Ang Sandwitch

1.1K 30 3
                                    

Hatid-Sundo

-07

Ang Sandwitch

Alien's PoV

Bwisit na bwisit ako.

Dahil sa bwisit kong iyon, hindi na ako kumain ng breakfast. Pumasok na lang ako sa school, naupo sa upuan ko at walang ibang kinausap. Maraming babae ang lumapit sa akin makalipas ng trenta minutos. Maraming nagtatanong kung may nangyari ba? Kung bakit ako badmood o bakit ako hindi nagsasalita.

Sino ba makakapagsalita kung ganoon ang mapapanuod mo? Isang Anime Hentai na inakala mong normal pero hindi pala. Sa totoo lang hindi ko maalis sa utak ko si Pico dahil doon. Oo Pico. Hindi Piko. Nainiinis ako dahil hanggang ngayon, nagiinit ang katawan ko sa napanuod ko.

Oh boy, alam nyo ba yung pakiramdam na gustong-gusto mong kumawala sa nararamdaman mo pero natatakot kang aminin na baka maging ganoon ka rin kapag itinuloy mo?

Nanuod na nga ako ng normal porn kagabi pero walang nangyari.

WALANG NANGYARI!!

At dahil sa inis ko kagabi pumunta ako kay Nathan at sinabi ang nangyari. Akala ko magagalit siya sa akin pero sinabi niyang normal lang daw yun. Oh boy, normal? Hindi yun normal. Oo may nakikita akong mga bakla pero yung masabi kong ganoon ako? Parang hindi e. Hindi ako yung tipo ng tao na nagsusuot ng mga pambabaeng damit, kumekembot at nagme-make up. Ayaw ko noon!

Dahil sa katarantaduhan ni Jes, tinulungan ako ni Nathan kabi. Nasa banyo niya ako salita lang siya ng salita sa kabila sinasabi ang dapat kong gawin at nagkaraos naman ako pero dahil sa nangyari, lalo lang akong nahiya at naguluhan. Alam ko ng mali, ginawa ko pa. Bakit ba kasi pinapangak na virgin ang mga tao at walang ano mang alam tungkol sa ganiyang klase ng kamunduhan?

At ang pinakamatinding tanong sa lahat, bakit ako pa ang naging BIKTIMA?!

Galit ako ngayon. Galit ako kay Jes at sa ibinigay nitong CD. Galit na galit ako kaya hindi ko siya kakausapin. Ilang minuto pa'y dumating na rin si Nathan pero bago pa man siya makalapit sa akin ay hinikit na siya kaagad ng babae naming presedent at pinaglinis ng blackboard. Ginawa naman niya yun at hinayaan ko na lang.

Kasunod lang niya si Jes at agad akong namula ng makita ko siya kaya bago pa niya ako masulyapan ay tumingin na ako sa labas ng bintana.

"Mr. McGeorge Good morning~!" narinig kong bati niya kaya napapikit ako.

Please wag kang lalapit kung ayaw mong mapatay kita sa harap ng mga kaklase natin.

Oh boy, kailangan ko ng hangin.

"GOOD MORNING DIN!!" patayo na ako para buksan ang bintana ng sumigaw si Nathan. Saglit akong napasulyap at nakita kong hawak niya ang braso ni Jes. "Di ka niya kakausapin dahil sa CD. At magkapatid kami pre kaya dahil sa ginawa mo, binabalaan kita. Dalwa kaming McGeorge dito at kapag nagkamali ka, sasaktan talaga kita." Nanlamig ako sa boses ni Nathan.

Nakakapanibago ang pagiging kuya niya sa akin. Oo mas matanda siya sa akin. Pero kapag magkasama kami parang mas matured ako pero sa pagkakataong ito, tol. Natakot ako sa kapatid ko.

"Anong kaguluhan ito? Sit down." Agad na umupo sa tabi ko si Jes. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero nakatingin lang ako sa bintana.

Parang nagsisi akong pumasok pa ako ngayong araw. Si Nathan naman ay tumayo sa harapan ko.

"Sir, okay lang po bang magpalit kami ng upuan ng kapatid ko ngayong araw? Kailangan ko po kasing protektahan ang kapatid ko sa katabi niya." Agad akong napatingin kay Nathan at nakita ko kung gaano kaseryoso ang pabaklang tone niya ng pananalita kay sir Matt.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon