Pagbabalik ng Ala-ala

153 7 0
                                    

Hatid-Sundo

-Pagbabalik Ala-Ala

Alien's PoV

Kinakabahan ako. Ngayon lang sa tanang buhay ko ako kinabahan ng ganito. Hindi ko maisip kung bakit ako kinakabahan, dahil ba sa nangyari noon sa swim area ng resort? Isang linggo na rin iyon pero hindi pala madaling kalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Jerwin.

Nakangiti siya noon sa akin habang pinapanuod namin ang mga kaibigan naming naglalangoy sa kalaliman ng gabi. Hindi na rin kasi kami nakatulog ng mga sandaling iyon, mas pinili naming magpakapagod at mag-aliw aliw at dahil ang mga kasamahan naming ngumiti at tumayo sa harap ng maraming tao, iilan lang muna kami ng mga manager na naligo sa pool. Nagkukwentuhan sila habang nakababad ang katawan sa tubig samantalang ako mga paa lang ang nakalagay sa tubig.

Kinamusta ako noon ni Jerwin, tinanong kung gusto ko raw ba siyang lunurin sa amoy ng paa ko. Natawa lang ako doon at sinabing gago siya dahil sinabihan pa akong amoy na daga ang paa kahit alam naming pareho na hindi ganoon kabaho ang paa ko at nagsabon ako kanina bago lumusong sa tubig na ito. Nakasando ako noon na puti at maluwag na shorts dahil akala ko talaga gusto kong maglango pero ng maramdaman ko ang lamig ng tubig sumuko na lang ako.

Nandoon ako sa pagbalahura sa kaanyuan noon ni Jerwin ng sabihin niya sa akin ang mga mahiwagang salitang iyon. Mga salitang hindi ko na dapat pang narinig kung alam kong iyon ang magpapabalik sa alala ko sa nakaraan.

"Alien, bumili ka nga ng suka at toyo dyan sa kanto. Isama mo itong magaling mong ama na kanina pa ako kinukulit." Agad kong tiningnan sina mama at papa at nakita kong pilit na yumayakap si papa pero tumatakbo palayo si mama na makikitang naiinis nga kay papa kaya nawala na sa isipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Jerwin nitong nakaraan.

"Dad, let's go before mom kill the TV." Napakamot na lang ng batok si papa habang nagpalit-palit ang tingin niya sa aming dalwa ni mama pero tumango din at sumama sa akin.

"What's the problem son? May problem ba ikaw?" umiling agad ako doon pero kilala na niya ako sa tagal naming magkasama. "Love issue? Tell me, I've been there." Napangiti na lang ako doon. Ipinagpalit nga pala kami ni papa sa isang guy din pero ngayon andito na siyang muli sa amin.

"Oh boy, I can't hide anything from you, can't I? But promise me you'll tell me what happened between you and mama Anna." Pinaningkitan ko siya ng mata kaya napakamot muli siya sa batok niya habang naglalakad na kami ngayon sa kalsada papunta sa tindahan.

"Well, your mother is mad at me because I sleep with him again." Kumunot ang noo ko't sinamaan ng tingin si papa. "I'm sorry I really am but that was the last time I won't do it again and to tell you the truth, he ditch me after that night." Inikutan ko na lang siya ng mata saka nagsabi ng bibilhin ko sa tindera. Malapit lang naman kasi sa bahay ang tindahan.

"Look dad," napatingin ako sa tindera kaya iniba ko ang lengwaheng ginamit ko para kausapin ang ama ko. "it's not about what you do. Mom and I know that your in love with him. We apreciate the fact that your being a father to me and I know mama Anna is mad because you feel guilty having a relationship with another man. She knew what you are and she accepts it. She never ask you to love her, she just want you to trust her and make her your friend even if you can't love her back. Mama Anna loves you like she loves Nate and I so don't feel guilty about your happiness, Dad. You deserve to be happy and Mama Anna wants you to be happy." Hinawakan ni papa ang balikat ko at hindi na nagsalita pa. Naiintindihan na niya ngayon ang sinasabi ko at nararamadaman niyang totoong nagpapasalamat kami sa pagmamahal na ibinigay niya't gusto namin siyang maging masaya.

Bumalik na kami sa bahay matapos naming bumili at nakita naming naguusap sina mama at Nate.

"Ma, alam ko namang mahal mo pa rin si papa at nagagalit ka kasi hindi ka niya pinagkakatiwalaan sa pagsasabi ng sex relationship niya pero natatakot lang si papa na lumayo ka sa kaniya importante ka rin kasi para sa kaniya." Iyon ang mga katagang nasabi ni Nate kay mama.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon