong magpapawis ng konti ah. Wrestling ata ang gusto niya.

"Uhmm.." babaldahin ko na sana pero nagsalita siya. "Ayun yung banyo, hahatiran na lang kita ng maayos na damit, maghahanap lang ako sa baul ko." Bahagya akong natawa ng sabihin niyang baul.

"Baul talaga pre? Oh boy, sinaunang tao ka pala Jes? Haha." Napailing na lang siya at tumawa na rin.

"Naniwala ka naman. Sige na. At hahanapin ko pa ang mahiwagang baul." Napailing na rin ako noon kahit medyo natatawa pa ako at pumasok na ako sa banyo.

Pagpasok ko, sumambulat sa akin ang mabagong amoy ng banyo ang dose-dosenang botelya na iba't-iba ang hugis at laki na nakapatong sa lababong may salamin.

Ang dami namang kaartehan sa katawan ni Jes. Ang daming brand ng pampagwapo. Iba pala talaga ang mga mayayaman. Sa akin simpleng kojic at head n shoulders ayos na.

Nagtanggal na ako ng pang itaas ko dahil nilalamig na talaga ako.

"Jes, alin ba dito ang shampoo mo?" tanong ko sa kaniya. "Hali ka nga sandali." Pagtawag ko ulit at pumasok naman siya.

Parang natigilan siya lalo na ng humarap ako sa kaniya. Nakita ko pang medyo namumula siya.

"Maligo ka na rin kaya?" tanong ko sa kaniya na agad niyang hinindian. "Maligo ka na at namumula ka oh. Baka magkasakit ka pa niyan. Sabay na tayo. Isa pa hindi ko alam ang shampoo sa mga bote mo dito." Kinilatis ko ulit ang mga bote samantalang hindi naman ako sinagot ng mokong at ibinigay na lang sa akin ang isang bote at tuluyang lumabas ng banyo.

May pagka-flash ata yun, ang bilis tumakbo. Hinayaan ko na lang siya at naligo na ako. Ginamit ko yung tuwalya niya para magpatuyo ng katawan at ng lumabas na ako sa banyo, wala si Jes pero may mga damit na nakalagay sa gilid ng kama.

Kinuha ko iyon at isinuot. Naghintay pa siguro ako ng ilang minuto pero hindi bumabalik si Jes. Ayaw ko namang maligaw sa malaki niyang bahay kaya nahiga na lang ako sa kama niya.

Hindi ko lang namalayang nakatulog na pala ako. At sa panaginip ko, hinahawakan daw ako ni Jes at hinahalikan.

Ilang sandali pa'y nagising ako at iginala ko ang mata ko sa paligid. Hinanap ko si Jes para mapatunayang mali ang panaginip na iyon at nalaman kong panigip nga lang.

Wala si Jes sa kwarto.

Tiningnan ko rin ang sarili ko, kinapa kung may nangyari nga sa katawan ko at laking pasasalamat ko na lang dahil walang nangyaring masama tulad ng nasa panaginip ko. Walang masakit at nakadamit pa rin ako. Gusto kong magmura dahil sa panaginip na yun pero hindi ko na lang ginawa dahil pumasok si Jes sa kwarto.

"Uhmm Ayos ka lang? Ang putla mo." Puna niya sa akin. Hinawakan ko lang noo ko pasuklay sa buhok ko.

"Nanaginip lang ako ng masama. Hindi talaga tama na matulog ng basa ang buhok." Lumapit siya sa akin at dahil sa panaginip kong iyon napalayo ako ng konti.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong niya at kinuha yung blower niya sa nightstand at inayos ang buhok ko.

"Hinahalikan at hinahawakan mo daw ang katawan ko. Oh boy, nakakatakot talaga yun diba? You, one of the hottest guy in class hahalikan ako at magiging Gay? D*mn Sh!t." natatawa na lang ako sa sinabi ko pero hindi siya nagsalita.

Matapos niyang tuyuin ang buhok ko ay may kinuha siyang CD sa isa sa mga CD holders niya.

"Panoorin mo 'to kapag may oras ka." Sabi niya sa akin at inilagay iyon sa bag ko.

"Ha? Ano ba yan?" tanong ko sa kaniya.

"Basta. Kapag wala ka ng mapanuod na anime, ito ang panuorin mo. Maganda ito." Sinulyapan ko yung pamagat at nakita kong may Piko doon.

Paglalaruin pa ata ako ng piko ng mokong ito.

Oh boy, ang isip bata naman niya. Bahala nga yang CD na yan hindi ko yan papanuorin. Ang lame. Piko? Ano ako babae? Pang kalokohan lang kaya yon.

"Dyan ka na sa kama matulog dito ko sa futon." Sabi niya na inilingan ko kaagad.

"Ayaw ko na. Dyan na lang ako sa so called futon mo na kutsun naman sa tagalog dahil ayaw ko ng bangungutin." Natawa kami pareho sa panlalait ko sa kutsun niya.

"Sige na nga." Sabi pa niya at ginulo ang buhok ko. "Good night Noe McGeorge."

"Goodnight din Jes Alcala."

Kinabukasan, nagpaturo na sa akin si Jes ng math. May mga notes naman pala siya, hindi lang niya masyadong naiintindihan. Hanggang tanghali ay iyon ang ginagawa namin. Sa totoo lang hindi siya madaling turuan at nauubos ang pasyensiya ko sa mga slow learner pero dahil makulit ang mokong humaba pa ang pagtuturo ko sa kaniya hanggang sa magutom na nga kami at kumain kami ng tanghalian.

Narito ang mga magulang niya at ikinagagalak daw nila akong makilala. Sabihin ko rin daw sa mga magulang ko na sila ang iboto sa darating na botohan. Prinaka ko naman sila na iisa ang kasama ko sa bahay kaya isang boto lang ang makukuha nila.

Natawa lang ang mga magulan ni Jes doon pero hiyang-hiya na si Jes sa ginagawa ng magulang niya.

Inihatid na ako ni Jes sa bahay matapos naming manuod ng One Piece. May bago daw labas na episode kaya iyon ang pinanuod namin. Kahit sinong lalaki One Piece, Naruto at Bleach ang gustong panuorin. Nagkataon lang na mas gusto ko ang Naruto na patapos na ngayon. Kaya lang itong si Jes, ang paborito ay One Piece kaya iyan ang pinanuod namin.

Hapon na ng makarating ako sa bahay. Nagpaalam lang ako kay Jes at pumasok na ako sa loob. Laking gulat ko ng may dalawang lalaking kausap si mama.

Isa ay kilalang-kilala ko at ang isa ay....

... kamukha ko.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon