Si Nathan

821 24 0
                                    

Hatid-Sundo

-Other PoV

Ang pagkilala kay Nathan.

Nathan's PoV

I really hate my brother. I taught he like Jes. They were so close in our classroom like they have the same feeling but I guess I was wrong.

Naiingit lang siguro ako sa kaniya dahil nasa kaniya na ang atensyon ni papa at ganoon na rin ang atensyon ni Ryan. Yes I like Ryan, I like him a lot but his attention is on Noel not in me. Akala ko wala lang ang magustuhan siya pero masakit palang makita na gusto nila ang isa't-isa.

Noong gabing napanuod ni Noel ang anime na yun ay tinawagan ko si Jestoni at sinabing umepekto ang anime kaya pwede na kaming pumunta sa second part ng plan. Man, may gusto talaga siya kay Noel kaya nakipagsanib-pwersa ako ng kakayahan sa kaniya kapalit ng pagtulong niya rin sa akin para ako ang magustuhan ni Ryan.

Kinabukasan, tulad ng inaasahan ko lumayo sa lahat si Noel. Natatakot siya sa nararamdaman niya ngayon lalo pa't hindi siya sigurado sa magiging estado niya sa lipunan kapag umamin siya. Sa Scotland walang paki-alam ang lahat sa kasarian pero iilan lang doon ang bakla ang marami ay mga tomboy kaya kung gusto niyang pumunta doon matatanggap pa rin siya.

Kinausap agad ako ni Jestoni ng umagang iyon.

Ewan ko ba sa lalaking ito kung bakit hindi siya makuntento sa buhay niya ngayong may posibility ng maging gay ang kapatid ko.

"Please na Nathan. Ikaw na ang bahalang magsabi sa mga guro at magpapa-alam pa ako para kunin ang Gimme 5 tapos manghihiram pa ako ng mic na nakakonekta sa buong speaker ng school. Sige na naman pumayag ka na. Pangako hindi ko sasaktan si Mr. McGeorge. Ilalakad pa kita kay Ryan kahit ikamatay ko kaya sige na." Mahabang pakiusap niya.

Nakulitan lang naman talaga ako doon. Sa totoo lang gusto ko ng magback-out sa iniisip niyang ito. Gusto kong palipasin muna ang ilang araw dahil nagugulahan pa rin ang kapatid ko at ayaw ko siyang masaktan dahil sa gagawing ito ni Jestoni pero dahil sa kung anong dahilan, napapayag din ako.

Matapos ang ilang oras nasabihan ko ang ibang mga teacher sa buong school, inuna kong sabihan si Sir Matt dahil siya naman ang adviser namin. Pero mukhang wala siyang pakialam sa pwedeng mangyari, hindi man lang siya nagpakita ng emosyon ng sabihin ko iyon. Wala lang sa kaniya.

Masyadong tahimik si sir Matt, yun ang nakikita ko.

Bago pa maglunch naisapan kong takutin si Noel.

Sinabi kong ayaw ni papa sa mga bakla kahit ang totoo ay dalawa ang papa ko sa Scothland. At siya ang asawa ni papa na ang pagkaka-alam ni Noel ay isang babae. Hindi na ipinaalam iyon ni papa kay Noel pero alam iyon ni mama at siya na daw ang bahalang magpaliwanag sa anak niya. Ayaw lang din ni papa na wala siyang maging apo sa amin ngayong alam niya kung ano ang tunay kong gender. Totoo yung sinabi kong bakla ako noong nagpakilala ako sa klase ni Noel pero kapag si Noel lang ang kasama ko umaasta ako na straight para hindi niya ako masaktan.

Pakiramdam ko kasi siya yung tipo ng kuya na manunutok ng nakababatang kapatid kapag gugustuhin niya kaya hindi ko na lang sinabi. 'Kuya' yan ang tingin ko sa kaniya. Sabi ni papa mas matanda daw sa akin si Noel. Hindi ko lang alam kung totoo nga iyon o hindi. Hindi pa rin naman ako sigurado kung magkamukha lang kami o kambal nga talaga.

Tingin ko rin ang tingin ni Noel ay mas matanda ako sa kaniya na nagbabalat kayo lang bilang isang lalaking nag-aastang bata.

Sa tagal ko sa mga guro late na akong nakarating sa canteen at nakita ko na lang na nagsasapakan sina Jestoni at Ryan.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon