Hatid-Sundo
-Ang babaeng Lalaki(Ang Pagiging Lalaki)
Ch. 2- Team Fight
Alien's PoV
Hindi pa rin ako makapaniwalang nanalo kami gamit ang pagsasayaw ng mga asawa noong mga taong kakilala ni principal. Ibang klase, para akong nalamog sa paglalarong iyon kahapon. Sa sobrang pagod na rin hindi ko na alam na nakatulog na pala ako sa soffa ng bahay. Para namang hindi talaga ako naglaro ng American football?
O baka naman nanaginip ako?
Siguro nga nanaginip lang ako. Masyado ata akong natuwa panunuod ng TV. Ilang sandali na akong gising ng lumabas ang kapatid ko mula sa kusina. May hawak siyang isang bote ng tubig at isang pinggan ng chips. Boy, nagawa niyang ilagay sa pinggan yung chips pero yung tubig nasa bote pa? Tss.. kapatid ko nga siya, alien din kasi.
"Oh Noel. Kain ka na, pupunta daw si mama sa kabilang bayan may cosplay event daw. Palagi ba talagang sumasali si mama sa cosplay?" tanong niya sa akin saka niya iginewang ang pwet niya para umusuog ako.
Ginawa ko naman saka ko inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Pakiramdam ko sobrang oily ko na at di na ako mabango. Oh boy! Nahahawa na talaga ako sa pagiging femenin ni Nate.
"huy! Tulaley?" agad akong natauhan doon.
"Ah, oo. Isa yun sa kabuhayan namin dati. Kahit nagpapadala si papa ng pera sa amin, hindi namin iyon ginagalaw. Malaki kasi ang galit ko sa kaniya noon dahil pinagpalit niya kaming dalwa ni mama." Gusto ko pang sabihing sa isang lalaki pero hindi ko na ginawa. Ano pang point? Kay papa rin naman kami nagmana at lalaki rin ang gusto namin ni Nathan.
Tumango siya saka kumuha ng chips. Nakikuha na rin ako ng ala-ninja, yong slowmotion na pasimple. Nagagalit kasi ito kapag kumuha ako sa mga pagkain niya kesyo daw marami sa ref at sa kabinet na pagkain, bakit hinddi na lang daw ako kumuha ng para sa akin?
"Ganun? Sali tayo?" tanong niya na inilingan ko na lang.
"Wala tayong kamuhang anime saka isa pa, wala namang mga taong sobrang kamuha ng mga anime liban na lang dun sa mga nakikita kong may potensiyal talaga at tipong sobrang lapit na." Binuhay ko yung TV namin at nanuod ng isang palabas sa isang channel doon bago ako muling humiga sa soffa na ang paa ay nasa hita ni Nathan.
"Ang daya naman. Gusto ko rin magbuhay Ichigo o kaya naman ay kahit si Kuroko man lang." Napangiti na lang ako doon dahil pwede naman kaming magcosplay, nakakatamad lang sa ngayon. "Ah, sabi nga pala ni Riko, may laban ka daw ng basketball. Gusto kong sumali kaya lang hindi ako pang basketball eh. Nine daw ang simula. May thirty minutes ka pa."
Napabalikwas ako ng higa sa sinabi niyang iyon saka ako tunmingin sa orasan at dahil nga totoo ang sinabi niya, nagala-runner ako papunta sa banyo, naligong parang si flash, at nagbihis na parang isang shifter bago pa sumaktong alas nuebe. Kakababa ko lang ng hagdan ng may nagdoorbell. Binuksan ni Nate yung pinto at si Jerwin pala iyon. Kakabalik lang niya mula sa pinuntahan niyang kung saang lugar. Hindi rin naman daw siya magtatagal dito.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...