Hatid-Sundo
-25 Kung siya ang Mahal
One place three cases
Narration
Dalawang araw ang nakakaraan bago magpunta ang mga kaklase ni Noel sa bahay nila, nagbalak ang mga estudyante ng klaseng 11-A.
"Guys, punta tayo kina Nathan. Dalawin natin si Noel at dalahan natin ng mga kailangan niya." Suwesyon iyon mula sa vice presedent ng klase. Lahat naman ay sumang-ayon at naghiyawan pa sa kasiyahan.
"Sasama tayong lahat hindi ba?" tanong naman noong isa sa mga kaibigan ni Noel na babae at nagsihiyawan pa silang muli.
"Hindi ako." Agad na sabi ni Jerwin. Siya ngayon ang pumasok dahil nagcutting classes si Jestoni. Alam na daw kasi ni Jestoni ang itinuturo sa school kaya mabuti pang magpahinga na lang siya. Wala namang nagawa doon si Jerwin kaya siya ang pumalit dito para na rin makita niya si Noel pero hindi niya nakita dahil hindi ito pinapasok ng ama.
"Bakit naman?" tanong ng isa habang nag-aayos na si Jerwin ng gamit niya.
"Papunta ako ng ospital ngayon, may dadalawin ako." Simpleng sagot niya na hindi na lang pinakialaman pa ng mga naroon dahil sa kani-kanilang fandom. May ilan sa mga ito na gustong pagparehasin sina Noel at Jerwin/Jestoni, may ilan namang kay James ang boto kahit papaano at ang medyo marami ay ang kay sir Matt at ang sa boyfriend ni Noel na si Ryan.
"Hindi ka rin sasama James?" tanong ng vice presedent sa papalabas ng si James.
"Yes." Simpleng sagot nito at naglakad ng muli.
Nang alam nilang malayo na ito saka lamang nagsalita si Nathan habang nakaupo ito sa kaniyang lamesa at nakatingin lang kay Jerwin habang kinikilatis kung ito ba si Jestoni o si Jerwin talaga.
"Napahiya siya ni Noel kahapon at broken hearted siya ngayon. Kung sino man ang may gusto sa kaniya habulin niyo na." Pabiro lang yung huli pero wala isa sa kanila ang tumawa. Hinayaan na lang nila si James na umalis at patuloy na sila sa mga sariling agenda. "Ikaw si Jerwin tama? Yung may gusto sa kapatid ko? Alam mo bang nahihirapan siya dahil iniipit n'yo siyang magkakapatid. Ikakasal siya sa kapatid mong babae? Wala ka man lang bang gagawin?" derederetsyo nitong tanong na sinagot lamang ng simple ni Jerwin.
"Hindi lahat ng bagay nakokontrol ng isang tao. May pagkakataong kailangan mong sumunod para sa ikabubuti ng mga nakapaligid sa'yo." Doon natapos ang usapan nila dahil umalis na si Jerwin sa class room.
Agad na sumakay ng Jeep si Jerwin. "Manong, St. Lukes hospital po." Tawag niya sa driver sabay abot ng bayad. Ilang minuto lang ang naging byahe at ng makarating siya sa ospital agad niyang tinungo ang room kung saan naroon ang taong kailangan niyang puntahan.
"Kamusta ka na? May masakit ba?" tanong nito sa lalaking nakahiga sa kama.
"Ayos lang naman. Medyo nahihilo pero pogi pa rin." Biro nito.
"Loko-loko." Kinuha ni Jerwin ang isang silya at naupo sa tabi ng lalaki. "Bakit wala kang bantay?" tanong pa niya.
"Nagbabayad lang si papa babalik din siya agad. Pero baka matagalan. Sikat siya eh." Natatawa nitong sabi pero umiling lang si Jerwin.
"Kahit na may iniinda kang sakit hindi ka mukhang may ganoong uri ng cancer. Katulad ka pa rin ng dati kaya bakit hindi mo na lang ito sabihin sa kaniya?" parang madudurog ang puso ni Jerwin kung paano niya makita ang mahinang ngiti sa mukha ng kausap niya.
Sa mukha ni Ryan.
"Hindi pwede. Gustuhin ko man kailangan ko munang macheck up. Kung hindi baka bago pa ako makarating sa kaniya ay lupaypay na ako. Mahal ko siya Jerwin pero yung ganitong sakit, dito sa loob ko ay hindi na pwedeng makaapekto pa sa kaniya. Sobrang mahal ko siya kaya hindi niya dapat malaman pa." Hindi na napigilan ni Jerwin ang umiyak at sa pagbuhos ng kaniyang luha ay ang pagbuhos din ng mga salitang nais niyang ipadama kay Ryan.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...