Elo

125 5 0
                                    

Hatid-Sundo

Elo

Alien's PoV

Nakahiga lamang ako sa aming soffa habang nanunuod ng TV at kumakain ng sorbetes.

Masama pa rin ang pakiramdam ko sa pangyayari nitong nakaraan patungkol sa amin ni Jerwin. Pakiramdam ko kasi'y pinutol na rin niya ang pagkakaibigan namin ng tapusin niya ang pangako namin sa isa't-isa. Masakit iyon pero kailangan kong magtiwala sa kaniyang mga binitawang salita.ss

Nasa paanan ko si Nathan ng sandaling iyon at nakaupo habang kumakain din ng sarili niyang sorbetes. Nasa ganoon kaming itsura ng mapansin kami ni mama Anna. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Nathan ng makalapit siya dito.

"Ang kyut-kyut mo anak." Gigil na sabi ni mama na ikinaasar ni Nathan at hinawi pa ang mga braso ni mama.

"Ma naman! Alam kong kyut ako pero dun ka mamisil sa gwapo." Sabay turo sa akin. "Ayan oh, si Noel." Dagdag pa niya sabay subo ng sorbetes niya.

"Ay, ang KJ ng anak ko. Hala na gusto ko ikaw ang kyut mo eh." Sabay halik sa pisngi ni Nathan na pinunasan din naman niya agad ng likod ng kaniyang palad.

"Mama Anna, ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko pero di niya ako pinansin at pinisil-pisil muli ang pisngi ni Nathan. "Ma, nalalaspag yung mukha ni Nate, ayan oh namumula na."

"tse, manahimik ka nga diyan. Kamukha na ni Nathan Jonnes si Snow white eh, diba, 'di ba?" parang ginagawang bata ni mama si Nathan at sobra na akong nagtataka sa ginagawa ni mama.

"Ma! Magkamukha lang kami ni Noel kaya siya na lang ang kurutin mo!" naiinis na nga talaga si Nathan at wala naman akong magagawa doon dahil lalo lamang nilamutak ng palad ni mama ang pisngi ni Nathan.

"Mas kyut ka kay Noel, dali na baby." Sabi pa ni mama na siyang ikinatawa ko na lang.

"Ma, yung totoo." Parehas kong nakuha ang atensyon nila. "Buntis ka ano?" pinaningkitan ko siya ng mata at ngumiti lamang si mama at ginulo ang buhok ko.

"Mapagbiro ka talagang bata ka." Saka siya pumunta sa kusina at sinundan lamang namin siya ng tingin ni Nathan.

"Paano mo nasabing buntis si mama?" tanong nito na nakapaibabaw na sa akin. "Umamin ka, nabuntis ka na dati ano?" sinapok ko siya ng mahina dahil sa bintang niyang iyon.

"Loko-loko. Alam natin pareho ang nangyari sa atin noon, edi sana kung nabuntis na ako may pamangkin ka na. Nangyari na yan sa isang kaibigan ni mama noon. May pinaglilihihang tao at kakawa talaga yung pinaglilihihan niya." Inikutan ko siya ng mata at itinulak ang mukha niya palayo sa akin.

"Aray naman kapatid. Kung makatulak ha, sobrang kyut ko lang kaya ka ganiyan." Umiling na lang ako't tumayo para pumunta sa telepono. Tinawagan ko si papa.

"Hello papa?" tanong ko ng sagutin niya ito.

"Oh, Noel? What happened?" tanong niya agad na agad kong sinagot.

"Is my mother pregnant? 'cause I can see the symptoms." I warned him.

"Oh, don't call it like she has a dessease. It's a blessings." Inikutan ko na lang siya ng mata kahit hindi niya kita.

"Did you or did you not do it with mama?" I demand at sinagot naman iyon kaagad ni papa.

"Yes, it's mine. He or she will be your sibling."

"Okay." Sabi ko saka ako tumingin kay Nathan. "Makakaroon tayo ng kapatid!" sigaw ko na agad ikinatayo ni Nathan.

"For real?" tanong niya na tinanguan ko saka ko ibinaba ang telepono na hindi nagpapaalam kay papa.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon