Hatid-Sundo (2015)
-Bakit pa?
Alien's PoV
Matapos ng aming pag-uusap ni Mico ay napagdesisyunan na naming umuwi, siya sa kaniyang tinutuluyang malapit lang dito habang ako naman ay napagdesisyunan ng bumalik sa aking pamilya. Labis pa rin ang lungkot na nadarama ko dahil sa pagtataksil nila sa akin pero hindi ko hinayaang mas maapektuhan pa ako noon kaysa sa nararamdaman ko ngayon.
Malapit na ako sa aming bahay ng makita kong umiiyak si Nathan, hawak niya ang telepono niya at may kausap doon.
"Hindi. Hindi ko pa rin siya nakikita, Ryan. Natatakot akong baka kung ano ng gawin niya sa sarili niya. Baka totohanin niya ang pagpapakamatay dahil sa sinabi namin sa kaniya.... oo alam kong hindi siya suicidal pero... oo na sasabihin ko sa kaniyang mahal mo talaga siya... oo nga pero hindi ko siya mahanap lahat kami dito ay naghahanap na. Sige na... oo, babay. Pasensya na sa abala." Matapos maging aligaga ng kapatid ko'y pinatay niya ang telepono at nagtatakbo papunta sa eskwelahan.
Pinanuod ko lang siya hangggang sa mapagdesisyunan ko ng pumunta na lang sa pagupitan.
"Oh, Mr. McGeorge. Musta? Hinahanap ka dito ng mga magulang mo kanina ah." Pahayag ni manong Tonyo na palagi kong pinagpapagupitan.
"Nagkita na po kami." Pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka diyan? Pakiramdam ko kasi pinagtataguan mo sila at kung sakali ngang nagkita na kayo siguradong ikinandado ka ng mama mo dahil bigla ka na lang daw umalis dahil sa sinabi nila."
Halos wala na akong mapagkatiwalaang tao sa paligid ko ngayong nalaman kong isang palabas lamang ang buhay ko. Gayon pa man, iba itong si Mang Tonyo. Simula't-sapul ay ayaw niyang manuod ng mga palabas at ang hilig lamang ay kumanta kasabay ng kaniyang patugtugang radyo. Kaya naman kahit na gusto ko siyang pagdudahan, hindi ko rin nagawa.
Lumapit na lang ako sa lamesa niyang puno ng magazine ng mga kababaihang halos walang damit at sa ilang naroroon din na ayos ng buhok na napeperpekto ni Manong Tonyo sa bawat panunuod ko sa paggugupit niya sa ibang tao.
"Pinaikot nila ako sa kanilang mga kamay mang Tonyo." Bnubuksan ko na ang mga pahina ng bago niyang playboy magazine at totoo ngang hindi na ako ganoon ka-atracted. Nagagandahan ako pero hindi na iyon nararamdaman ng katawan ko hindi tulad ng dati. "Inisip kong talagang may mga lalaking nagmamahal sa akin. Boy, kahit siguro may magsabing mahal ako ng isang aso papaniwalaan ko noon pero mali ako Mang Tonyo. Hindi ko na alam ang totoo sa ilusyon, maging ang tunay na mundo sa mundo ng anime na kinagisnan ko." Naupo ako sa upuan ng mga gugupitan ni Mang Tonyo.
Inayos lang muna niya ang telang ilalagay sa leeg ko saka niya sinimulan ang paggupit sa buhok ko.
"Alam mo anak, hindi ako magaling sa words of wisdom na 'yan. Wala rin naman akong karapatang pangaralan ka o maki-alam pero ang sasabihin ko lang, mali na saktan mo ang sarili mong mga magulang. Sumula't-sapol ang mga magulang natin ang natatangi nating masasandalan sa panahong tayo'y nasasaktan."
"Perong Mang Ton—""Hep. Hindi pa ako tapos." Babala niya ng singitan ko ang sasabihin niya. Nahinto kami sandali sa pagsasalita saka siya huminga ng malalim. "Mali rin ang mga magulang mo na pumayag sa inaakala nilang ikasisiya mo sa buhay na ito. Ikaw ang nag-iisang spoiled brat na kilala ko na hanggang high school ay naiispoiled pa rin. Alam mo bang ang ekswelhan mo'y dating normal na eskwelahan? Nagkaroon lamang ng pang-unawa, pag-intidi, pagbubukas ng isip para sa mga Bakla dahil sa paki-usap ng kaibigan mo't maging ng mga taong nakapalibot sa iyo.
Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay natutuwa sila sa iyo, unti-unti naman nilang natatanggap na may mga baklang hindi perwisyo at laman ang kailangan kundi edukasyon, prinsipyo, tuwid na pagkatao at karangalan ang naipapakita.
Ganoong klase ka, Noel. Doon sila humanga kaya nila itinuloy ang tungkol sa buhay mo.
