Maghihintay Ako

496 14 10
                                    

Hatid-Sundo

-27

Maghihintay ako

Alien's PoV

Nakangiti akong tumakbo pauwi at ng mapagod na ako'y tumigil ako sa may poste ng ilaw. Isang kanto ang layo sa aking bahay. Nakagiti ako habang hinihigal. Nakangiti ako dahil alam kong tama ang ginawa ko. Sa unang pagkakataon, nagawa kong magpasalamat ng maayos kay Jerwin.

Sa muli naming pagkikita, magkakaroon kami ng matibay na pagkakaibigan. At hihintayin ako panahon na iyon. Hihintayin ko siya at hindi ko bibitawan ang mga pangako niya kahit na sinabi kong 'wag na siyang mangako.

Ang sarap na magkaroon ng ganoong klaseng kaibigan. Iyong kaibigang hindi ako iiwan kahit na pinagtabuyan ko na siya. Ah basta, masaya ako.

Tumunghay na ako at humakbang ng isa ng bigla kong makitang lumabas si Nathan kasama si Ryan. Lalo akong napangiti dahil dadalawin niya talaga ako. Babalik na kami sa dati kung kailan sabay kaming papasok sa eskwelahan at tulad ng dati, ihahatid-sundo niya muli ako. Oh boy, Excited na ako. Patakbo akong lumapit pero napahinto rin. Limang bahay bago ang bahay namin.

Nakita kong niyakap ni Ryan si Nathan. Ang higpit ng pagkakayakap na para bang mahal na mahal niya ito. Nakita ko rin kung paano himasin ni Nathan ang likod nito. Lumapit pa ako para makasigurado. Baka naman napagkamalan lang ni Ryan na si Nathan ay ako. Magkamukha talaga kami eh.

"Mahal na mahal kita." Pero iyon ang narinig ko sa bibig ni Ryan. Nakarining din ako ng mga hikbi habang ganoon pa rin ang posisyon nila.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Kung ganoon, ipinagpalit ako ni Ryan kay Nathan? Iniwan ako ni Ryan para sa mismong kapatid ko? Kahit na may karelasyon siya? Nagsinungaling ba si Nathan ng sabihin niyang ang katxt niya ay ang kaibigan niya galing sa Scothland?

Pfftt.. Ang tanga ko naman. Hindi naman makakatxt si Nathan sa ibang bansa dahil lagi siyang unli at hindi siya nagpapaload ng regular. At ang tanga ko pa lalo dahil naniwala ako. Sheyt lang!

"Haha.. ang tanga ko." Kunot noo habang umiiyak kong sabi.

Unli ba luha ko?

Ilang sandali pa'y naghiwalay sila at tingnan mo nga naman, gulat na gulat sila ng malaman nilang nandito ako.

"Noel." Si Nathan iyon na may luha din sa kaniyang mga mata.

"Hi Nathan. Naks, may relasyon pala kayo ng boy—ng mahal ko. Ha. Ang tanga ko. Naghihitay ako sa pagbabalik niya tapos makikita at maririnig kong mahal nyo ang isa't-isa? Wow lang! Wow lang talaga! Putek eh! Nakakagag0 kayo!!" sigaw ko at agad akong tumakbo pabalik sa parke. Wala pa man ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko, nananakit na man ang mga tuhod ko pinilit ko pa ring tumakbo.

Naramdaman kong nangangailangan na naman ako ng hangin pero hindi ganoon kasama kaya huminga muna ako ng maayos.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Nakakatanga ang pag-ibig na ito!

Gusto kong tumalon sa bangin pero walang bangin dito. Gusto kong magbigti pero walang lubid, gusto kong magpakalunod pero nasa kalagitnaan ako ng daan papuntang park kaya wala ring mangyayaring masama sa akin. Nahinto lang ako dahil niyakap niya ako. Umiyak ako sa dibdib niya. Sobrang sakit. Sobra. Kahit pala masaya ka na, may magpapaiyak pa rin sa'yo. WOW lang!

Si Jerwin ang kayakap ko ngayon at iniiyakan. Isang bimpong kaibigan.

"Please Jer, dalahin mo ako sa inyo. Ayoko ng umuwi at makita ang sarili kong kapatid. Please kahit ngayong gabi lang." Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko pero binuhat na lang niya ako na parang mababasaging bagay.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon