Hatid-Sundo
-08
Sing for him.
Alien's PoV
Pagbalik ko ng classroom mula sa pagpunta ko sa CR kanina ng makita kong naguusap sina Nathan at Jestoni.
"Pumayag ka na kasi. Please." Narinig kong pakiusap ni Jes.
"Oo na. Man, ang kulit mo." Nagcross arms si Nathan. Naupo na ako sa upuan ko sa harap ng kapatid ko at mukha namang natahimik sila ng dumating ako.
Ano naman kayang pinaguusapan nila? Bakit kailangan nilang tumigil ng dumating ako? Hindi kaya si Nathan naman ang gustong gawing gay ni Jes? Saka kanina lang inaaway ni Nate si Jes tapos ngayon parang close na close sila, ano kaya napag-usapan nila?
Bahala na nga basta itatanong ko sa kaniya pag-uwi mamaya.
Nagsimula na muli ang kalase at tulad ng mga nakaraang araw may activity kami ngayon at dahil nga P.E. nandito kami sa gymnasium. Last period na ito kaya mukhang mag-eenjoy ako. Salamat kay sir Matt medyo magaan na ang pakiramdam ko. Salamat sa kaniya nakakakilos na ako ng maayos pero ayaw ko pa ring maka-usap ang salarin na si Jes. Magsisi muna siya sa ginawa niya sa akin.
Halos mapatalon ako ng may umakbay sa akin. Hinarap ko ito at nakita kong isa sa mga kaklase ko. Kung hindi ako nagkakamali Daniel ang pangalan niya at dati siyang taga France. Bansang France talaga pero purong Pilipino siya. Akala ko nga magiging kaibigan ko siya dahil galing siyang France pero tulad ng iba hindi din niya ako kinausap noon.
"Pre ano ba!" inis kong sinabi na medyo nakakuha ng atensyon ng mga girls at pumalibot sa akin na parang prinoprotektahan ako.
"Hoy Daniel. Huwag mo ngang hahawakan si Noel." Sabi ni Cindy. Siya ang pina-close ko sa kanilang mga babae.
"Oo nga. May rules at kailangan mong sundin yon." Inis na sabi ni Mina.
Hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila kaya pinakingan ko pang mabuti.
"May away sila ni Alcala kaya may pagkakataon na kaming kausapin siya." Si Jes? Si Jes ba ang dahilan kaya hindi nila ako kinakausap noon?
"Teka, anong pinag-uusapan nyo?" tanong ko sa kanila pero sa halip na sumagot sila ay hinikit na ako ng mga babae papunta kay Teacher Coach.
"Ah coach. Si McGeorge daw muna. Noel Jhon po." Nagtaka ako sa sinabi nitong si Lex pero hindi ko na nagawang tumanggi dahil ibinigay sa akin ni Coach ang bola. Basketball shooting ang laro namin ngayon.
"Oh sige. Magpakitang gilas ka." Napalunok ako doon. Hindi naman kasi talaga ako magaling sa basketball sa American football ako sanay pero bahala na nga.
Itinira ko ang bola mula sa sa may bench at nagshoot yun, malayo iyon sa three point range pero nagawa ko iyong ipasok sa basket. Muli nila akong pinasahan ng bola ng tuluyan na akong pumuwesto sa 3 point range at nagshoot ulit 'yon. Tatlong parte ng 3 point range ang pinuwestuhan ko dahil iyon ang sabi ni coach at nagawa ko namang mashoot dahil wala namang nakabantay.
Nag-uusap pa rin ang mga kalalakihan at mga kababaihan sa klase namin at hindi ko na nagawang intindihan ang pinagtatalunan nila dahil sa ginagawa kong ito.
Sumunod ay sa free throw at sa mga two points area at syempre pinasubok din nila sa akin ang half-court range.
Doon lang ako hindi naka Shoot dahil ang layo talaga hindi naman ako myembro ng generation of miracles ng Koroko no Basuke para maging perfect. At dahil nga hindi ako perfect at hindi rin ako biniyayaan ng magandang height ay hindi ako naka-slum dunk.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...