Isang lalaking nagmahal sa lalaki. Matuwid ang isipan at hindi nakakapirwisyo sa kapwa. Kung titingnan nga kita ngayon hindi kita makitaan ng pagiging malambot 'di tulad sa ibang kabaklaan ng mundong ito. Alam mo kung bakit?"
Napatingin ako sa mukha ni Mang Tonyo sa salamin ng sabihin niya iyon.
"Bakit nga po?" takang tanong ko rin.
Ngumiti muna si Mang Tonyo sa akin. "Dahil ikaw ay puno ng pagmamahal sa paraang hindi nababago ang pisikal, mental at emosyonal na pagkakakilanlan. Sa tuwing makikita kita at babatiin mo ako o kapag nagpapagupit ka, ikaw pa rin ang nakikita kong Pilipinong may accent kapag nag-eengles kahit pa noong sinabi mo sa aking umiibig ka na sa isang lalaki bago pa man mapabalitang umamin ka na. O kahit noong umamin ka na't nagpapagupit ka rito, wala ka pa ring pinagbago kaya sinisigurado ko sa'yo Mr. McGeorge na kapag tumanda ka na, hindi man babae ang mapangasawa mo, magiging mabuti kang ama."
Hindi ko na napagilan pang mapangiti sa mga sinabi ni Manong Tonyo.
"Ito pa pala ang walang word of wisdom, Mang Tonyo ha. Paano pa kaya kung iyong mga matatalino na ang magsalita?" natatawang biro ko.
"Ay sus, sa kanila puro logic at nakikita nila ang tunay na mundo samantalang ako pantay ang tunay na mundo at tunay na nararamdaman ng tao. Papunta ng robot iyang mga iyan, pangako ko sa'yo." Tumango-tango pa si mang Tonyo kaya natawa na lang ako.
"Ah mang Tonyo kaya niyo po ito hindi ba?" ipinakita ko kay mang Tonyo ang isa sa mga litrato sa magazine niya rito.
"Aba, oo naman. Pasalamat ka't kadarating lang niyang ganyan." Tumango ako't naghintay.
Matapos kong magpunta sa pagupitan ay bumalik na ako sa bahay.
Tulad ng inaasahan ko, hindi nila ako pinansin sa halip ay nagtaka lamang sila na may isang lalaking pumasok mula sa harapan ng bahay nila at tulad ng inaasahan ko naglabas ng baril si papa.
"Hey You! Stay where you are. Do not move or else."
Itinaas ko ang mga kamay ko at dahan-dahan akong tumalikod para harapin sila.
"Noel? Noel anak!" sigaw ni mama saka ako niyakap. "Patawarin mo kami Noel. Patawad sa lahat-lahat." Umiiyak na sabi ni mama kaya napatingin ako sa gawi nina papa at Nathan. Nakita kong umiiyak si Nathan at si papa nama'y naibaba na lang ang baril at nakatulala akong tignan.
Tulad ng kaniyang buhok, ang buhok ko'y nasa orihinal na nitong kulay na mamula-mula.
Suot ko na rin ang palda ng mga scotland boys at masasabi kong komportable naman ito talaga. Mas masasabi ng mukha akong babae ngayon kesa noon. May suot din kasi ako na wig katulad noong mga bata pa kami ni Nathan. Nakita ko kasi ang isa sa mga picture ni papa na kasama si mama. Pula pa ang buhok ni papa doon at parehas kaming naka-dress ni Nathan, pula ang buhok at parehas naka-twin tail na pagkakatali.
Umalis na lang ako sa yakap ni mama matapos ang ilang sandali saka ako nagpaalam sa kanila.
"Sa taas na ako. Inaatok na ako." Sabi ko lang saka ako dumeretsyo ng hindi na iniintindi pa ang sasabihin nila.
Kinabukasan, parang walang nangyari sa aming apat maliban sa pagiging tahimik nilang tatlo. Pinapakiramdaman nila ako kung magsasalita ba ako, susumbatan sila o magagalit sa sitwasyon pero iba ang ginawa ko. Hindi ko sila inimikan. Hindi ko sila pinansin buong maghapon.
Kinakausap nila ako pero sinasagot ko lang sila ng mga normal na isagot kasabay ng halos walang emosyon sa tono ng pananalita ko.
At sa pagkakataong ito, alam kong nasasaktan ko ang mama ko.
Bakit pa ako magtitino, wala naman silang ginawa kundi kontrolin ang sarili ko.
Bakit pa ako matutuwa at magbibigay ng emosyon kung napapaglaruan din lang ako.
Bakit pa ako susunod kung alam kong sawa na ako't mali na ito.
Alam kong mali ito, masamang gawain ang saktan ang pamilya ko.
Pero ito ang unang beses na magrerebelde ako.
Sa pagkakataong ito, hindi na ako ang mabuting anak ng mga magulang ko.
----5/5/16 11:29 PM
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...