Bahay ng Pusa

112 6 0
                                    


Hatid-Sundo (2015)

-Bahay ng Pusa

Alien's PoV

Tumatakbo ako papunta sa bahay nina Jestoni at Jerwin Alcala. Wala na ang aking mga luha ngunit narito pa rin ang sakit na unti-unting napapalitan ng galit. Naiinis ako sa pangyayari, bakit ba kasi dapat ako pa ang mapaglaruan ng ganito. Habang iniisip ko ang nangyari sa buhay ko simula ng makilala ko siya ay nakikita ko ng malinaw kung bakit niya ginawa ang lahat ng palabas na ito sa akin.

Limang taon pa lamang ako ng makilala ko si Jerwin sa isang lumang bahay na mukhang hunted house ngunit maraming mga pusa roon.

----------

"Umuulan pa, kailan kaya ito titigl?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng bahay na ito.

Malaki ang bahay at halatang hindi na tapos dahil ding-ding at bubong pa lamang ang naitatayo nila pero hindi na tinapos pa.

Medyo malamig ang araw na ito dahil sa pag-ulan pero mainit ang pakiramdam ko dahil sa mga katabi ko ngayon habang nakatanaw ako sa bintana ng bahay.

Patuloy akong nakatingin sa pumapatak na ulan mula sa bubong ng bahay na ito ng makarinig ako ng mga yapak at nagsipag-gawa ng tunog ang mga katabi kong pusa na animo'y nagagalit sa dumarating. Napatayo ako't napaatras dahil doon, nagawa namang pumunta sa harapan ko ng labinlimang pusa at ang natitirang maliit na apat ay katabi ko sa likuran. Pakiramdam ko'y protektado na ako ng sandaling iyon at lahat kami'y nagulat ng isang bata ring kasing edad ko ang pumasok mula sa pintuang wala namang pinto suot ang kaniyang polong puti na asul ang kuwelyo, simpleng asul na shorts na maong at isang mamahaling rubber na sapatos.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko itong basang-basa sa ulan at kaunting sinag lang ng liwanag ang nagpapakita ng kaniyang mukha sa akin. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa dereksyon ko at nagawang ngumiti. Ngumiti rin naman ako pero agad ko iyong binawi at tumingin sa mga pusang kasama ko. May kaunting hiya akong naramdaman dahil hindi naman prinsentable ang kasuotan ko ngayon di tulad sa mga sinusuot ko sa mansyon na pinagtatrabahuhan ng aking ina.

Kita pa rin ang galit sa mga mas nakakatandang pusa at wala pa rin namang alam na gawin ang mga katabi kong mas batang pusa. Ilang sandali pa'y lumapit ang bata sa amin at bago pa siya kalmutin ng mga pusa ay naglabas siya ng isang supot ng biskwit at binigyan silang lahat. Namangha ako sa ngiting hindi naman para sa akin kundi sa kasiyahan ng pagpapakain ng mga pusa. Ilang sandali pa'y naroon na ang lahat ng labing siyam na pusa at kumakain. Sapat lamang ang isang malaking supot na iyon ng biskwit para sa kanilang lahat at nagpapasalamat na ako at may isang tulad niyang gumagawa ng mabuti para sa mga hayop.

"Hi, do you speak english?" tanong ng bata sa akin ng mapansin niya akong kanina pa nakatitig. "Do you want some of it? I have cookies here, it's chocolate so we can't feed it to them. If you want I can share it with you."

Napangiti na lang ako doon at napatango. Ilang sandali pa ang nakalipas at nakahilig na kami sa sementadong dingding at unti-unti kaming pinaligiran ng mga pusa habang inaantok na sila't kami naman ay nagsimula ng kainin ang mga cookies na dala niya. Hindi naman ito marami pero sapat na para mawala ang gutom ko.

"Did you escape? Did someone kidnapped you? I don't know where you are from but my parents can help us find your parents. It's not good strolling around here in the Philippines with that cute face of yours." Di ko maintindihan kung bakit niya ito sinasabi sa akin kaya naman sinagot ko siya ng may ngiti sa labi.

"I'm not kidnapped or something like that. I just want to leave my home for a while because my father left my mother and I, and now we are having a great trouble in my mother friend's household where she apply as a maid; and I can speak Filipino, by the way. Thank you."

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon